Panimula

2.1K 18 1
                                    

"How's school? Anong ganap sa ilang linggo mong pagpasok sa bago mong school?" Umupo si Mommy nang ilapag niya sa lamesa ang nilutong menudo.

Nagsimula naman na akong kumuha ng kanin. "Okay lang naman, Mom. Marami na rin akong naging friends."

Hindi naman ako nahirapan maki-halubilo sa mga new classmates ko. 1st year college student na ako, pero dapat 3rd year na dahil huminto ako sa pag-aaral ng dalawang taon. Kahit mas matanda ako ng dalawang taon sa mga kaklase ko, hindi naman naging problema iyon sa akin, at sa kanila.

"Pogi niya kaasar! Nahihiya akong ibigay 'tong gift ko sa kaniya," Malungkot na bumuntong hininga si Anna bago magbaba ng tingin sa hawak niyang paper bag. "Nung isang araw pa 'yung birthday niya pero hindi ko pa naiaabot. Puwede bang..ikaw na lang ang magbigay nito, Belle?" Nag-puppy eyes pa siya sa akin nang sabihin niya iyon.

Halos mapairap ako sa kawalan ngunit sunod-sunod ding umiling. Si Anna ang pinaka-una kong naka-close rito sa university, hindi rin nakakalayo ang ugali naming dalawa kaya heto, 'di na kami mapaghiwalay dalawa.

"No way, Anna. Baka..kung ano pang isipin no'n sa akin. Gusto mo ba 'yon? Iisipin ng crush mo na may crush ako sa kaniya dahil lang sa pag-abot ng gift out of nowhere?" Ismid ko dahilan para bumagsak ang balikat niya ngunit nakuha naman niya iyon. "Tsaka isa pa, baka makarating kay Raven! Alam mo namang..humahanap lang ako ng chance na..pomorma, 'di ba?" Hininaan ko ang huling sinabi bago tumingin sa paligid, nandito kasi kami sa gymnasium, kasalukuyang pinapanood na mag-training sila Ghelo at Raven ng basketball..na siyang crush naming dalawa ni Anna.

Halos sabay kaming napabuntong hininga ni Anna, bigo habang tahimik na pinagmamasdan ang dalawang lalaking gustong-gusto namin.

Kinagat ko ang labi ko nang makitang mapasulyap sa gawi ko si Raven, ngunit 'di ko inaasahan na ngingiti pa siya sa akin bago tumalikod at tumakbo papunta sa teammates niya!

"O..omg..omg! Nginitian ka ni Raven?! Ang daya!" Mukhang hindi lang ako ang nakakita no'n! Pati si Anna kaya confirm na sa akin siya tumingin at take note, ngumiti pa!

Gosh..ang puso ko..

Kaya natapos ang araw na iyon na hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Kasalukuyang naglalakad na kami ni Anna palabas ng University pero saktong pagtapak namin sa parking lot ay awtomatiko kaming napahinto nang makita si Ghelo at Raven na nakasandal sa kani-kanila nilang kotse.

Napahawak sa braso ko si Anna. "Omg Belle! Anong gagawin ko?! Mag-hi ba ako?! Omg! Wait, hindi naman ako haggard 'di ba?" Bigla niyang harap sa akin, gusto ko matawa dahil sobrang pula ng pisngi niya.

Napailing na lamang ako dahil sa inasta ng kaibigan. Syempre hindi naman ako sobrang unsupportive na kaibigan kaya para buo rin ang araw niya ngayon, mabilis ko siyang hinatak papunta sa gawi nila Raven!

"Huy! Anong--" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil mabilis kaming nakarating sa harapan nilang dalawa.

"Oh..hi Anna!" Mabilis na bati ni Ghelo kay Anna, kahit sobrang sakit na ng pagkakakurot niya sa braso ko ay tiniis ko na lang dahil feeling ko anytime sasabog na siya sa kilig.

"A-ah..hi..a-ano.." Sumulyap ako kay Anna and swear! Mukha siyang kamatis sa sobrang pula ng pisngi niya!

Halos mapapikit ako dahil doon. Wrong move girl! Mukha kang kang tanga! Kaya naman, palihim ko siyang siniko dahilan para mapatikhim siya.

Dali-dali niyang inabot ang gift, tuluyan na akong napapikit para pigilan ang pagtawa dahil nanginginig ang kamay niya habang inilalahad ang gift kay Ghelo!

"U-uhm..a-ano..gift ko sa 'yo. H-hindi ko kasi..uhm..naibigay nung b-birthday mo, G-g-ghelo.." Tagumpay niyang nasabi!

Nang imulat ko ang mata ko ay sakto namang tumama iyon sa mga mata ni Raven! Halos maestatwa ako nang mapangiti siya, at dahil agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko ay agad naman akong napayuko sa hiya.

"Thanks for this, Anna. I really appreciate it." Dinig kong sabi ni Ghelo kaya naman minabuti kong sumulyap ulit sa kanilang dalawa. "By the way, are you free on Friday? Birthday kasi nitong si Raven, I want you to be my partner." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya bago muling tumingin kay Raven na kasalukuyang nakatingin na rin sa akin.

B-birthday niya pala sa Friday..

"H-huh?! Ako?!" Bakas ang saya sa boses ni Anna. "O-okay! Kung..ayos lang din kay Raven.." Nakita ko sa gilid ng aking mata ang paglingon sa akin ni Anna.

Magsasalita na sana si Ghelo pero mabilis tumikhim si Raven, habang ang paningin ko ay nasa ibaba pa rin.

"You..be my partner on my birthday."

Halos ilang segundo kaming binalot ng katahimikan. Nang matauhan ay dali-dali akong nag-angat ng tingin kay Raven, sa akin siya nakatingin.

A-ako?!

Ngumiti siya pero bakas ang pamumula ng dalawang tenga bago mag-iwas ng tingin. "I'll fetch you on Friday, 6 pm sharp." Pagtatapos niya sa usapan bago tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang kotse ngunit nanatili akong tulala sa ere, hindi pa rin makapaniwala sa narinig.

Narinig kong nagpaalam na rin sa amin si Ghelo ngunit pakiramdam ko ay nakalutang pa rin ako sa ere.

T-totoo ba? Hindi naman siguro ako nananaginip?

Tuluyan kong napatunayan na hindi nga iyon panaginip dahil mabilis sumampa sa akin si Anna at mabilis na nagtatatalon habang tumitili na animo'y nanalo sa lotto.

"Omg! Omg! I can't believe it, Belle! Whaaaa!!" Hindi ko na halos masundan ang sinabi niya pero isa lang ang alam ko, sobrang saya ng puso ko.

Ito na ba? Ito na ba ang simula ng love story namin ni..Raven?

------------------------
Don't forget to vote!

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon