Chapter 2

889 14 0
                                    

"See you later, babe!" Paalam pa ulit sa akin ni Anna nang maihatid niya ako sa bahay nang matapos ang klase namin sa araw na iyon.

Kinawayan ko pa muna ulit siya hanggang sa tuluyang makaalis ang sasakyan nila. Napangiti pa muna ako bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay, maaga-aga pa naman kaya may time pa ako na mag-ready para sa party mamaya.

Susunduin nga pala ako ni Raven mamaya..

Wala sa sarili kong naikagat ang labi dahil sa naisip. Hindi ko rin mapigilang pagpulahan ng pisngi dahil sa ideyang susunduin niya ako mamaya.

"Oh? Nakauwi ka na pala." Mabilis kong hinalikan si Mommy sa pisngi nang salubungin niya ako.

"Mom, may pupuntahan nga po pala akong party mamaya. Uhm, susunduin ako ni Raven dito, schoolmate ko po siya.." Paalam ko nang maayos, dahil sa excitement nawala sa isip ko na kailangan ko pa nga pa lang magpaalam kay Mommy.

Nakita ko naman ang pagtaas ng kaniyang kilay, animo'y nagsu-suspetsya. "Schoolmate? Raven? Who's that? Ngayon ko lang narinig 'yang pangalan ng Raven na 'yan ah? And wait, kasama ba si Anna?" Sunod-sunod ang tanong ni Mom habang nanliliit pa ang mga mata!

Napabuntong hininga naman ako bago siya alalayan paupo sa sofa na nandito sa likuran namin. Nakakunot pa rin ang kaniyang kilay.

"Mom, calm down okay? Ganito kasi 'yon, Raven is my..crush." Saglit ko pang tiningnan ang magiging reaksyon niya, nakita kong tumaas naman ang kaniyang kilay. "And..he invited me to his birthday party, and I said..yes."

Siya naman ang nagpakawala ng buntong hininga bago humalukipkip. "Lilybelle, you know that you can trust me, right? Hindi naman kita pinagbabawalang mag-boyfriend pero hindi mo naman kailangan magsinungaling--"

"What? Mom!" Mabilis kong putol sa kaniya, tuluyan akong natawa nang ngumiti siya nang malaki. "Mom..Raven is just my crush. Ininvite niya lang talaga ako sa birthday niya, don't worry kasi kasama naman si Anna."

Ilang saglit niya pa akong tiningnan bago tumango ng dalawang beses. "Alright, then. Hindi na ako makikipagtalo, pero alam mong ayokong naglilihim ka sa akin, okay?" Aniya na mabilis ko namang tinanguan.

Niyakap niya pa muna ako bago ako hayaang umakyat patungo sa kuwarto ko. Agad kong hinanda ang susuotin ko para sa party. Habang naghahanda ay hindi ko mapigilang mapangiti, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ininvite niya ako!

Tama si Anna, ni hindi niya ako magawang kausapin or lapitan man lang. Nakakasalubong ko lang siya sa University, tamang nakaw tingin sa kaniya at pakikipag-eye contact lang ang nangyayari sa aming dalawa. Well, hindi naman ako 'yung tipong babae na nagfi-first move pero dahil sa crush na crush ko siya ay nagpa-plano pa lang dapat ako pero naunahan na niya ako, which is good thing for me, hindi ako magmu-mukhang uhaw sa atensyon niya.

"Hello? Are you done?" Sagot ko sa tawag ni Anna, ngayon ko lang din naalala na wala pala akong number ni Raven! "Shit, Anna. Paano nga pala ako masusundo ni Raven e hindi niya naman alam kung saan ako nakatira? Wala rin kaming number sa isa't-isa! Damn!" Bigo akong napaupo sa kama!

Stupid me! Ngayon ko lang naisip 'yon ah? Ang tanga ko sa part na iyon, masyado akong nalutang dahil sa masarap na pakiramdam na pinaramdam sa akin ni Raven nung time na inaya niya akong maging partner niya.

"What?! Eh paano nga iyan? Uhm..gusto mo pagkasundo sa akin ni Ghelo daanan ka na lang namin--oh wait..hihingiin ko na lang 'yung number ni Raven kay Ghelo para maipasa ko sa 'yo--" Hindi natuloy ni Anna ang sasabihin niya sana nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko, agad niluwa no'n si Mommy.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon