Marahan kong minulat ang dalawang mata ko nang magising ang aking diwa ngunit mabilis ding napapikit ulit dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha dahil nakabukas na ang bintana ng aking kuwarto.
Tumalikod ako sa gawi no'n bago yakapin ang unan. Hindi ko alam kung anong oras na pero inaantok pa rin talaga ako kaya naman muli akong hinila ng antok.
"Tulog pa si Belle, Anna. Hindi ko alam kung anong oras na siya nakauwi pero nag-text sa akin ang kuya mo na magkasama sila kagabi." Dinig kong sabi ni Mommy nang magising ulit ako sa pangalawang pagkakataon.
"Ang kuya ko po, tita?" Gulat na tanong pa ni Anna dahilan para tuluyan akong mapaupo.
Papikit-pikit akong nag-angat ng tingin sa wall clock ngunit laking gulat ko nang makitang alas-dos na ng hapon! Pinakiramdaman ko muna ang sarili, mukhang nakabawi naman ako ng tulog kaya nagpasya akong bumangon na paalis sa kama.
"Oo, hija. Aba, nagulat nga ako eh." Muli kong narinig ang pagsagot ni Mommy.
Lumakad naman ako patungo sa cr na nandito sa kuwarto ko at doon naghilamos at nag-ayos. Nagpalit na rin ako ng suot dahil talagang magtataka si Anna kapag nakita niya ang pinahiram sa akin ng Kuya niyang pajama at sando.
Ibabalik ko na lang siguro 'to sa susunod.
Nagpalit ako ng short at blouse bago lumabas sa cr. Iniwan ko roon ang pinahiram sa akin ni Chase bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Hindi ko na nakita sila Anna roon kaya naman bumaba ako patungong sala.
"Talaga? Sige, ayos lang naman sa akin. Mukhang busy na busy talaga ang parents mo sa business niyo, ano?" Si Mommy ang nagsasalita nang makababa ako patungo sa sala.
Napabuntong hininga naman si Anna bago ngumiti sa kaniya. "Opo Tita, pero sanay naman na ako roon..isa pa nandiyan naman po si Belle palagi kaya hindi ako nalulungkot."
Nang mapansin ako ay sabay silang napatingin sa akin. Ngumiti ako kay Anna, tumayo pa siya para salubungin ako ng yakap na mabilis ko ring ginantihan.
"Mukhang puyat ka ah?" Nanghuhuli niyang tanong sa akin bago umupo sa sofa na mabilis ko ring tinabihan.
"Anong oras ka na bang nakauwi kagabi, Anak?" Si Mommy na siyang nasa harap namin.
Bahagya akong napatikhim bago sumagot. "Ah, mga..12 na rin Mom. Medyo..nag-enjoy ako eh."
I lied. I fucking lied! Hindi ako puwedeng mahalata ni Anna na may nangyayari sa pagitan namin ng kuya niya!
Napalingon sa akin si Anna. "Why? Saan ka ba galing?" Tanong niya sabay nguso.
"Sa bar, hindi na kita sinama dahil baka mayari ako sa parents mo." Bahagya akong ngumiti sa kaniya, mas lalong humaba ang nguso niya pero nang may mapagtanto ay mabilis siyang ngumiti sa akin ngunit 'di nagtagal ay mabilis nanliit ang dalawang mata. "Eh bakit..magkasama kayo ng kuya ko? Hmm..may hindi ba ako nalalaman?" Mabilis lumagabog ang dibdib ko sa gulat ngunit 'di ko pinahalata iyon.
Tumingin ako kay Mom na mukhang naghihintay rin sa isasagot ko ngunit nagbaba ako ng tingin sa mga desserts na nasa mesa.
"Ah, 'yon ba? Nasa bar din kasi ang kuya mo, ayoko pa umuwi no'n and medyo lasing na talaga ako kaya..ayon siya na ang nag-offer sa akin na maghatid pauwi. Pakisabi thank you sa Kuya mo ah?" Gusto kong sampalin ang sarili dahil muli akong nagsinungaling!
Damn it! Hindi pa ako ready magsabi kay Anna, baka masamain 'yon kapag nagsabi ako ng totoo patungkol sa nangyayari sa amin ng kuya niya. Baka isipin niya na ginagawa ko itong rebound..kahit na..ganoon ang gusto ni Chase! Pero syempre hindi ko gagawin ang gusto niya, ayokong may masaktan pang iba.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
RomanceLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...