Chapter 21

652 9 0
                                    

“Hoy dalawang mag-love birds! Baka naman langgamin na kayo diyan sa kuwarto? Bumaba na kayo at kakain na!”

Sabay kaming napatingin ni Chase sa pintuan ng kuwarto dahil sa sigaw ni Ate galing sa labas ng pinto. Saglit pa kaming nagkatinginan bago matawa kaya naman hinayaan niya na akong makapag-ayos saglit sa cr.

Hindi na yata maaalis ang ngiti sa aking labi lalo pa at paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang nangyari ngayon-ngayon lang.

Lord, thank you po sa masarap na pakiramdam na ‘to. I love you po.

Nang matapos ay sabay na kaming bumaba ni Chase patungong kusina. Kompleto na pala sila roon sa hapag, katulad kanina ay halos mapuno ang kusina dahil sa dami namin.

Tumayo si Tito Allan para paupuin si Chase. Umangal pa siya nung una pero hindi nanalo kay Tito Allan. Sabay-sabay naman na kaming nagsalo sa hapunan.

“Do you know what this is, Mr. Singapore? This is what we call, dilis.” Ani Auntie Lina habang nilalagyan ng dilis sa plato si Chase.

Natatawa ko namang pinagmasdan si Chase habang nakatingin sa sarili niyang plato. “Oh, the fish is too dry and too small. Okay, I'll taste it.” Tumatango-tango niya pang sabi bago tikman iyon.

Halos lahat kami ay naghihintay sa reaksyon niya ngunit sabay-sabay ring natawa dahil mabilis itong ngumiti sa amin.

“Maalat..pero masarap.” Komento niya pa, alam kong walang ibang ibig sabihin no’n pero dahil sa mga lalaki kong pinsan pati na rin sa mga Tito ko ay mabilis napuno ng tawanan ang buong kusina.

Nakita ko pa ang napapailing na si Auntie Lucenda, namumula na ang kaniyang mukha dahil sa pagpipigil ng tawa dahil sa mga loko-loko kong mga kamag-anak!

“Yeah, maalat pero masarap. That is the most delicious taste in the world. Uhm!” Muling nagtawanan ang mga pinsan at mga Tito ko dahil sa sinabi ni Buknoy.

“Ano ba ‘yan? Ang baboy!” Nandidiring pananaway ni Moira at napapailing na lang din sa kanila.

Nang mapatingin ako kay Chase ay malaki na rin ang ngisi nito, animo'y nakuha rin ang ibig sabihin ng mga pinsan ko. Agad ko siyang inirapan nang masalubong niya ang aking tingin.

Boys will be boys.

Medyo natagalan kaming kumain dahil may halong tawanan ang naging hapunan namin. Hanggang sa pagliligpit ay napapailing na lang ang mga tita at mga pinsan kong babae dahil sa kapilyuhan ng mga lalaki kong pinsan, idagdag mo pa ang pang-gagatong ng mga Tito ko.

“I like your family, they're so funny, huh?” Mukhang nasiyahan nga si Chase sa samahan naming mag-anak.

Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa dalampasigan na hindi nalalayo mula sa baryo namin. Bitbit niya ang dalawang foldable chair habang may bitbit naman akong tote bag na may lamang canned beer at chips.

Ngumiti ako sa kaniya. “Pasensya na at ganoon talaga kaloko ang mga ‘yon. Lalo na ang mga pinsan kong lalaki.” Napapailing kong sabi na mabilis niyang tinawanan.

Nang makarating sa dalampasigan ay mabilis niyang inayos ang hawak na foldable chair. Agad naman akong umupo nang ibigay niya sa akin ang isa bago siya umupo sa tabi ko.

“Nage-enjoy akong kausap sila, ang mga pinsan ko kasing lalaki puro business ang bukambibig.”

Inilahad niya sa akin ang binuksang canned beer na mabilis kong tinanggap bago rin siya magbukas ng kaniya. May ngiti sa labi akong uminom doon saglit bago tinanaw ang magandang view.

Kalmado ang dagat ngayon, tamang-tama para mag-relax. Ang ganda rin ng buwan na siyang nagbibigay ng kaunting liwanag. Hindi naman sobrang dilim sa puwesto namin dahil may mga ilaw sa likuran namin.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon