Chapter 5

613 8 0
                                    

Hindi ako halos makasagot dahil sa sinabi ni Anna na siyang nagbigay gulat sa akin. Hindi ko alam 'to, at dahil sa ideyang hindi ko alam ang bagay na 'to ay siyang nagbigay rin ng konsensya sa pagkatao ko.

Siguro masyado na akong naka-focus kay Raven kaya pati si Anna, hindi ko na naku-kumusta.

Ilang minuto ang lumipas, panandaliang nawala sa isip ko ang nasaksihan kanina lang dahil sa sinabi ni Anna. Sa totoo lang awang-awa ako habang nakatingin ngayon kay Anna, bakas na bakas ang pamumugto ng kaniyang mga mata.

Hinayaan ko na muna siyang kumalma, at nang kumalma siya ay hindi muna Ako nagtanong dahil hinayaan ko siyang kumain hanggang sa mapainom ko siya ng gamot.

"So..ano ngang nangyari?" Hindi na ako nakatiis.

Dahil doon muling namasa ng kaniyang mga mata dahil sa luha na pilit niyang pinipigilan.

Suminghap pa muna siya bago sumagot. "Matapos nung birthday ni R-raven..nag-confess ako kay G-ghelo, Belle." Panimula niya ngunit hinintay ko lamang siyang magpatuloy. "Matapos kong aminin sa kaniya 'yung nararamdaman ko..masaya ako dahil nalaman kong gusto niya rin pala ako. Gusto namin ang isa't-isa pero walang nangyaring ligawan dahil hindi niya naman ako tinanong kung puwede bang m-manligaw.." Nagpakawala siya nang malalim na buntong hininga, animo'y nahihirapan at nasasaktan sa pagku-kuwento. "Sa mga nagdaang araw pinaramdam niya sa akin na g-gusto niya ako, para na nga siyang n-nanliligaw sa akin k-kahit wala naman siyang k-kinaklaro eh.."

Paano nagawa ni Ghelo 'yon sa kaibigan ko? Humanda siya sa akin bukas. Siguraduhin niya lang ma valid ang reason niya pero kahit ganoon, makakatikim pa rin siya sa akin ng sampal.

Kinuha ko ang dalawang kamay niya. "Tapos anong nangyari? Nahuli mo na siyang may k-kahalikang iba?" Alinlangan ko pang tanong ngunit tuluyan na ngang pumatak ang luha sa mga mata niya na kanina niya pa pinipigilan.

"O-oo..si F-faye na may gusto rin sa k-kaniya 'yung k-kahalikan niya. Ang sakit..Belle. Alam kong wala naman akong karapatan masaktan dahil 'di ko naman siya manliligaw o ano..p-pero kasi..harap-harapan ko pa t-talaga? Sana ginawa na l-lang nila 'yon sa l-lugar na alam n-nilang 'di k-ko madadaanan." Muli niyang pinunasan ang luha sa pisngi niya ngunit mabilis ko naman siyang niyakap dahilan para magsimula na naman siyang humagulgol.

Inis akong napapikit saglit habang yakap-yakap siya. Ngayon pa lang iniisip ko na kung paano at saang anggulo ko sasampalin si Ghelo.

"Kahit na! The fact na umamin siyang gusto ka rin niya, given na 'yon! May karapatan kang masaktan, okay?! Bwesit na Ghelo na 'yon, manloloko siya! Humanda siya sa akin bukas, pati 'yang Faye na 'yan!" Halos isigaw ko 'yon dala ng inis ngunit mabilis humiwalay sa akin si Anna.

Paulit-ulit siyang umiling. "H-huwag na, Belle. Hayaan mo na lang. Ayoko na rin n-naman na sila guluhin, wala naman kaming relasyon in the first place." Suminghap siya bago muling punasan ang luha sa mata.

"Pero hindi puwede 'yon, Anna! Pinagmukha kang gago nung tao! Nagpakita siya ng motibo tapos ganoon gagawin niya sa huli! Gago siya! Gago!" Halos lumabas ang litid ko dahil sa pagkapikon ngunit si Anna naman ang humawak sa nakakuyom kong kamao.

Nagpakawala siya ng buntong hininga. "Hayaan mo na, Belle. Ginusto niya 'yon eh, wala naman akong magagawa kung si Faye ang mas gusto niya. Isa pa, w-wala na rin namang mangyayari kung magkakagulo pa, hindi na rin naman kami babalik sa dati ni Ghelo..kaya hayaan na." Malungkot niyang sabi habang hinahaplos ang kamao kong nakakuyom.

Muli akong napapikit sa inis at wala nang ibang nagawa kung hindi ang yakapin siya. Hindi ako gagawa ng gulo pero hindi ibig sabihin no'n na hindi ko haharapin si Ghelo.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon