Chapter 30

502 5 0
                                    

Naiwan kaming dalawa ni Nica na magbantay muna sa Lola nila Chase. Sinubukan pa akong isama ni Chase sa kaniyang penthouse pero tumanggi ako sa kaniya at sinabing hihintayin ko na lang ulit siya rito sa hospital dahil maliligo lang din naman siya.

Sila Anna at Harvey naman ay kumuha ng mga gamit ng kaniyang lola. Sa totoo lang natatakot ako ngayon sa sitwasyon ko pero kailangan kong ipakita na mabuti akong tao para sa kaniyang apo, kahit ayaw niyang makita ako ngayon, gusto kong patunayan na malinis ang intensyon ko kay Chase, lalong-lalo na, na hindi ako isang gold digger.

Sa unang pagkakataon ay kinausap ako ng kaniyang Lola. "Ikuha mo ako ng mainit na tubig sa station, ayon ang termos." Kahit halata namang nagsusungit siya ay mabilis akong tumayo para sundin ang inutos niya.

"Meron pa po kayong kailangan?" Nakangiti kong tanong sa kaniya, hindi naman nakaligtas ang paningin ko kay Nica na ngayon ay sarkastikong nakatingin na sa akin.

Umiling siya, ang paningin ay wala na sa akin. "Wala na!"

Aligaga naman akong napasunod agad kaya kahit mabigat ang dibdib ay mabilis ko siyang sinunod para kumuha ng mainit na tubig.

Ano naman kayang gagawin niya sa mainit na tubig?

Napailing na lang ako bago pumasok sa elevator. Tahimik lamang na naglalayag ang utak ko. Paano ko kaya makukuha ang tiwala ng Lola ni Chase? Ang hirap-hirap.

Naging mabilis ang kilos ko dahil baka mas lalo akong sungitan ng Lola ni Chase kung babagal-bagal ako. Kaya nang makarating ulit ay marahan kong pinihit ang door knob ng kaniyang kuwarto. Isang maliit na siwang pa lang ang nagawa ko ngunit mabilis akong natigilan nang marinig ang pag-uusap nila ni Nica at ng Lola ni Chase.

"I'm just finding a way, Grandma."

"You should. Ayoko sa babaeng iyon! Balita ko ay panay ang pag-iinom niya sa bar para maglasing. Hindi ko pinangarap para sa apo ko ang ganoong klaseng babae. Malay ko bang..seryoso siya sa apo kong si Allister? Paniguradong sasaktan niya lang ang apo ko at hindi ako makakapayag doon." Mahaba ngunit ramdam mo ang inis sa boses ng Lola ni Chase.

Unti-unti akong nagbaba ng tingin habang nanatiling nakatayo at nakikinig sa kanilang usapan. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaibang kurot sa puso ko dahil sa mga sinabi niya laban sa akin.

Hindi ho ako ganoong klaseng tao..

Humalakhak si Nica. "Hayaan mo, grandma. Magsisisi rin si Chase na pinili niya ang babaeng iyon over me. Bago pa niya ayaing magpakasal ang babaeng iyon, uunahan ko na siya."

"I'll support you no matter what happens, apo."

Kinagat ko saglit ang aking labi. Hindi ko tuloy alam kung tutuloy pa ba ako sa loob o hindi. Dahil sa mga narinig ko, hindi ko na kayang harapin sila Nica.

"Belle.." Awtomatiko akong napapunas sa aking pisngi dahil sa pagpatak ng aking mga luha nang marinig ang boses ni Chase.

Suminghap ako habang tinutuyo ang luha sa pisngi, nang makuntento ay may pilit na ngiti sa labi akong humarap kay Chase na ngayon ay seryoso nang nakatingin sa akin habang kinikilatis ang kabuuan ng aking mukha.

Ngumiti ako sa kaniya. "Nandiyan ka na pala.."

"What happened?" Nag-aalala niyang tanong bago ako hawakan sa braso. Nakita ko pa ang pagsulyap niya sa bahagyang nakaawang na pinto bago ibalik ang paningin sa akin. "Anong narinig mo? Tell me."

Nagbaba naman ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay maiiyak ulit ako. Ayoko namang magkagulo sila kung sasabihin ko ang narinig mula kay Nica at sa Lola nito kaya naman minabuti kong umiling habang may pilit na ngiti pa rin sa labi.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon