Ilang segundo lang nagtagal ang labi ni Raven sa labi ko ngunit literal na tumigil ang mundo ko, pakiramdam ko ay nabingi rin ako ng ilang segundo habang gulat na nakatingin kay Raven, nanatili ang ilang pulgadang layo niya sa mukha ko.
Kitang-kita ko ang kislap sa mga mata niya habang nakatingin sa mga mata ko. Nakita ko rin kung paano siya lumunok.
Anong ginawa niya? Bakit niya ako hinalikan sa harap ng maraming tao?!
"Mali ako, I don't like you..'cause I love you." Sinsero niyang usal ngunit imbes na tugunan iyon ay awtomatikong lumipad muli ang paningin ko sa kinaroroonan ng kuya ni Anna.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon ngunit kusang ginawa ng mga mata ko iyon.
Nang magtama ang paningin namin ay hindi ko na mabasa pa ang emosyon sa kaniyang mukha habang nanliliit ang mga matang nakatingin sa akin nang diretsyo. Saglit tumagilid ang ulo niya nang muling mahuli ang paningin ko, animo'y nagtataka sa ginagawa kong pagsulyap sa kaniya gayung hinalikan lang naman ako ng lalaking nasa harapan ko!
Nakita ko ang pagbuntong hininga niya sabay baling sa gilid niya dahilan para mamataan ko kung paano kumislap ang earring na suot niya sa kaliwang tenga niya.
Saglit naman akong napaubo bago lumayo nang kaunti kay Raven. Kinagat ko ang labi ko at minabuting tumingin na lang kay Raven kahit naglilikot ang mga mata ko.
"I'm sorry, Belle. But I just can't help it." Aniya nang mapansin sigurong nabigla talaga ako sa ginawa niya.
Pilit akong ngumiti sa kaniya bago ibaling ang paningin sa lahat ng nanonood. Doon lang nag-init ang pisngi ko. Doon ko lang din nahagip si Anna na animo'y kilig na kilig sa eksena naming dalawa ni Raven.
"Let's go.." Nagulat ako nang hawakan ni Raven ang kamay ko at hinatak paalis doon.
Doon lang din nagsalita ang Emcee ng party niya hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili na nasa loob na ng kanilang bahay kasama siya. Nasa labas kasi ang lahat ng tao, dahil nasa malaki nilang bakuran ang venue at doon din nilagay ang mini stage na ginawa.
"A-anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kaniya, unti-unti na ring nawala ang hiya.
Pinaupo naman niya ako sa sofa. "Hindi ka ba galit?" Balik niyang tanong sa akin patungkol sa halik niya.
Agad naman akong nagbaba ng tingin sa kamay ko bago bumuntong hininga.
"Hindi..nabigla lang talaga ako sa ginawa mo. Tsaka..nasa harap pa tayo ng maraming tao." Saglit akong ngumuso bago siya tuluyang sulyapan. Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-guilty sa ginawa dahilan para saglit akong matawa.
"Sorry..hindi ko lang napigilan..basta ang alam ko lang, gusto kitang halikan kanina.." Napabuntong hininga siya bago kunin ang kamay ko. "I'm sorry, Belle. Sana hindi kita nabastos." Muli siyang bumuntong hininga dahilan para bahagya akong matawa, agad naman nagtama ang paningin naming dalawa.
"Ayos lang, smack lang naman 'yon." Gusto kong suntukin ang sarili dahil sa sinabi bago tumayo at mag-inat. "Nagutom ako ulit, pero..gusto ko ng chips. Meron ba kayo rito?" Pangtataboy ko sa kaninang topic, tuluyan nang sumulyap ang ngiti sa labi niya bago ako hilahin patungo sa kitchen nila ngunit awtomatiko kaming napahinto nang makita roon ang kuya ni Anna!
"Sir Chase, what are you doing here inside? The party is outside of the house." Magalang at pormal namang tawag pansin ni Raven sa kuya ni Anna!
C-chase ang pangalan niya?
Dahan-dahang lumingon sa amin si Chase na nakasandal sa counter habang nakatingin sa labas ng bintana ng kitchen kung saan kitang-kita ang nagpe-perform sa stage. Halos mapatalon ako nang magtama ang paningin naming dalawa, mukha ring napansin niya iyon dahil saglit sumilip ang ngiti sa kaniyang labi ngunit agad ding binawi nang tingnan si Raven kaya minabuti kong magbaba ng tingin sa lapag.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
Storie d'amoreLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...