"Come in." Kaswal niyang sabi nang pagbuksan ako ng pinto. Saglit pa akong napalunok bago tuluyang pumasok sa loob.
Saglit nawala ang kaba sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang kabuuan ng penthouse niya. Malaki, malinis, at modern ang mga designs. Kompleto rin halos lahat ng gamit niya. Naagaw ng balcony ang pansin ko, pagkalapit ko ay binuksan ko pa muna ang glass door bago dumungaw roon.
"Wow.." Nakangiti kong usal bago pumikit at tahimik na dinama ang malamig na simoy ng hangin.
"Magpalit ka na." Halos magulat ako sa lapit ni Chase na ngayon ay nasa likuran ko.
Napasandal naman ako sa railings ng kaniyang balcony bago ko siya harapin. Mabilis niya akong na-corner nang humawak siya sa railings na kinasasandalan ko.
Humalukipkip ako habang pilit kinakalma ang muling nabuhay na kaba sa dibdib ko dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't-isa. "Nawiwili ka naman yata sa ginagawa mo, Mr. Chase. Ano na lang kayang sasabihin ng pinakamamahal kong best friend kapag nalaman niyang ang magaling na kuya niya ay duma-damoves sa akin?" Kunwaring nag-iisip kong sabi.
Mas lalong lumaki ang ngisi sa kaniyang labi, feeling ko may naglalarong ideya sa kaniyang utak dahil bahagya pa siyang tumawa habang diretsyong nakatitig sa akin.
"Well..wala namang kaso 'yon sa kaniya, 'di ba? Single ako..hmm..single ka rin naman pero inlove ka nga lang pa rin sa ex mo." Saglit niyang kinagat ang kaniyang labi habang nanunuyang nakatingin sa akin.
Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marahan niyang ilapit ang kaniyang mukha sa akin. "I told you, Belle. I'm ready to be your rebound." Dagdag pa niya ngunit 'di ako makasagot.
Saglit akong nagbaba sa mamula-mula niyang labi na bahagyang nakaawang bago lumunok, hindi ko alam kung bakit first time kong manabik na halikan 'yon lalo na nang maalala ang pagpapalitan namin ng halik sa bar kanina.
"Chase.." Mas lalo niyang inilapit ang sarili sa akin, mabilis kong inilapat ang sariling palad sa kaniyang dibdib. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng kaniyang dibdib.
"Do you feel it?" Namamaos ang kaniyang boses. Sinalubong ko muli ang mga mata niyang nagsisimulang mamungay. "I.." Nabitin ang kaniyang sasabihin bago lumunok habang titig na titig sa akin. Saglit siyang pumikit. "I.. I'm inlove with you, Belle.." Halos pabulong niyang usal ngunit siyang nagpatindig sa aking balahibo.
"Y-you can't love me, Chase.."
"But I can't stop this anymore..Belle. I love you..so please, heal your heart and love me too." Emosyonal niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata. Nawala ang pang-aasar, nawala ang panunuya, nawala ang pagiging sarkastiko dahil ramdam ko ang sinseridad niya nang sabihin iyon.
Bakit ako? Bakit..ngayon niya lang sinabi 'to?
Muli akong napalunok nang maramdaman ang paghaplos niya sa aking pisngi. Walang nagsalita sa aming dalawa, pareho lamang pinapakiramdaman ang isa't-isa. Kitang-kita ko kung paano kumislap ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.
Matamis siyang ngumiti bago marahang ilapit ang kaniyang mukha sa akin. Pumikit ako habang nakahawak na sa pareho niyang mga braso. Unti-unti ay tuluyan niyang naangkin ang aking labi.
Marahan at animo'y ingat na ingat niyang hinalikan ang aking labi. Bumaba ang hawak niya sa aking kamay bago iyon ipwesto sa kaniyang batok, matapos no'n ay naramdaman ko naman ang mga kamay niyang kasalukuyang humahaplos na sa aking bewang.
Gusto kong maiyak sa hindi malamang dahilan. Marahan at maingat lang ang pagpapalitan namin ng halik, iba ang epekto ng halik na 'yon sa buong pagkatao ko. Kahit kailan ay hindi ako nahalikan nang ganito karahan at ka-passionate ni Raven.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
RomanceLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...