Chapter 34

461 5 0
                                    

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin pa si Chase dahil mabilis akong umalis sa kuwartong 'yon para iwan siya. Bahala na siya buhay niya, ang tanging gusto ko lang ay huwag niya akong guguluhin. Hihintayin ko na lang si Anna rito sa labas huwag lang siyang makasalamuha.

"Narinig niyo na ba ang chika?" Sabay-sabay kaming napatingin sa classmate naming si Riri, isa siyang bading.

Kasalukuyan na kaming kumakain dito sa cafeteria ng resort. May kalakihan pero kakaunti lang ang mga turistang kumakain sa ngayon dito.

"Ang alin? Naku, basta chismis talaga eh 'no. Eksena ka bakla ah." Natatawang sabi rin ng isa pa naming bading na classmate. "Oh eh ano nga? Spill the tea sis."

Ang paningin ko ay nasa hinihimay kong lobster ngunit ang pandinig ko ay aktibo sa pakikinig sa kanila.

Sandali pang suminghal si Riri kay John dahil sa sinabi nito bago tuluyang magsalita. "'Yung guwapong varsity player ng school natin, nakakulong pala! Hindi ko alam kung ano ang main reason pero usap-usapan 'yon ngayon sa school. Kaya pala wala na siya sa team dahil nakakulong ang guwapong fafa na 'yon! Tuloy ay nagluluksa ang fans club niya." Aniya dahilan para saglit akong matigilan, bahagya ko ring naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil doon.

"Sinong varsity player? 'Yung Raven Juan ba?" Dahan-dahan akong napatingin kay Riri, ang kamay ko ay nagsisimula na ring manginig.

Madramang tumango si Riri bago ako tingnan. "Oo, 'yung ex boyfie nitong si Belle! Jusko!"

Dahil sa sinagot niya ay mabilis akong pinagtinginan ng mga classmate ko. Tuloy ay sunod-sunod ang naging tanong nila sa akin ngunit halos wala akong masagot ni isa!

N-nakulong si Raven?

Sa halos limang buwan kong pagkakalugmok dahil sa break up namin ni Chase ay hindi ko na nabalikan pa si Raven. Wala rin naman na akong dahilan para sugurin siya kahit isa siya naging dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Chase. Oo at sinubukan ko siyang hanapin para kausapin pero sumuko na lang din ako dahil hindi ko na siya nakita pa sa university, kaya naman talagang nakakagulat na malaman na nakakulong siya ngayon.. although iyon din ang gusto kong mangyari sa kaniya dahil sa kahayupang ginawa niya sa akin nung araw na iyon, kahit sabihin na nating hindi niya ginusto iyon gawin sa akin.

"Hi Ma'am. May nagpapabigay po nito sa inyo, from Sir Allister Chase po. This is the the best desert on our menu, enjoy Ma'am." Natauhan lang ako nang may maglapag ng kakaibang klaseng cake sa harapan ko.

Bago pa man siya makaalis ay mabilis ko siyang pinigilan. "I-i can't have this. I'm sorry." Mabilis rumihistro ang gulat sa kaniyang mukha.

Nagsimula namang gumala ang paningin ko para hanapin si Chase kahit pa rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga classmate ko dahil sa narinig. Halos umusok ang dalawang butas ng ilong ko nang makita si Chase na prenteng nakaupo habang naka-dekwatro sa upuan niya, nakahalukipkip din ang kaniyang mga braso dahilan para agaw pansin ang namumutok niyang biceps na hindi masagwa pagmasdan habang may hawak naman maliit na tasa sa kabilang kamay. Kapansin-pansin din ang ngiti sa labi niya habang tumatango-tango sa kausap niyang dalawang foreigner na lalaki!

Wow, nakahanap na pala siya ng kausap. Na-bored ka ba?

"S-sorry Ma'am pero--"

Muli akong umiling bago tingnan ang babaeng crew na bakas ang pagpapanic sa mukha, halatang 'di rin alam kung anong gagawin. "Ibalik mo na lang 'to sa kaniya at sabihing hindi ko 'to tatanggapin. Kung puwede lang din pakitapon sa mukha niya para mas matuwa ako." Hindi ko napigilan ang kakaibang inis kong naramdaman.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon