Medyo natagalan kami ni Chase sa rooftop dahil uminom pa kami ng wine habang patuloy sa pag-uusap. Pakiramdam ko ay ayaw ko nang matapos ang gabing iyon dahil sa sobrang tuwang nararamdaman.
Bumalik kami sa penthouse ni Chase nang medyo may kalaliman na ang gabi. Hindi na ulit kami kumain dahil busog na rin naman kami. Nagpasya na rin akong doon na lang din matulog.
"Anong ginagawa mo?" Nakangiti kong tanong kay Chase matapos kong lumabas ng cr, katatapos ko lang din maligo.
Tumabi ako sa kaniya sa kama, kasalukuyan siyang nakaharap sa kaniyang laptop.
"Hmm..just checking some emails." Sagot niya bago humalik sa pisngi ko. "Bango mo." Dagdag niya pa sabay halakhak, alam kong meron na naman siyang binabalak kaya agad akong lumayo sa kaniya nang may nagbabantang tingin.
Napailing na lang siya bago natatawang tinapos ang ginagawa. Hinayaan ko na lang din muna siya dahil parte iyon ng trabaho niya kaya naman habang busy siya ay ginawa ko na lang din muna ang aking mga assignments.
Pareho kaming busy sa kaniya-kaniyang ginagawa pero saglit ding naghaharutan dahil inuunahan ako ni Chase nang pang-aasar. Minsan niya ring sinisilip ang ginagawa ko, at dahil Business Ad din ang tinake niyang course ay natulungan niya rin ako kaya napabilis ang pagtapos ko sa aking mga assignments.
"Finally.." Buntong hininga niya nang pareho kaming matapos sa ginagawa.
Tumabi na rin ako sa kaniya matapos kong iligpit ang mga gamit ko. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay na matapos dahil nakahiga na rin siya sa kama. Nang yumakap ako sa kaniya ay mabilis niyang binalot ang katawan namin ng kumot. Ang kaniyang matigas na braso ang ginawa kong unan.
Mabilis akong pumikit bago ngumiti. "Matulog na tayo, may pasok pa ako bukas."
"Walang kiss?" Kunwaring nagtatampo niya pang sabi dahilan para mabilis akong magmulat.
Hindi talaga 'to mananahimik nang hindi ako nahahalikan, tsh.
Para matapos na ay mabilis akong humalik sa kaniyang pisngi bago pumikit, sa loob-loob ko pa'y natatawa na ako dahil sa pang-aasar sa kaniya.
"Belle..that is not even a kiss!" Kunwaring asik niya pa dahilan para tuluyan akong matawa.
"Humalik na nga ako't lahat-lahat, ayaw mo pa rin?" Naiinis ko kunwaring sabi nang tingnan ko siya.
Para siyang batang nagmumukmok dahil hindi napagbigyan sa gusto.
Bumuntong hininga siya. "Fine, ako na lang ang hahalik."
Bago pa man ako makasagot ay mabilis niyang hinalikan ang aking labi. Bahagya akong napahawak sa kaniyang dibdib nang bahagya siyang pumaibabaw sa akin upang mas maayos akong mahalikan. Ang isang mababaw na halikan ay unti-unting lumalim, bawat galaw ng aming mga labi ay gumagawa ng sariling ritmo.
Nang makuntento siya ay humahangos na pinaghiwalay niya ang aming labi. "That is a perfect kiss, a perfect goodnight kiss." Nakangising sabi niya bago muling umayos nang higa.
Napailing na lang ako bago kami mapayakap sa isa't-isa. Mabuti na lang at wala ngang naganap na kababalaghan lalo pa at ayaw ko rin dahil nga meron akong dalaw. Mabilis naman kaming nakatulog habang yakap-yakap namin ang isa't-isa.
SAGLIT akong naalimpungatan nang may maramdamang gumalaw sa aking tabi. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita kong wala na si Chase roon.
"Y-yeah..paalis pa lang ako." Dinig kong sabi ni Chase.
Mabilis naman akong napaupo sa kama para tingnan siya ngunit ganoon na lang ang pagkunot ng aking noo nang makita siyang nagmamadaling magbihis. Hawak niya ang kaniyang phone habang nakatapat ito sa kaniyang tenga.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
RomanceLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...