Hindi ko muna sinabi kay Chase ang tungkol doon. Gusto kong sabay kaming iiyak sa tuwa, gusto kong yayakapin niya ako nang mahigpit dahil nalaman niyang magkakaroon na kami ng anak, at gusto kong ipakita sa kaniya ang tuwa at takot na nararamdaman ko. Tuwa dahil magiging pamilya na kami, at takot dahil ito ang unang pagkakataon na magdadala ako ng baby sa sinapupunan ko.
"Are you now okay?" Tanong sa akin ni Chase nang masundo niya ako sa bahay.
Papalit-palit ang kaniyang mga mata sa akin at sa daan, tuloy ay hindi ko maiwasang matakot sa ginagawa niya. Nang malaman kong buntis nga ako hindi ko mapigilang isipin na dapat mag-iingat ako sa bawat galaw ko.
"C-chase.. please sa daan ka lang tumingin. Baka..mabangga tayo." Nag-aalala kong sabi dahilan nang pagkunot ng kaniyang noo.
"Are you really okay, Belle? You look so worried, is there something wrong?" Mas lalo siyang nag-alala pero mabuti na lang at sa daan na nga lang niya itinuon ang paningin.
Napabuntong hininga naman ako bago iharang ang dalang shoulder bag sa sikmura. "Okay lang ako.."
Patuloy sa paglalakbay ang isip ko, hindi ko maiwasang isipin ang magiging reaksyon ni Chase kapag sinabi ko sa kaniyang nagdadalang tao ako. Matutuwa kaya siya? Malulungkot? Hays..ano ba 'tong iniisip ko.
Wala pa rin akong imik hanggang sa makarating kami sa isang mamahaling restaurant. Ang kamay ko ay nakahawak sa braso ni Chase habang naglalakad kami papunta sa isang private room na pina-reserve nila.
Pagkapasok sa private room ay awtomatiko akong natigilan nang makita si Nica! Agad kong naramdaman ang pagkulo ng aking dugo! Tuloy ay gusto ko siyang sugurin dahil sa mga kahayupang ginawa niya sa akin, sa amin ni Chase!
Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita sa akin na para bang wala siyang ginawang kasamaan?
"Belle.." Saglit nabura ang nasa isip ko nang matauhan sa pagtawag ni Chase.
Napabuntong hininga na lang ako bago sumunod sa kaniya. Agad akong ngumiti kila Tita Chesca at Tito Anton bago bumeso, hindi na ako nag-abala pang batiin ang grandparents nila Chase pati na rin si Nica. Kompleto sila pero si Ate Charity lang ang wala, paniguradong nasa Switzerland na ulit siya ngayon.
"Have a seat mga anak.." Matamis ang ngiting sabi sa amin ni Tita Chesca.
Inalalayan na muna ako ni Chase paupo bago siya tumabi sa akin. Nang lingunin ko si Anna na nasa tabi ko ay palihim kaming nagkangitian pero halatang naiilang siya dahil nasa harapan namin si Nica!
Nang tingnan ko ang babaeng 'yon ay halos 'di niya masalubong ang aking mga mata pero 'di nawawala ang natural niyang pagka mataray.
Narinig kong may sinabi sila Tita Chesa sa mga lalaking pumasok din sa loob, ilang saglit pa ay isa-isa na nilang inihanda ang mga pagkain sa harapan namin.
Agad akong naglaway nang makita ang steak na talagang katakam-takam tingnan. Sunod-sunod ang naging paglunok ko, gustong-gusto ko na 'tong tikman! Nang makitang 'di pa sila kumakain ay 'di ko mapigilang malungkot.
Ang tagal, gusto ko nang kumain!
"What? Is this your first time to see a steak?" Hindi ko inaasahan na pinapanood ni Nica ang bawat galaw ko dahilan para lahat ay matigilan at mapatingin sa kaniya.
Nakita ko ang ginawang pagtawa ng Lola ni Chase dahil sa sinabi nito, mukhang nang-aasar din.
Tumikhim si Chase bago salubong ang kilay na tumingin kay Nica. "Shut up. Don't you try to embarrass my girlfriend infront of my parents, Ms. Tan." Ramdam mo ang authority sa boses ni Chase nang sabihin niya iyon.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
RomanceLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...