Warning: SPG (ngingiti na naman 'yan siya)
Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang maramdaman ang marahang pagdampi ng kaniyang labi sa aking leeg. Kinagat ko ang aking labi para pigilang huwag mapadaing dahil sa dala nitong kiliti sa aking sistema.
Nang tumigil siya ay doon lamang ako tuluyang humarap sa kaniya. Sobrang lapit na ng kaniyang mukha sa akin. Pabalik-balik din ang kaniyang paningin sa aking mata at labi.
Saglit siyang lumunok. “Can I kiss you?”
Hindi ko na ako sumagot pa dahil ako na mismo ang umangkin sa kaniyang labi na mabilis niyang tinugunan. Ang kaniyang kamay ay mabilis naglakbay sa aking likuran habang unti-unti kaming umaatras paalis ng veranda.
Nang bumaba ang kaniyang halik sa aking panga at leeg ay wala sa sarili akong tumingala para mas mabigyang daan pa ang kaniyang mga halik.
“Chase..” Wala sa sariling daing ko nang bumaba ang kaniyang halik sa ibabaw ng aking dibdib.
Tanging sando na pinatungan ko ng cardigan lamang ang aking suot kaya naman malaya niyang nagagawa iyon. Nang tumigil siya ay muli kaming nagkatinginan.
Walang nagsalita at pilit lamang kaming nagpapakiramdaman dalawa ngunit mas dumagdag ang tensyon sa pagitan namin nang haplusin ko ang kaniyang pisngi. Ramdam ko kung gaano kabigat ang bawat paghinga niya hanggang sa kusa ko siyang itulak paupo sa kama.
Nakita ko ang mabilis na pagsilay ng ngisi sa kaniyang labi ngunit hindi ko na siya hinintay pang magsalita pa dahil ako na ang kusang umangkin sa kaniyang labi. Hinila niya ang aking kamay upang mapaupo sa kaniyang kandungan, doon namin pinagpatuloy ang ginagawa.
Gusto kong mainis nang tumigil siya, kitang-kita ko kung paano mangusap ang kaniyang mga mata ngunit ramdam ko pa rin ang inis dahil tumigil siya. Gusto ko pa siyang halikan, gusto kong huwag na siya tumigil na iparamdam sa akin ang kaniyang pananabik sa akin.
“A-are you really sure about this?”
Saglit kong kinagat ang aking labi bago marahang tumango sa kaniya kaya naman walang sabi-sabi niya akong inihiga sa kama bago mabilis na pumaibabaw sa akin. Doon niya ako muling hinalikan, halik na sabik na sabik sa akin. Halik na nagsasabing mahal na mahal niya ako at halik na nagpapatunay na nagsisimula na rin siyang makaramdam ng init.
“I love you, Allister Chase..” Emosyonal kong usal nang maghiwalay ang labi naming dalawa, pareho ring naghahabol ng hangin.
Matamis siyang napangiti sa aking sinabi. “I love you too, Lilybelle..”
Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang magsimula niyang hubarin ang suot kong cardigan. Mabilis kong kinagat ang aking labi nang nakapikit niyang haplusin ang aking dibdib sa labas ng aking sando.
“Damn it..” Halos humangos siya dahil sa sariling kagagawan.
Nang magmulat siya ay mabilis niyang nakita kung gaano ako kasabik sa ginagawa naming dalawa kaya naman muli niya akong hinalikan. Nararamdaman ko na rin ang mainit niyang palad na unti-unti na ring naglalakbay sa aking katawan. Saglit muling naghiwalay ang aming labi nang hubarin ko ang kaniyang hoodie, doon ko lang mapagtanto na wala na siyang ibang suot matapos no’n dahilan para bumalandra ang maganda niyang katawan sa harapan ko.
“Shit..Belle…” Mabilis siyang humangos nang marahan kong haplusin ang bawat parte ng kaniyang katawan. Nagsimula iyon sa kaniyang braso patungo sa kaniyang dibdib.
“Do you like it?” Walang kasing lambing ang aking boses habang pinapanood ang bawat reaksyon sa kaniyang mukha.
Nagsimulang magdilim ang kaniyang mukha, bahagya ring nakaawang ang kaniyang labi kaya nang mapansin iyon ay mabilis ko muling inangkin iyon. Bumaba ang aking kamay papunta sa kaniyang tyan paibaba sa kaniyang pambabang suot.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
RomanceLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...