Chapter 20

537 11 0
                                    

Nagpauna akong maglakad kay Chase para salubungin sila Mommy. Sa likod niya ay ang buo na yata naming angkan!

"Mom.." Humalik ako sa kaniyang pisngi bago muling lingunin si Chase na siyang bitbit ang bouquet ng roses. "Chase, come here.."

May ngiti sa labi naman siyang lumapit sa amin kaya naman mabilis ko siyang nilapitan bago hawakan sa braso at iharap sa kanila. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang namamanghang tingin ng mga pinsan ko sa lalaking katabi ko.

"Uhm..si Chase po, siya 'yung manliligaw ko.." Pambabasag ko ng katahimikan kaya naman mabilis naglahad ng kamay si Chase sa kanila.

Pormal na ngumiti si Chase. "I'm Allister Chase Watson, Belle's suitor." Pagpapakilala niya katulad sa sinabi niya kay Russel.

Sabay-sabay kaming nagulat nang mag-unahan ang mga pinsan kong babae na hawakan ang kamay niya! Napailing na lamang ako habang nakatingin kay Chase na ngayon ay isa-isang nakipag-kamay sa mga pinsan ko na siyang nakikipagkilala rin.

"Talo na manok mo, Gino! Nandito na pala si Mr. Singapore eh." Rinig kong komento ni Buknoy na siyang nagpatawa sa akin nang bahagya, pati na rin sa ilan.

Maya-maya pa ay dahan-dahang lumapit sa kaniya ang mga tita ko. "Jusko..ito na ba, Lily? Aba'y! Guwapo nga!" Komento ni Auntie Lina na bahagya pang hinawakan si Chase sa pisngi!

Muli akong napailing bago isa-isang ipakilala ang mga Tita at Tito ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Chase na ngayon ay magalang na nakikipag-usap sa kanila, para tuloy siyang ibang tao sa paningin ko.

"Halika hijo, pasok ka. Naku! Galing ka pa lang Singapore kaya paniguradong pagod na pagod ka! Kawawa ka naman, tsk!" Alo ni Auntie Lina nang pumasok na kami sa isa-isa sa loob ng bahay ngunit nagtaka si Auntie nang manatili si Chase sa pintuan.

Puro putik nga pala ang sapatos niya!

Bahagya akong natawa nang magbaba ako ng tingin sa sapatos niya! Feeling ko ay diring-diri na siya ngayon sa putik.

Marahang ngumiti si Chase kay Auntie. "I can't go inside 'cause my shoes is full of dirt." Alinlangan niya pang sinabi.

Magsasalita na sana ako para sumabat pero nagulat kami nang biglang yumuko si Tito Alfred na nasa tabi nito para hubarin ang sapatos ni Chase kahit pa puno ito ng putik! Nagugulat ma'y hinayaan na lang din siya ni Chase kaya naman saglit pa kaming nagkatinginan.

"Naku sayang naman 'tong sapatos mo? Mukhang mamahalin ah." Sabi pa ni Tito Alfred habang hawak-hawak ang maputik na sapatos ni Chase at kunot noo itong kinikilatis. May sigarilyo din siya sa bibig.

Bagay silang magsama ni Chase, tutal smoker din siya.

"Hanna! Kumuha ka ng tubig sa cr para makapaghugas ng paa si Mr. Singapore." Utos pa ni Auntie Lucenda sa pinsan ko na mabilis ding sumunod.

Seryoso ba sila sa Mr. Singapore? Tsh!

"Sa 'yo na po, Tito." Walang kasing galang na sabi ni Chase kay Tito na mukhang nagulat sa sinabi niya.

Mabilis umiling si Tito Alfred. "Ha? No! I can't accept this bekos this is..ex-expensive!" Natawa kami nang biglang mag-english si Tito Alfred, maging si Chase ay bahagya ring natawa.

"It's okay, I have so many of that so don't worry. You can have it." Pang-uuto pa ng loko sa Tito ko.

Binigyan naman siya ng nanunuring tingin ni Tito. "Are you syur?"

"Yeah."

"Okay, salamat hijo." Mukhang gustong-gusto ni Tito Alfred ang binigay na sapatos ni Chase dahil hindi na natanggal ang paningin niya rito.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon