Chapter 8

698 7 0
                                    

Sabi ko ay magta-taxi ako pauwi pero heto ako at tahimik na nakaupo sa kotse ni Chase na tinatahak ang daan pauwi sa bahay namin.

Oo, Chase na lang dahil hindi na ako komportableng tawagin siyang kuya!

"So, what's up? It's been a year, how are you?" Kaswal niyang tanong ngunit nanatili akong walang imik. Naiinis kasi ako sa mga pinagsasabi niya. Pati sa buong pagkatao niya nagsisimula na akong mairita!

Wala akong paki kung kuya pa siya ni Anna at mas wala akong paki kung mas matanda siya sa aking ng ilang buwan o taon pa man!

"Hey, I said I'm trying to be nice here." Medyo natatawa niyang sabi nang hindi ko siya sagutin dala ng inis.

Bahagya akong napairap bago siya saglit sulyapan. "Hindi ko kailangan ng pagiging nice mo, okay? Bilisan mo na nga lang dahil gusto ko nang umuwi." Mas lalong nalukot ang mukha ko dahil humalakhak pa ang loko!

"Natanggap mo ba 'yung perfume na binigay ko?" Imbes na tumahimik ay nagpatuloy siya, nang maalala ang regalo niya ay saglit akong natigilan.

Perfume pala 'yon? Hindi ko pa kasi nabubuksan, wala talaga akong balak buksan!

Tumikhim ako nang saglit. "O-oo, nag-abala ka pa talaga. Salamat." Walang emosyon kong sabi bago siya tingnan ngunit saglit natigilan nang makita ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.

Mabilis naman akong nag-iwas nang makaramdam ng kung anong kiliti sa sikmura ko nang makita 'yon.

Nagugutom na ako.

Mukhang nakaramdam naman siya na wala talaga ako sa mood dahil tumahimik na siya. Wala na rin akong lakas makipagtalo sa kaniya, kinakain ulit ng away namin ni Raven ang utak ko.

"We're here." Anunsyo niya nang saglit akong mawala sa sarili.

Napapahiya naman akong mag-alis ng seatbelt bago tuluyang bumaba. Bago ko tuluyang isara ang pinto ay bahagya ko siyang sinilip sa loob na siyang pinapanood din pala ako.

Bahagya akong nag-iwas at pilit na ngumiti. "Salamat sa paghatid, uhm..ingat ka sa pag-uwi." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil isinara ko na ang pinto ng kaniyang kotse.

Hinintay ko muna na makaalis siya bago pumasok, bumisina pa siya nang isang beses bago tuluyang mawala sa paningin ko kaya naman nagpasya akong pumasok na sa loob para makapag-pahinga. Masyado akong napagod sa araw na 'to.

Nagsabay-sabay kaming mag-dinner nila Mommy pero hindi ako masyadong kumikibo kaya naman after namin kumain ay naglinis na muna ako ng katawan bago tuluyang humiga sa kama. Hawak ko ang phone habang nakahiga sa kama.

"Siya pa talaga ang nagalit? Hindi man lang nag-text at nagtanong kung nakauwi ba ako nang maayos!" Padarag kong pinatong sa side table ang phone ko.

Pinikit ko na ang mata ko kahit pa tuloy-tuloy sa pagpatak ang aking mga luha. Masyado akong nasasaktan sa sitwasyon namin ngayon. Ganoon ba talaga siya kagalit para ignorahin ako? Ganoon ba ka-big deal 'yung ex niyang 'yon? Ewan ko sa kaniya!

Kaya naman, halos lumipas ang isang linggo nang wala kaming pansinan ni Raven! Hindi ko siya kinakausap at nilalapitan, at ang mas nakakainis pa ay ganoon din ang ginagawa niya sa akin. War kung war! Bahala siya sa buhay niya.

"Para naman kayong mga bata, bakit hindi niyo pag-usapan 'yan problema niyong dalawa? Ano 'yon? Wala na talagang pansinan? Imbes na ayusin niyo 'yan, mas pinapalala niyo pa." Namo-mroblema ring sabi sa kin ni Anna habang nandito kami sa Cafeteria.

Wala akong gana habang pinaglalaruan na lang ang sariling pagkain.

"'Yun naman yata ang gusto niya, eh. Siguro hinihintay niya na lang magsabi ako na mag-break na kami." Mapakla kong sabi, isang beses pa akong sumubo sa kinakain ko bago ito itulak palayo sa akin.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon