Chapter 18

614 11 0
                                    

Anong oras na kami natapos kaya naman bagsak kaming magpi-pinsan. Ang iba ay nag-share na sa mga kuwarto rito sa bahay ni Auntie Lina. Dito sa kuwarto namin ay pito kaming magpi-pinsan, ang apat ay nagsapin na lang sa lapag.

Masakit ang ulo ko nang naalimpungatan, nang buksan ko ang phone ko ay nakita kong 4:35 am na ng umaga. Tulog pa ang mga pinsan ko, pati na rin si Ate na siyang nasa tabi ko, katabi niya si Hanna na nasa dulo ng kama.

Maingat akong umalis sa kama, patingkayad pa akong lumakad bitbit ang phone. Bago lumabas ng kuwarto ay nagsuot na muna ako ng jacket bago tuluyang lumabas.

"Mabuti at nakayanan mong mag-isa? Mahirap ang maging single mom kaya naman bilib ako sa 'yo na napagtapos mo si Leandra sa kursong nursing. Si Lily ay third year na sa pasukan, hindi ba?" Boses ni Auntie Lina ang narinig ko galing sa kusina nang makababa ako sa hagdan.

"Oo, Business Ad ang kinuha niyang kurso." Sagot naman ni Mommy.

Nakakapagtakang gising pa sila sa oras na 'to e anong oras na rin naman silang natulog?

Pagkasilip ko sa kusina ay naabutan kong naghihiwa sila ng mga rekados. Doon ko lang nakita na kasama rin nila sa kusina si Tita Lucenda.

Nang makita nila ako ay mabilis nila akong nginitian. "Aga mo naman nagising? Wala kang hang-over?" Natatawang tanong sa akin ni Auntie Lina.

"Masakit po ang ulo ko pero hindi naman sobra. Good morning po." Bati ko bago umupo sa tabi ni Mommy.

"Gusto mo ba ng kape? Gatas?" Alok naman sa akin ni Auntie Lucenda na kasalukuyang naghuhugas ng kamay sa lababo.

Kakaiba talaga mag-alaga ang mga tita ko.

"Kape na lang po tita, salamat po." Nginitian niya ako matapos no'n bago ako ipagtimpla ng kape.

Alas tres na yata kami natapos mag-inom kaya naman talagang kulang ang tulog ko pero 'di na ako nakaramdam ng antok. Babawi na lang siguro ako mamaya ng tulog.

"Dinig ko sa mga pinsan mo'y may manliligaw kang nasa Singapore ah? Mukhang.. jackpot ka sa manliligaw mo ah." Si Auntie Lina habang naghihiwa ng carrots, may naglalaro pang ngisi sa kaniyang labi habang pasulyap-sulyap sa akin.

Natatawa naman siyang sinaway ni Mommy. "Ano ka ba, Ate. Tigilan mo nga."

"Aba eh..nagtatanong lang naman ako." Agap ni Auntie bago tumingin sa akin.

Maya-maya pa ay nailatag na ni Auntie Lucenda ang tasa sa harapan ko na may lamang umuusok pang kape. Mabilis ko siyang pinasalamatan bago ako muling tumingin kay Auntie Lina.

"Opo, nasa Singapore po siya ngayon dahil may trabaho po siyang inaasikaso." Ngumiti ako bago humigop sa kape.

"Talaga? Ano namang trabaho ng manliligaw mo roon, Lily?" Sabat ni Auntie Lucenda habang naghahanda ng pandesal sa plato. Si Mommy naman ay nakikinig lang din.

Bahagya akong napatikhim. "Ah..tumutulong po siya sa parents niyang mag-manage ng company nila roon."

"Talaga?" Mukhang namangha lalo si Auntie Lina bago kumuha ng pandesal. "Ang tanong eh..matino naman ba 'yon? Huwag mong mamasamain ang sasabihin ko, Lily ah? Sigurado ka bang..seryoso sa 'yo 'yon lalo pa at mayaman ngang talaga 'yang masugid mong manliligaw." Aniya sabay kagat sa hawak na pandesal. "Baka naman mamaya babaero 'yan? Hindi ba't ganoon ang mga mayayamang lalaki? Mahilig sa babae."

Napatingin naman kami kay Mommy nang bigla siyang mapabuntong hininga. "Ate, kung alam mo lang kung paano sundan ng manliligaw niya ang bunso kong iyan. Maya't-maya ang pagsundo sa bahay, tsaka..nakikita ko namang responsable at matino ang batang 'yon kaya natutuwa ako na may ganoong manliligaw si Belle." Pagtatanggol sa akin ni Mommy ngunit hindi natahimik si Auntie.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon