Chapter 16

532 8 0
                                    

Hindi ko maintindihan ang sarili, hindi ko alam kung ganoon lang talaga kabilis ako mahulog sa isang tao. Oo masakit 'yung ginawa sa akin ni Raven..pero hindi ko alam kung bakit ang bilis kong maka-move on..which is good thing for me. Basta ang alam ko, gusto ko 'tong pagbabago ng nararamdaman ko. Gusto ko 'tong masarap na pakiramdam sa puso ko matapos ang sakit sa puso na dinulot sa akin ni Raven.

"Belle.."

Ngumiti ako sa kaniya bago sapuin ang kaniyang pisngi. "The pain is no longer in my heart, Chase. That's why I'm starting to teach my heart to love you back.."

Unti-unti ko pa lang siyang nagugustuhan, hindi ko pa siya totally mahal dahil alam kong medyo malayo pa ako sa point na 'yon. Isa pa, ayoko nang masaktan pa. Siguro kung maulit man 'yon, paniguradong hindi ko na kakayanin.

"Are we officially on?" Tanong ni Chase sa akin nang dalhin niya ako isang araw sa penthouse niya.

Alam na rin nila Mommy ang tungkol sa amin ni Chase. Hindi naman siya humadlang sa aming dalawa, pero pinapaalalahanan niya naman ako lalo pa at isang buwan pa lang halos ang nakakalipas simula nang maghiwalay kami ni Raven.

Bahagya akong nakiliti nang aksidenteng tumama ang tungki ng kaniyang ilong sa aking leeg. "Ano ka? Ni hindi ka nga nanligaw sa akin? Tapos.." Humaba ang nguso ko dahilan para marinig ko ang kaniyang paghalakhak sa aking tenga.

Kinagat ko ang aking labi ko dahil nagbigay ng kakaibang pakiramdam ang halakhak niyang 'yon sa akin.

"Then I'll court you, Belle. Damn, I didn't see this coming. I don't know what courting is but I'm ready to show my love for you until you say yes to me. I'll wait for that." Doon ko lamang siya tuluyang nilingon.

Nakita ko kung gaano siya ka-sinsero sa kaniyang sinabi habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aking mukha. Kasalukuyan kaming nakaupo sa kaniyang sofa habang nakapulupot ang kaniyang mga braso sa aking bewang, hindi rin alintana ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.

"By the way..mawawala ako ng ilang araw." Aniya na siyang nagpakunot sa noo ko, patuloy naman sa paghaplos sa aking buhok ang kaniyang kamay.

"Huh? Saan ka pupunta?"

Tinuon niya ang paningin sa aking mata. "Sa Singapore, marami lang akong aasikasuhin doon but don't worry, babalik ako before Anna's birthday."

Saglit naman akong natahimik bago pilit na ngumiti sa kaniya. "Malapit na ang birthday ni Anna, anong regalo mo sa kapatid mo?"

"Hmm.." Kunwari siyang nag-isip. "Luxury car? She's already 20 so..I think it's time to have her own car. Hindi siya pinayagan nila Mom and Dad na magmaneho dahil medyo may pagka-clumsy ang bunso namin but I think she'll manage to drive it."

Ang astig niya naman pala magbigay ng regalo, luxury car? Wews..parang nahiya bigla ang ireregalo ko kay Anna na purse, pero syempre branded naman iyon lalo pa at alam kung hindi siya bumibili ng mga purse na putchu putchu lang. Big time ang pamilya eh, syempre siya rin.

NAWALA nga si Chase ng ilang araw pero hindi naman siya nakakalimot na tumawag or mag-text. At dahil bakasyon na rin naman namin, tengga lang ako sa bahay lalo pa at may pinagkakaabalahan din si Anna, patungkol yata 'yon sa business nila.

"Anak, mag-ayos ka na ng gamit mo baka mahuli tayo sa flight." Biglang pasok ni Mommy sa kuwarto ko, tuloy ay naabutan niya akong nakatulala sa hawak kong phone.

Magbabakasyon kasi kami sa probinsya, para na rin mabisita sila Tita roon na siyang kapatid ni Mommy.

Hindi ko namalayan ang pagtabi sa akin ni Mommy. "Kayo ba ng kuya ni Anna ay..mag-nobyo na?" Doon ako napabaling kay Mommy ngunit mabilis niyang inayos ang medyo magulo kong buhok.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon