Mabilis na lumipas ang isang araw, kinabukasan ay Friday na kaya naman pagkatapos ng klase ay dumiretsyo kami ni Anna sa mall para maghanap ng regalo pati na rin ng maisusuot.
Sa sobrang excited namin ni Anna ay naparami ang bili namin ng damit. Nagpaalam na rin ako kay Mom na magii-sleepover kila Anna dahil ayon kay Anna, need daw namin mag-beuty rest nang sabay!
"Wala akong mapili! Saan ba ang mas bagay?" Tanong ko habang sinusukat ang nabiling dress sa tapat ng malaking salamin na nandito sa kuwarto ni Anna.
Tiningnan niya naman ako habang ang isang daliri ay na tapat ng kaniyang labi. "Hmm..I think.." Tumalikod siya para kunin ang isang red fitted dress na binili niya. "I think mas bagay sa 'yo 'to, maputi ka and sexy kaya bagay ang red na 'to sa 'yo." Aniya sabay bigay sa akin no'n.
Kumunot naman ang noo ko bago tumingin sa salamin habang hawak-hawak iyon. "Sure ka? Pero sa 'yo 'to."
"No worries babe, may napili naman na ako." Masayang sabi niya bago patalbog na humiga sa kaniyang kama, agad ko naman siyang nilingon ngunit ang dalawang kamay ay nasa magkabilang pisngi habang ngiting-ngiti na nakatingin sa kisame ng kaniyang kuwarto.
"I can't believe it, Belle! Kahapon lang, namo-mroblema pa ako kung paano ko iaabot kay Ghelo 'yung gift ko sa kaniya! Tapos bukas..makaka-partner ko siya sa party ng Raven mo!" Mabilis siyang umupo, saglit pa akong napanguso dahil sa huli niyang sinabi.
Umupo naman ako sa tabi niya bago tupiin ang hawak na dress. "I'll wear this for tomorrow, thank you babe." Ngiti ko sa kaniya ngunit kinindatan niya lang ako bago siya tumayo at mag-inat.
"Let's go downstairs, mag-dinner na muna tayo." Aniya na mabilis kong tinanguan dahil ngayon ko nga lang din naramdaman ang gutom.
Mabilis kaming bumaba ni Anna, inayos ko pa muna ang suot na dress na hapit na hapit sa katawan ko. Hindi naman na 'to ang unang beses kong mag-sleepover kila Anna. Minsan kasi ay wala ang parents niya dahil madalas nasa labas ng bansa dahil sa business, nabanggit niya ring may dalawa pa siyang kapatid, bunso kasi si Anna pero hindi ko naman nakakasalamuha ang mga kapatid niya.
"Hmm? Sinong kumain yaya?" Tanong ni Anna nang makarating kami sa dining area nila, malaki ang dining area, modern na modern ang design na nagpapakita na sobrang yaman talaga ng pamilya nila.
Hindi kasing laki ng bahay namin ang bahay nila Anna. Masyadong maraming mwebles sa bahay nila Anna na halatang milyones ang presyo, pero kahit gaano kalaki ang bahay nila, kakaunti lang naman ang makakasalubong mong mga tao.
"Ah, si Kuya mo. Kakatapos niya lang din mag-dinner." Sagot ng Yaya ni Anna na si Mamang Berta.
Napatingin naman ako kay Anna na ngayon ay nakakunot na ang noo. "Oh? Umuwi na pala siya? Hindi naman lang ako sinabihan. Upo ka na, Belle." Aniya kaya mabilis akong sumunod sa kaniya.
Nagsimula naman nang maglatag ng pagkain si Manang Berta. "Oo, kakauwi niya lang galing Singapore. Halatang pagod na pagod nga eh kaya siguro hindi ka na nasabihan, hayaan mo na't para makapag-pahinga, bukas mo na lang kumustahin." Ngiti ni Manang Berta sa kaibigan ko.
Nginitian na lang din siya ni Anna bago kami magsimulang kumain, iniwan naman na kami ni Manang Berta pagkatapos niyang ilapag sa lamesa ang mga lutong pagkain.
"Anna, nakakasabay mo bang kumain ang parents mo? Tsaka, nasaan 'yung isa mong kapatid?" Tanong ko sa kalagitnaan nang pagkain namin.
Lumunok na muna siya bago sumagot. "May times pa rin naman na nakakasabay ko silang kumain, pero mas lamang 'yung mag-isa lang ako pero sanay naman na ako roon." Sagot niya, pilit ko namang kinilatis ang emosyon niya pero wala namang bakas ng lungkot doon, animo'y sanay na sanay na nga.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
RomanceLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...