Chapter 25

444 6 0
                                    

Padarag akong umalis ng cr matapos ang naging pag-uusap namin ni Nica. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago alisin ang inis sa mukha. Hindi pa man ako nakakapasok ulit sa loob ay mabilis akong natigilan nang may mabilis humawak sa aking pulsuhan.

Nang lingunin ko kung sino ‘to ay mabilis akong napalayo sa kaniya. “Raven?”

Anong ginagawa niya rito?!

Mabilis kong iginala ang paningin ko sa takot na baka makita siya ni Chase! Nang tingnan ko ang kabuuan niya ay tsaka ko lang napagtanto na bisita siya ni Anna!

“I'm sorry, nabigla yata kita.” Sabi pa niya bago ngumiti sa akin nang malumanay.

Kung makangiti siya sa akin ngayon ay para bang walang nangyaring hindi maganda sa pagitan naming dalawa.

“S-sige..pasok na ako.” Tipid kong paalam ngunit bago pa man ako makaalis sa harapan niya ay muli niyang hinawakan ang pulsuhan ko na mabilis ko ring inalis! “Ano ba, Raven? Ano bang problema mo? Paniguradong magagalit si Chase dahil sa pinag-gagawa mo!” Hindi ko na mapigilang mainis sa kaniya.

Mukha namang nakuha niya iyon dahil napapahiya siyang napatungo. “G-gusto lang sana kitang kumustahin, Belle..” Sinsero niyang saad bago ako tingnan ulit sa mata.

Para saan pa? Wala na akong iba pang nakikitang dahilan para magkumustahan kaming dalawa.

Magsasalita na sana ako ngunit may isang mainit na kamay ang humigit sa aking bewang palapit sa kaniya. Nang tingnan ko ito ay bumungad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Chase na blankong nakatingin kay Raven.

Nagpakawala na muna siya ng buntong hininga bago ako tingnan. “I'm searching you everywhere, I'm worried ‘cause I thought you left. Where have you been, Belle?” Bakas talaga ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

“Nagpunta l-lang akong..banyo.” Sagot ko sa kaniya.

Tumango naman siya bago salubong ang kilay na tingnan si Raven. Saglit niya pa itong tiningnan nang masama bago ako higitin palayo roon.

“Is he pestering you?” Nakabusangot niyang tanong sa akin, ang paningin ay nasa harapan.

Hindi ko alam kung bakit ko ulit naalala ang lahat ng mga sinabi ni Nica kaya naman mabilis akong nag-iwas. “H-hindi..”

Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin pero hindi ko magawang tugunan iyon. Maya-maya pa ay inalalayan niya akong maupo sa bakanteng table, halos walang ibang tao ang nasa paligid namin.

“Hey.. what's wrong? Is there any problem?” Nag-aalalang tanong niya dahil nanatiling wala sa kaniya ang mga mata ko.

Nang tuluyan kong tingnan si Chase ay tsaka lang siya ngumiti sa akin nang bahagya bago kunin ang kamay ko, bakas talaga ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

“W-wala..nagugutom lang ako.” Pagsisinungaling ko dahilan para mapabuntong hininga siya.

Saglit siyang tumayo. “Stay here, I'll get you food.” Paalam niya pa kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang tanguan siya.

Sinundan ko naman siya ng tingin na ngayon ay patungo na sa buffet. Lahat ng mga babaeng nadadaanan niya ay hindi maalis ang paningin kay Chase. Gusto ko pang matawa nang mabilis malukot ang kaniyang mukha nang mahagip ng kaniyang mata si Raven na kababalik lang sa table nito, doon ko lang din nakita ang pareho nitong magulang.

Paano nga kaya napunta ang katulad mong lalaki sa akin? Masyado kang perpekto para sa akin, Chase. Tuloy, hirap abutin ng standard ng grandparents mo, pati na rin ng mga taong nakapaligid sa ‘yo.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon