Chapter 27

502 7 0
                                    

Tatlong buwan na ang nagdaan simula nang sagutin ko si Chase. Sa loob ng tatlong buwang 'yon ay marami ring nagbago. Mula kay ate na tatlong buwan na ring buntis, dalawang buwan na si ateng buntis nang nalaman ni Mommy iyon kaya naman agad din silang ikinasal. Mabuti na lang at ready na ang kaniyang asawa na si kuya Richard dahil may napatayo na rin pala itong bahay para sa magiging pamilya nila ni Ate.

Si Mommy naman ay mas namamalagi sa ibang bansa dahil sa another branch ng kaniyang clothing line, kaya naman malimit ko na siyang makasama. Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot dahil palagi akong mag-isa sa bahay pero buti na lang at nandiyan si Anna at lalong-lalo na si Chase.

Isang buwan na rin ang nakakalipas simula nang mag-start ulit ang pasukan, ngayon ay isa na akong ganap na third year student. Marami ang transfer, isa na roon si Russel na may kursong engineering sa university na pinapasukan ko.

"I'll fetch you later, baby. Good luck on your studies." Hinalikan ako ni Chase sa aking labi bago ako hayaang lumabas sa kaniyang kotse.

Muli pa akong nagpaalam sa kaniya bago tuluyang pumasok sa loob ng school.

Pagtapak ko sa hallway ay mabilis kong narinig ang boses ni Russel.

"Lily!" Ngumiti ako sa kaniya nang mabilis niya akong nasabayan sa paglalakad. Mukha talaga siyang engineering student dahil sa tindig niya. "Grabe, one month nang nagsisimula ang klase pero hanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwalang nag-aaral na rin ako rito sa university mo, malaking bagay talaga ang scholarship."

May ngiti sa labi ko siyang tiningnan habang umaakyat kami sa hagdan patungong second floor. "Kumusta nga pala ang one month mo rito? Pareho lang tayo ng school pero madalang lang tayong magkita."

Totoo 'yon, hindi naman kasi kami pareho ng schedule, isa pa, one month pa lang ang nagdaan pero pahirapan na dahil ang dami agad na need ipasa.

"Kaya nga eh, pero..ayos lang naman. Masaya tsaka marami na agad akong mga kaibigan na big time. Nung nakaraang linggo nga lang inaya ako nung isa kong classmate sa bar. Grabe! First time ko nun makapasok sa sikat na bar dito sa Manila." Kakaiba ang saya sa kaniyang mukha habang nagke-kwento ng karanasan dahilan para mas lalo akong mapangiti.

Sandali pang nagtagal ang kumustahan namin hanggang sa pareho na kaming maghiwalay. Nasa kabilang building siya pero hinatid niya lang ako sa room, tuloy ay may naki-usyoso pang mga classmate ko.

"Uy! Sino 'yon? Engineering student 'yon ah?" Natatawang sabi ng seatmate kong si Vanessa.

Saglit pa akong lumingon kay Anna na nasa tabi ko rin na busy sa pagsusulat ng notes, absent kasi siya kahapon. "Gaga, friend ko lang 'yon."

"Weh? Madalas 'yang 'friend' term ang ginagamit kapag may tinatanggi." Sabi niya pa bago tumawa.

Tuluyang napatingin sa amin si Anna habang nakataas ang kilay rito kay Vannesa.

"Hoy tanga ka, kung naririnig ka lang ng kuya ko paniguradong papatusin ka nun." Biro niya pa na siyang nagpatawa sa akin saglit. "Friend niya lang 'yon, kasi ang boyfriend nitong si Belle ay ang kuya ko."

"Wow talaga?" Mukhang nagulat nang bahagya si Vanessa sa sinabi ni Anna. "Baka may isa ka pang kuya, maganda yata lahi niyo eh. Papalahi lang ako." Sabay silang natawa ni Anna.

"Wala na eh, na kay Belle na ang nag-iisa kong kuya. Subukan mong agawin sa kaniya baka mag-super sayan 'tong seat mate mo." Biro pa ni Anna dahilan para sabay-sabay kaming matawa.

Transfer din si Vanessa pero mabilis naming naka-close ni Anna. Hindi namin siya madalas nakakasama dahil meron siyang original na circle, 'yon nga lang 'di niya ka-kurso.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon