Chapter 10

713 12 1
                                    

"Yes Tita.. don't worry po about her. Ako na pong bahala sa kaniya Tita, naliligo po kasi si Belle kaya ako na rin pong sumagot ng phone niya. Opo.. pasensya na po tita, okay po."

Tulala man ngunit aktibo ang pandinig ko sa pakikinig kay Anna. Anong oras na kasi at hindi pa ako umuuwi sa amin kaya naman talagang mag-aalala si Mommy.

Pabuntong hininga namang ipinatong ni Anna ang phone ko sa side table. "Ano ng balak mo? Malamang magtatanong 'yon si Tita." Tumabi siya sa akin para akbayan ako. "Gagong Raven 'yon. Pareho lang sila ni Ghelo, mga manloloko! Hays, Belle.." Bakas ang kalungkutan sa boses niya bago niya isandal ang aking ulo sa kaniyang balikat.

Bahagya akong napapikit dahil sa marahan niyang pagtapik-tapik sa aking likuran. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng comfort doon.

Thank you, Anna..

Kinabukasan naman ay umuwi na ako, medyo maayos-ayos naman na ang pakiramdam ko, thank you kay Anna. Although, medyo may kirot pa rin sa puso ko na alam kung may katagalan pa bago mabura.

Hindi ako magsasayang ng oras para iyakan ang lalaking nanloko sa akin. Niloko na niya ang pagsasayangan ko pa siya ng luha ko? No way.

"Are you now okay? I'm so worried about you, Anak." Ani Mommy nang i-kwento ko sa kaniya ang nangyari. Alam kong galit siya sa loob-loob niya dahil sa ginawa ni Raven sa akin.

Pinalipas ko muna ang ilang araw bago mag-kuwento kay Mommy, hindi ko kasi kaya kung sariwang-sariwa pa. Ayokong makita ni Mommy na nasasaktan, ayokong makita ni Mommy na pinagmukha akong tanga ni Raven.

Pilit naman akong ngumiti sa kaniya. "Opo, Mommy. Ayos naman na ako, although..may kaunti pa ring sakit, kaunting-kaunti na lang naman."

"Belle.." Hinagod niya ang aking likuran sabay haplos sa aking buhok. "Alam kong nasasaktan ka pa rin, kaya naman puwede kang umiyak sa harapan ni Mommy. Okay? Ilabas mo lang iyan at iiyak, mas maganda 'yon kaysa ipunin mo diyan sa dibdib mo. Mas okay 'yung nakikita kong nailalabas mo ang sakit na nararamdaman mo kaysa naman pigilan mo. Alam kong maghihilom din 'yang sugat na ginawa niya sa 'yo." Pang-aalo niya sa akin kaya mabilis ko siyang niyakap.

Laking pasasalamat ko dahil nasa tabi ko si Mommy. Hindi niya ako hinayaan na mag-isa kaya naman tinulungan ko rin ang sarili kong hilumin ang sariling sugat.

"Belle..can we talk?" Mabilis akong natigilan sa paglalakad kinabukasan nang harangin ako ni Raven sa hallway.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa librong hawak, pilit pinipigilan ang sariling huwag isampal sa kaniya iyon. "Tama na, Raven. Tapos na tayo, 'di ba? Nung gabing lokohin mo ako, tapos na 'yung relasyon natin no'n. Kaya naman kung may natitira ka pang hiya sa sarili mo, layuan mo na ako." Pagtatapos ko nang usapan bago siya lagpasan doon.

Mabilis na kumalat ang balita sa buong university, ang iba ay nagbibigay ng advice sa akin. Hindi ko naman alam sa iba dahil paniguradong nagse-celebrate na 'yung ibang may mga gusto kay Raven.

Tss, sa kanila na para hindi na mapunta sa iba, para na rin wala na siyang maloko na iba.

Pag-uwi ko galing school ay mabilis akong nagpalit, pang-pitong araw na magmula nang lokohin ako ni Raven. At sisiguraduhin kong matapos nito, hindi ko na siya iisipin pa.

Nagpasya akong pumunta sa bar, hindi ko na sinama pa si Anna dahil paniguradong malalagot ako kay Chase. Tsh, nasaan na nga kaya 'yon? Ilang araw ko rin siyang 'di nakita ah?

"Belle?! Gosh! Hindi mo sinabi na pupunta ka rin pala rito!" Medyo pasigaw na sabi ni Chloe, nagulat din ako na nandito rin pala sila ng iba pa niyang mga kabarkada.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon