Chapter 24

458 7 0
                                    

Chapter 24

Nang pumatak ang alas-singko y media ay saktong dumating nga si Chase para sunduin ako. Si Mommy naman ay nag-text sa akin na may aa-ttendan pang importanteng meeting kaya pinauna niya na lang ako at susunod na lang daw sa akin pero dinala ko na rin ang regalo ni Mommy para kay Anna.

“Y-you're so beautiful, Belle. Damn..I want to kiss you right now..” Iyon ang bungad sa akin ni Chase pagkarating niya sa bahay.

Nakasuot ako ng isang dress na naglalaro ang kulay sa kulay na pilak at asul na sapphire. Ang bodice ng suot kong dress ay puno ng kumikislap na kristal na sa bawat galaw ko ay nagkikislapan.  Ang neckline ng aking suot ay elegantly draped, binibigyang-diin ang aking natural na kulay, habang ang aking buhok ay nakatali sa isang mataas na bun.

Uminit ang aking pisngi. “Thank you, ang guwapo mo rin sa suot mo.” Hindi ko rin mapigilan na purihin siya sa kaniyang suot.

Mas gumwapo siya sa suot niyang kulay itim na tuxedo at mas nagmukha pa siyang matangkad dahil dito. Sumisigaw ang karangyaan sa kaniyang tindig, idagdag mo pa ang perpekto niyang mukha. His ensemble was not just a suit but a statement, reflecting a man who embraced the elegance of the occasion.

Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin. “Shall we?”

Mabilis kong ginantihan ng ngiti iyon bago tanggapin ang kaniyang kamay ngunit saktong pagdapo ng aking palad sa kaniyang kamay ay mabilis niya akong nahigit sa aking bewang. Mas napuri ko ang taglay niyang kagwapuhan dahil sa lapit ng mukha namin sa isa’t-isa.

Tahimik niyang pinagmasdan ang aking mukha. “So freaking beautiful..makes me want to keep you in my pocket ‘cause I know that other men will start fantasizing about you later.” Malumanay siyang ngumiti sa akin bago dampian ang aking labi ng halik.

Napariin naman ang paghawak ko sa kaniyang braso sa bawat galaw ng aming labi, nagsisimula na rin iyong gumawa ng ritmo kaya bago pa man lumalim iyon ay mabilis na kaming humiwalay sa isa’t-isa.

“I love you, baby..”

Saglit akong napalunok dahil sa kaniyang sinabi, hanggang ngayon naninibago pa rin ako sa tuwing sasabihin niya sa akin ang salitang ‘yon, na nagbibigay din ng kakaibang kabog sa aking dibdib.

Ngumiti ako sa kaniya. “I love you too, Chase..”

“I love you more..” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi kaya napapailing na lang akong natawa bago umayos nang tayo.

“Tsh tara na, baka hinahanap ka na roon.” Natatawang saway ko na mabilis niya ring tinawanan bago ako tuluyang alalayan pasakay sa kaniyang kotse.

Naging masaya ang byahe namin papunta sa venue. Hindi sa bahay nila gaganapin ang party pero sabi ni Anna ay sa The Blue Leaf Cosmopolitan ang venue. Pagkarating pa lang namin sa venue ay hire-hilera na mga nagmamahalang sasakyan ang nasa parking lot.

Nakaangkla ang aking kamay sa braso ni Chase habang naglalakad papasok sa loob. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kabang nararamdaman ko nang tuluyan kaming makapasok sa loob. Nagsimulang lumagabog ang dibdib ko dahil sa tinginan ng mga taong nakapaligid sa amin. Nilingon ko si Chase na walang bakas ng kaba sa kaniyang mukha. His confident stride and poised demeanor turned heads, making him the embodiment of classic sophistication.

Maya-maya pa ay nakanguso niya akong nilingon dahilan para magtama ang aming paningin. “I knew it, you caught their attention.”

“Ikaw nga ‘yung kanina pa nila nililingon eh.” Natatawang sagot ko pa sa kaniya ngunit napabuntong hininga na lamang siya bago ako hapitin sa aking bewang.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon