Chapter 14

636 10 0
                                    

Pagkapasok niya ay mabilis niyang inilapag sa table ang dala niyang baso na ngayon ko lang na-realize na dala rin pala niya. Halos pigilan ko ang sariling hininga nang tumabi siya sa akin.

Tahimik siyang nagsalin ng juice sa baso bago ilahad sa akin iyon. "Drink.."

Nang tingnan ko siya ay mabilis siyang ngumiti sa akin bago sumenyas na tanggapin ang hawak. At dahil nakaramdam na rin ako ng uhaw ay mabilis ko 'yung tinanggap, tahimik kong ininom 'yon at nang maubos ay dahan-dahan kong inilapag ang hawak na baso sa lamesa.

"Thank you.." Mahinang sambit ko, ang paningin ay hindi ko mabaling sa kaniya!

Hindi ko alam pero natural lang naman 'di ba na makaramdam ako ng ilang? Lalo pa at nasa mansion kami ng pamilya niya!

Nanaig ang katahimikan matapos no'n ngunit isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya. Naibaling ko lang sa kaniya ang paningin ko nang kunin niya ang kamay ko.

Bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin nang diretsyo. "Bakit ang tahimik mo? Do you need something else? Or..is there a problem, hmm?"

Hindi niya ba nahahalata na naiilang ako? Baka mamaya bigla na lang dumating si Anna at maabutan kaming dalawa sa kuwarto niya!

Kaya para maibsan ang pagkailang ay pilit akong tumawa sabay tayo, mabilis ko ring naagaw ang kamay kong hawak niya. Nagkunwari akong nag-inat inat habang sinisipat ang kabuuan sa malaking salamin.

"W-wala..wala akong problema. Ahm..'di ka pa ba lalabas?" Kita ko ang repleksyon niya sa salamin, pakiramdam ko ay pati ang kaluwa ko ay kitang-kita niya dahil sa nanunuri niyang mga mata.

Tuluyan ko siyang hinarap nang makita sa salamin ang pagtayo niya. Lumapit siya sa akin pero may kaunting dipa naman ang layo.

"Bakit iwas ka sa akin ngayon?" Nagtataka niyang tanong na siyang kinakunot ng noo ko. Nagpakawala siya ng buntong hininga bago suklayin ang sariling buhok. "Hey..don't tell me magpapareto ka talaga sa kapatid ko kaya iniiwasan mo ako ngayon?" Nanliit ang kaniyang mata.

Saan namang lupalop ng pilipinas niya nakuha iyon?

Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin ngunit bago pa man ako magsalita ay mabilis niya akong inunahan. "Look..just like what I've said yesterday, I'm ready to be your rebound, Belle." Nagsimulang tumakbo ang puso ko nang unti-unti siyang humakbang palayo sa akin. "You don't need to find someone else 'cause I'm already here!"

Bago pa man niya mahuli ang kamay ko ay mabilis ko itong inilayo sa kaniya dahilan para tuluyang magsalubong ang kaniyang kilay, ang selos ay nagsimulang bumakas sa kaniyang mukha kaya saglit siyang nag-iwas. Nang ibaling niya sa kabilang direksyon ang mukha ay doon ko nakita ang pag-igting ng kaniyang panga pati na rin ang saglit niyang paglunok.

"Puwede ba? Hindi ako interesadong maghanap ng rebound, okay?" Pagtataray ko sa kaniya bago lumakad palapit sa pintuan bago siya ulit harapin. "Naiilang ako dahil nandito tayo mismo sa bahay niyo, Chase. Baka mamaya biglang may pumasok dito at..maabutan tayong dalawa! Gosh!"

Buti sana kung nasa teritoryo niya mismo kami at ayos lang--what the hell are you thinking, Belle?! Seriously?!

"Eh wala naman tayong ginagawang masama, ah? Unless..gusto mong may mangyari sa atin--" Bago pa niya mabuo ang sasabihin ay mabilis ko siyang nilapitan at walang sabi-sabing tinakpan ang kaniyang bibig!

Saglit pa akong napalingon sa pinto bago ituon sa kaniya ang paningin! Ngayon ko lang na-realize ang lapit namin sa isa't-isa! "Huwag ka ngang maingay! Sinasabi ko sa 'yo Chase kapag may nakahuli sa atin--"

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon