Matapos nang pag-uusap namin ni Chase sa pool ay sabay na rin kaming umahong dalawa lalo pa at medyo giniginaw at inaantok na rin ako. Pagkabalik namin sa presidential suite ay nagpasya na akong maligo nang maayos.
Masaya ako dahil tuluyang nawala ang tinik na nakabara sa aking dibdib. Lahat gumaan, at masaya ako para roon.
Lumabas ako ng cr ng aking kuwarto habang tinutuyo ng tuwalyang hawak ang basang buhok ngunit agad kong pinagtaka ang presensya ni Chase na nakaupo na sa aking kama, nakasuot na rin siya ng pantulog habang diretsyo ang tingin sa akin.
“A-anong ginagawa mo rito?” Tanong ko bago tumabi sa kaniya. Agad pinuri ng isip ko ang kaniyang bango nang malanghap ko siya.
Suminghap siya bago kunin ang tuwalyang hawak ko dahilan para tuluyan akong mapatingin sa kaniya. “Just checking up on you.” Sagot niya pa bago dahan-dahang gawin ang ginagawa ko kanina. “Let me..”
Sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin habang seryosong tinutuyo ang basa kong buhok. Nang magbaba siya ng tingin sa akin ay mabilis nagtama ang paningin naming dalawa kaya naman saglit siyang natigilan sa ginagawa.
“Stop..staring at me like that, Belle. I might lose my control.” Buntong hininga niya bago mag-iwas ng tingin sa akin.
Napangiti naman ako bago marahang hawakan ang kaniyang kamay, tuloy ay muli siyang natigilan sa ginagawa habang sunod-sunod ang naging paglunok nang magbaba ulit siya ng tingin sa mga mata ko.
“I-i..want you to sleep beside me, Chase. Please?” Gusto kong sampalin ang sarili dahil sa lambing ng aking boses.
Pahirapan naman siyang napabuntong hininga bago marahang tumayo kaya naman mabilis niyang itinabi ang tuwalyang hawak. Medyo tuyo naman na rin ang buhok ko.
Pagkahiga naming dalawa sa kama ay mabilis niya akong binalot ng yakap habang nakahilig ako sa kaniyang dibdib, nanatiling bukas ang aking mga mata.
Alam kong sinabi ko kanina na bigyan niya ako ng oras, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko sa tuwing nakakaharap siya. Masyado akong nangulila sa kaniya sa loob ng halos anim na buwan. At ngayong nagagawa ko na ulit siyang makasama, tuluyang nawala ang masamang pakiramdam na dulot ng break-up naming dalawa.
“Belle..can I court you again?” Namamaos ang kaniyang boses habang hinahaplos ang aking buhok. “Hindi kita mamadaliin..just let me court you again until you say yes to me.” Saglit akong napapikit nang maramdaman ang kaniyang paghalik sa aking sentido.
Wala namang dahilan para tanggihan ko siya. Mahal namin ang isa't-isa, ang sa akin lang ayokong madaliin ang lahat. Gusto ko ‘yung dahan-dahan hanggang sa maging natural ulit ang lahat.
Tumango ako. “Alright..I'll let you court me again, for a second time.” Ngumiti ako sa kaniya nang mag-angat ako sa kaniya ng tingin ngunit namumungay ang kaniyang mga mata nang masilayan ko ito. “Inaantok ka na?”
Imbes na sumagot ay marahan niyang hinaplos ang pang-ibaba kong labi na siyang nagbigay ng kiliti sa aking sistema.
“Can I kiss you?” Lumunok siya bago ako tingnan sa mata. “I-i understand if you–”
Sa halip na patapusin ay saglit kong pinagdampi ang aming labi dahilan para mabilis manaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang kamay niya ay mabilis naglakbay sa aking likuran habang bahagyang nakadapa ang kalahati ng aking katawan sa kaniyang dibdib.
“I don't want to be courted by you, Chase.” Seryosong usal ko na mabilis nagpabura sa tuwa sa kaniyang mukha, nagugulat sa sinabi ko. Bago pa man siya makapagsalita ay mabilis ko siyang inunahan. “J-just..be my mine again. I want to be your girlfriend again, Chase.” Mabilis nagbago ang aking desisyon nang ganoon kabilis.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
RomanceLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...