Chapter 23

512 6 0
                                    

"What did you say?" Umayos nang pagkakaupo si Chase bago hawakan ang cellphone ko nang maayos.

Gusto kong magtaka dahil nag-iba bigla ang timpla ng kaniyang mukha. Salubong na ang kaniyang kilay bago mapahawak sa sentido at bahagyang mapailing.

"I know..kaya nga naka-off ang phone ko dahil alam kong papauwiin nila ako." Mas lalo siyang sumimangot bago ako sulyapan. "Tss, whatever. Tell them that I'm still in my vacation. Yeah..sabay kaming uuwi." Dagdag niya matapos ngumisi sa akin. "Alright, bye."

Kinuha ko naman ang inilahad niyang phone sa akin ngunit hindi ko inaasahan na bigla siyang hihiga sa kama habang ang kaniyang ulo ay nakapatong na sa aking hita. Mabilis siyang pumikit habang magka-cross ang dalawang braso sa kaniyang dibdib.

"Anong sabi ni Anna?" Nagsimula akong suklayin ang kaniyang buhok. "May nangyari raw ba?"

Saglit siyang dumaing bago imulat ang mga mata. "Nothing, it's just that..my grandparents wants to see me." Ngumiti siya sa akin bago kunin ang aking kamay. Mabilis niyang hinalikan ang magkabila kong palad bago ito ipatong sa kaniyang dibdib.

"K-kung ganoon bakit hindi ka na lang mauna? Ilang araw na lang naman..babalik na rin kami sa Manila. Baka may kailangan sa 'yo ang grandparents mo." Suhestyon ko pa ngunit saglit siyang umiling.

"They just want to see me with Nica. You know, my both grandparents wants me to date her and it's frustrating me even though I kept saying that I don't like her and I only see her as a good friend." Biglang sumeryoso ang kaniyang boses. Nang mapansin ang bahagya kong pagkatigil ay siya namang sapo niya sa aking pisngi. "Don't worry, I'll introduce you to them once we come back in Manila."

Bakit kaya nila pinipilit ang Nica kay Chase? Ganoon ba talaga nila kagusto ito kaya pati ang grandparents ni Chase ay tinutulak si Nica sa sarili nilang apo? Parang gusto ko tuloy siyang makita sa personal para makita ko kung anong uri siya ng babae. Maganda kaya siya? Mayaman din tulad nila Chase? Mabait ba siya? Maldita? Gusto niya kaya si Chase?

Hays, hindi ko tuloy alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng..selos.

Mabilis lumipas ang araw hanggang sa kinailangan na naming lumuwas ulit pabalik sa Manila.

"HA?! A-aba'y hindi hijo, h-hindi namin matatanggap 'to!" Nagpa-panic na tanggi ni Auntie Lina nang ibigay ni Chase ang binili nitong kotse! Pati ako ay nagulat dahil sa ginawa niya lalo pa at animo'y isang pirasong laruan lang ang binigay niya.

Ngumiti sa kaniya si Chase bago ipilit ang susi na hawak kay Auntie. "No, I insist tita. Besides, winelcome mo ako sa bahay mo nang walang pag-alinlangan kaya naman.. I'll give this you." Saglit pang sumulyap si Auntie Lina sa asawa na halatang kabado rin dahil sa sinasabi ni Chase.

Nagkatinginan naman kami ni Ate, pati siya ay napapailing habang natatawa na lang din sa pinapanood.

"P-pero.. talagang iwe-welcome kita sa bahay ko, hijo lalo pa't.." Saglit akong tiningnan ni Auntie. "Boyfriend ka ni Lily. Isa pa, buong puso kitang tinanggap sa pamamahay ko kaya naman hindi mo na kailangang magbigay ng kapalit." Malumanay at sinsero na sabi ni Auntie.

"But.." Halatang problemado si Chase na sumulyap saglit sa kotseng kabibili niya lang nung nakaraan. "Hindi ko na po 'to magagamit. Besides.. I don't like that car, it's just that I really need a one so.. I bought it." Tuluyang inilagay ni Chase sa palad ni Auntie ang susi kaya naman napapakamot batok na lang itong tiningnan si Chase. "I have so many luxury cars in Manila and I don't need that. That's my gift, a piece of appreciation for letting me stay inside your house."

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon