Chapter 9

615 7 0
                                    

"Chloe? Nasaan si Raven?" Hindi na ako makatiis nang lapitan ko si Chloe matapos ang ilang minuto naming pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

Saglit kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Huh? Akala ko nakausap mo na siya, nasa backyard siya. Nasa swimming pool." Sagot niya, nagpaalam naman na siya sa akin para i-entertain ang mga bagong dating na bisita.

Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan! Saglit akong sumulyap kay Anna na busy makipagtawanan sa mga bagong kakilala kaya naman mag-isa kong tinahak ang daan palabas ng bahay.

Kakaunti na lang ang nasa labas ng bahay, pagkarating sa backyard ay doon ko nakita ang iilan na naliligo sa pool.

"Hi Belle!" Saglit akong natigilan sa paghahanap nang batiin ako ni Shannel na siyang classmate ko rin.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Hi.."

Hindi naman kami masyadong close ni Shannel kaya naman nagpaalam na siya sa akin paalis kasama ang iba pa naming classmate na close niya. Binati pa ako ng mga ito bago sumunod kay Shannel.

Nagmadali akong igala ang paningin ko sa pool ngunit bumagsak ang dalawang balikat ko nang wala akong makitang Raven doon. Tatalikod na sana ako pero natigilan ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Belle.." Mabilis nagsalubong ang kilay ko nang makitang si Ghelo ito. Matapos nang ginawa niya kay Anna ay 'di ko na siya nakita pa. "Hinahanap mo si Raven?" Alinlangan niyang tanong sa akin.

Bahagya bumagsak ang paningin ko sa basang-basa niyang katawan, halatang kakaahon lang mula sa pool. Napabuntong hininga naman ako at tipid na tumango bilang sagot.

"Ah..nakita kong pumasok siya roon sa may Cr." Bakas ang pag-aalinlangan sa boses niya dahilan para mapatingin ako sa cr na nandoon sa pinakadulo ng backyard. "Ah sige, una na ako." Hindi ko na siya pinansin pa hanggang sa tuluyan niya akong lagpasan.

Napabuga naman ako sa ere bago lumakad patungo roon, unti-unti na ring umaahon ang mga bisita ni Chloe na naliligo sa pool.

Hindi ako pumasok sa loob, naghintay lang ako sa labas ng cr para sana salubungin si Raven. Dumapo naman ang paningin ko sa pool habang tahimik na naghihintay roon. Tuluyan nang tumahimik ang backyard dahil nagsi-alisan na ang mga bisita na naliligo roon sa pool.

Ilang minuto pa akong naghintay ngunit walang Raven na lumabas kaya naman agad akong nakaramdam ng inis.

"Pinagti-tripan lang ba ako ng Ghelo na 'yon?" Inis kong bulong sa sarili.

Napailing na lang ako at astang maglalakad paalis sa labas ng cr nang may marinig.

"Ah! Ah! A-ang sarap Raven! Ohhhh.."

Mabilis namilog ang mata ko sa narinig, agad ko ring naramdaman ang mabilis na pag-init ng dalawang sulok ng aking mata. Maging ang panlalamig ng aking batok patungo sa aking sikmura.

Dahan-dahan akong napalingon sa pinto ng cr na 'yon. Kahit wala pa namang nakikita ay awtomatikong pumatak nang sunod-sunod ang luha sa aking pisngi.

"Shh..baka may makarinig sa atin." Humahalakhak na pananaway ni Raven na sinundan ng matinis na pagtawa ng isang babae. Kahit hindi ko makita, kilala ko na kung kaninong boses iyon.

Walang iba kung hindi sa ex ni Raven.

Napasapo ako sa tapat ng aking bibig habang pigil hikbing nakikinig sa mga ungol nilang dalawa. Para akong tangang nakatingin at naghihintay lang doon. Ramdam ko ang unti-unting pagkawarak ng puso ko.

How could you do this to me, Raven?

"I-I'm cumming---God! You're so big, Rave!" Halos itili 'yon ng babae, kahit mula rito sa labas ay rinig na rinig ko ang kalampagan na nagmumula sa cr, animo'y enjoy na enjoy sila sa ginagawa. Humalakhak ulit ang babae. "Kaya siguro hindi ka mapakawalan ng..ohh..g-girlfriend mo kasi-ah! A-ang galing mo..b-bilisan mo pa! Hmm!"

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon