Chapter 32

494 5 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako ligtas na nakauwi pabalik sa bahay. Nang umuwi ako sa bahay ay doon ako umiyak nang umiyak. Nalipasan na ako ng gutom pero hindi ko ininda iyon, maging ang tawag ni Mommy ay hindi ko na nasagot pa dahil ginugol ko ang lahat ng oras ko sa pag-iyak. Akala ko nga ay wala na akong mailalabas pang luha pero nagkamali ako.

Kinabukasan ay pinili kong lumiban sa klase. Maaga akong nag-ayos ng sarili bago maagang pumunta sa penthouse ni Chase pero wala siya roon kaya naman sa mansyon nila Anna ako dumiretsyo.

Mabilis akong pinapasok ng guard nila dahil kilala naman na ako roon. Kailangan ko lang talagang makausap si Chase. Kailangan kong linawin ang lahat, na nagkakamali lang siya ng pagkakaintindi. Na-misunderstood lang namin ang isa't-isa kaya kailangan naming mag-usap.

“Belle? God! I was about to visit you but wala ka kahapon sa bahay niyo! You're not even answering–” Si Anna ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng bahay nila.

Sa halip ay mabilis ko siyang hinawakan sa braso habang ginagala ang paningin. “N-nasaan ang kuya mo, Anna? I-i need to talk to him.. please..” Pagmamakaawa ko dahilan para saglit siyang matigilan lalo na nang makita ang unti-unting pamamasa ng aking mga mata.

“N-nasa office niya sa t-third floor–Wait!” Hindi ko na siya pinakinggan pa dahil mabilis akong lumakad papunta sa sinabi ni Anna. Kailangan ko siyang makita ngayon at makausap!

Isang beses na akong nakapunta sa office ni Chase rito sa mansyon nila kaya naman mabilis akong nakarating doon.

Huminga muna ako ng malalim bago punasan ang kumawalang luha sa mata. Nang makuntento ay mabilis kong pinihit ang door knob at mabilis na pumasok sa loob no’n.

“Cha–” Mabilis akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang maabutan si Nica at Chase sa kanilang pwesto, dahil sa ginawa ko ay naudlot ang pagtawa ni Nica nang makita ako.

Si Nica habang nakayakap mula sa likuran ni Chase na walang emosyong nakaharap sa kaniyang laptop.

“What are you doing here?!” Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Chase nang tingnan ako. Si Nica naman ay ngingisi-ngising pinanood lang kaming dalawa ni Chase.

Sinubukan kong humakbang palapit sa kaniya ngunit nahinto rin nang mabilis siyang tumayo. “Sinabi kong ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo! Ano bang ginagawa mo pa rito?!” Ganoon kabilis nag-init ang kaniyang ulo.

Sa halip na pansinin ay mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit dahilan para maramdaman ko ang pagkatigil niya. Rinig na rinig ko rin ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso.

“Chase..” Nagsimula akong humikbi bago siya yakapin pabalik. “Please..pakinggan mo ang lahat ng sasabihin ko. H-hindi kita niloko! Si Nica–”

Mabilis akong napaatras nang bahagya akong itulak ni Chase palayo sa kaniya. Nang tingnan ko siya ay mas bumalatay ang galit sa kaniyang mukha.

“I said I don't wanna hear your excuses! Leave!” Malakas niyang sigaw bago ituro ang bukas na pinto. “I said lea-” Naputol ang sasabihin ni Chase nang si Nica na mismo ang tumulak sa akin palabas ng pinto.

Muntik pa akong mawalan ng balanse sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin palabas dahilan para hindi makaligtas sa paningin ko ang saglit na pag-aalala sa mukha ni Chase nang makita iyon ngunit nang magtama ang paningin namin ay mabilis siyang nag-iwas at tumalikod sa gawi namin.

“Umalis ka na, cheater! Huwag ka nang babalik pa rito! Leave!” Sigaw ni Nica bago ako pagdabugan ng pinto.

Dahil sa pinaghalong galit at sakit ay doon ako tahimik na umiyak sa tapat ng pintuan ni Chase. Doon ko lang ma-realize ang paglapit ni Anna na ngayon ay nakayakap na sa akin habang paulit-ulit na nagtatanong kung anong nangyari pero hindi ko siya sinagot dahil patuloy lamang ang paghagulgol ko sa kaniyang bisig.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon