Halos hindi ko na magawa pang lunukin ang kinakain ko dahil sa ilang. Idagdag mo pa ang ginagawang paghimay sa akin ni Chase ng alimasag na animo'y walang nakakakita sa ginagawa niya!
Muli kong nasulyapan ang nanliliit na mga mga ni Anna. Napailing na lamang siya bago magpatuloy sa kinakain.
"Uuwi ang Ate Charity niyo sa birthday mo Anna, next month na 'yon." Maya-maya'y sabi ni Tita Chesca.
Laking tuwa ko dahil nawala na sa akin ang usapan! Hindi na ako halos makapagsalita matapos sabihin 'yon ni Chase. Para akong nawalan ng kakayahang magsalita dahil sa hiya.
"Eat this, masarap 'to." Pursigido talaga sa ginagawa si Chase habang nilalagyan ako ng lobster na himay na sa plato ko!
Tumango na lang ako dahil nakakahiya kung tatanggihan ko 'yon. Saglit nagtama ang paningin naming dalawa, kitang-kita ko namang nag-eenjoy siya sa kaniyang ginagawa.
Hindi ko na nasundan kung anong pinag-uusapan nila pero sumasagot naman ako sa tanong nila Tita Chesca at Tito Anton sa tuwing tinatanong nila ako.
"Thank you po sa masarap na dinner Tita, ingat po kayo sa Singapore." Sambit ko nang matapos kaming kumain.
Ngumiti naman siya sa akin bago haplusin ang buhok ko. "Hayaan mo at itu-tour kita sa Singapore someday." Aniya dahilan para marinig ko ang mahinang paghalakhak ni Chase na nasa tabi ko pala.
Ngumiti lang ako sa kaniya kaya naman binalingan niya naman si Anna at si Harvey. May sinabi ito sa kanila pero minabuti kong tingnan si Chase!
"What?" Gusto ko siyang sapakin dahil sa nang-aasar niyang boses, mukhang nahalata niya ang nararamdaman ko dahil mabilis siyang napanguso bago mag-iwas ng tingin.
Maya-maya pa ay nagpaalam na sila Tita na magpapahinga na sa taas dahil maaga pa ang flight nila bukas pabalik sa Singapore. Anong oras na rin kami natapos kumain kaya inabot na naman ako ng gabi pero ang mahalaga ay pinaalam ako ni Anna kay Mommy.
Naiwan kaming apat sa sala kaya naman mabilis akong tinabihan ni Anna sabay hawak sa pulsuhan ko. "Maiwan na muna namin kayo, boys. May mahalaga lang kaming pag-uusapan ni Belle." Aniya bago ako hilahin paakyat sa kuwarto niya.
Hindi na nila nagawang magsalita dahil naging mabilis ang kilos ni Anna. Ilang saglit pa ay nasa kuwarto na niya kami. Agad niya akong pinaupo sa kama niya pagkapasok namin.
Humalukipkip siya sa harapan ko. "Tell me, what's going on with you and my kuya?"
Inaasahan ko na 'to, siguro nga talagang nakahalata na siya kaya paniguradong wala na akong takas.
Napabuntong hininga naman ako bago siya hilahin paupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano dahil sa sobrang taas ng kilay niya! Kaunti na lang at tatarayan na niya yata ako.
"Ano..kasi..galit ka ba?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya bago mapabuntong hininga at kunin ang kamay niya. "Anna..hindi ko intensyon na itago sa 'yo 'to..pero kasi..nahihiya ako. Baka isipin mo na..ginagawa kong rebound ang kuya mo--"
"What?! Of course not, Belle!" Mabilis niyang agap bago hawakan pabalik ang kamay ko, nanatiling nandoon naman ang paningin ko. "It's just that.. you're my best friend! Hindi mo dapat tinatago sa akin 'to, and besides..puwede kitang bigyan ng advice lalo pa at kilala kong maloko ang kuya ko na 'yon!" Aniya dahilan para mapalunok ako. "I'm not mad, okay? To be honest, I'm happy pero..kailan pa nag-start ang sa inyo? Do you..like him? Naka-move on ka na ba kay..Raven?"
Kinagat ko ang labi ko, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang sunod-sunod niyang mga tanong. Saglit akong napapikit bago salubungin ang naghihintay niyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
RomanceLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...