Chapter 11

610 9 0
                                    

Nasaktan ako, oo. Pinagmukha rin akong tanga pero hindi ko kayang makasakit din ng iba para lang ipakita na ayos na ako. Ayoko nang mandamay ng iba para lang maibsan ang sakit ng nararamdaman ko.

Mahilo-hilo akong naglakad palabas ng bar na 'yon, idagdag mo pa ang pinagsamang amoy ng alak at sigarilyo na nandito sa loob.

"Belle wait!" Dinig kong tawag sa akin ni Chase ngunit mas nagmadali pa ako para lang makalabas doon.

Doon lang din ako nakahinga nang maayos sa labas ng bar. Marami-rami pa rin ang mga nagsisilabas-masok. Tumingala ako dahilan para makita ko ang nagkikislapang mga bituin, mukhang 'di naman uulan.

Napabuntong hininga ako nang may humawak sa siko ko. "Ang tagal mo naman--"

Mabilis akong napaatras nang harapin ko ang taong 'yon. Agad ko ring naramdaman ang mabilis na pagkulo ng dugo ko nang mamataan ang ngingisi-ngising mukha ng ex ni Raven. Humithit pa siya sa sigarilyong hawak bago 'yon itapon at tapakan.

"Ang kapal naman ng mukha mong hawakan at harapin ako?" Kumuyom ang palad ko, nagpipigil na sampalin siya sa mukha.

Mabilis lumipat ang paningin ko sa likuran niya nang tuluyang mamataan si Chase, saglit pang kumunot ang noo niya nang mapatingin sa babaeng kaharap ko bago ako tabihan.

"Let's go." Anyaya niya habang hawak-hawak na ako sa braso.

Saglit akong napairap sa kaharap, mas mabuti na 'yung ako na ang umiwas kaysa ako pa ang gumawa nang gulo ngunit talagang sinusubukan niya ang pasensya ko nang saktong pagtalikod namin ni Chase ay tsaka lamang siya nagsalita.

"Ang bilis mo pa lang mag-move on? Mukhang..may bago ka na agad." Sinundan niya iyon nang halakhak.

"Don't mind her, Belle. Let's just go." Pabulong na anyaya sa akin ni Chase ngunit 'di ko siya pinansin dahil mabilis kong hinarap ang malanding babaeng 'to.

Bakas na bakas sa mukha niya ang pang-aasar. Nakataas ang kaniyang kilay habang may nagpipigil na ngisi sa pulang-pula niyang labi.

"Hindi ako magso-sorry sa 'yo dahil ginusto kong gawin 'yon. Kasalanan mang tawagin 'yon, well..hindi ko naman itatanggi pero hindi lang ako nagkasala, pati si Raven dahil ginusto niya 'yon, siya pa nga ang nag-aya eh..hindi na ako tumanggi kasi..mukhang libog na libog na rin naman 'yung boyfriend--opps ex mo." Nakakairita ang ginawa niyang pagtawa matapos niyang sabihin iyon.

Ang kapal talaga ng babaeng ito!

Tuluyang sumabog ang galit ko, sinubukan ko siyang sugurin ngunit mabilis akong inawat ni Chase.

"At ang kapal naman ng mukha mong sabihin sa akin 'yan! Proud na proud ka pa talagang nang-agaw ka ha?! Masyado ka kasing pakarat! Bitch!" Mabilis kong naagaw ang atensyon ng mga taong nasa paligid namin habang pilit akong nagkukumawala sa hawak ni Chase. "Ano ba Chase! Sasampal lang ako kaya bitawan mo ako--"

"Stop it, Belle! Iniinis ka lang niya!" Pati siya ay inis na tumingin sa babaeng kaharap. "Ano ba miss? Kung wala kang magandang sasabihin pumasok ka na sa loob." Maawtoridad niyang sabi sa kaharap namin dahilan para siya naman ang ngisihan ng ex ni Raven.

Humalukipkip siya habang pinagmamasdan ang kabuuan nito bago ako muling balingan. "Ang galing mo rin pala talaga mamili 'no? Hanga talaga ako sa taste mo, siguro naman makaka-move on ka na talaga kay Raven dahil guwapo itong pinalit mo." Kinagat niya ang labi bago paglaruan ang dulo ng kulot niyang buhok.

Magsasalita na sana ako ngunit mabilis kong nakalimutan 'yon nang mamataan si Raven na papalapit na sa amin. Agad siyang lumapit sa ex niya ngunit nakikipagpalitan siya ng tingin sa akin. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagluwag ng hawak ni Chase sa aking braso.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon