Chapter 38

513 8 0
                                    

Inabot na kami ng umaga rito sa Isla dahil nagpasya kaming dito na matulog. Walang paglagyan ang tuwa ko habang pinapanood si Chase na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Saglit kong inalala ang nangyari sa pagitan naming dalawa kagabi. Pakiramdam ko first time ulit naming gabi iyon.

May ngiti sa labi kong hinaplos ang makinis niyang pisngi. "I'm so thankful that I've found you, love.." Namamaos ang aking boses bago padaanin ang aking mga daliri sa malambot niyang mga buhok bago iyon padasahan ng suklay.

Ilang sandali pa ay sandali siyang napadaing bago unti-unting buksan ang dalawang mata. Awtomatikong lumabas ang ngiti sa kaniyang labi nang magtama ang paningin naming dalawa.

"Good morning, baby.." Malalim ang kaniyang boses nang sabihin niya iyon.

"Good morning, Chase.."

Pumikit siya bago yakapin ang aking katawan, ramdam na ramdam ko ang mainit at hubad niyang katawan sa akin. Saglit pa akong napalunok nang maramdaman ang katigasang tumatama sa aking tyan.

Bahagya siyang natawa. "Sorry.. morning erection.."

Ilang saglit pa ay nagpasya na kaming bumangon, masaya niya akong pinagluto ng breakfast, pati na rin ng lunch nang abutin kami ng tanghali roon dahil animo'y 'di kami nagsasawa sa isa't-isa. Kaya naman hapon na kami nang makabalik sa resort.

"Saan kayo nang-galing? Maghapon kayong wala tapos kababalik niyo lang ngayon?" Nagtatampo ang boses ni Anna nang saglit kaming iwan ni Chase dahil may aasikasuhin daw siya. Kasalukuyan kaming nandito sa dalampasigan, tahimik na pinapanood ang medyo maalong dagat.

"Pumunta kami sa..kabilang isla. Medyo nag-enjoy kaya..ayon doon na kami nagpalipas ng gabi." Sagot ko bago mag-iwas, ramdam ko kung gaano kabilis nag-init ang pisngi ko nang may maalala.

Kung may kapitbahay lang kami roon, paniguradong nasita na kami ng mga 'yon dahil sa lakas ng ingay namin kagabi! Masyado kaming nasabik sa isa't-isa kaya naman..medyo naging wild ang takbo ng gabi namin kagabi.

"Edi..kayo na nga ulit ni Kuya? Officially?" Bakas ang tuwa sa kaniyang boses.

Marahan naman akong tumango bago siya tingnan ulit. "Oo, nung isang gabi ko lang siya sinagot. Nagkalinawagan na rin kami nung gabing 'yon."

Kaya naman ginugol namin ni Anna ang oras para maglibang. Syempre naglaan din ako ng oras para kay Anna dahil hindi ko pa siya nakakasamang gumala rito simula nang maging okay kami ni Chase. Nag-try rin kami ng iba't-ibang mga activities sa dagat kaya bagsak ang katawan namin nang bumalik kami sa kuwarto para magpahinga.

Mabilis dumaan ang mga araw hanggang sa bumalik na kami sa Manila. Walang paglagyan ang saya ko baon-baon ang memories namin sa La Union.

Pagkatapos ng sem break ay balik school na kaya naman mabilis kaming bumalik ng mga kaklase ko sa reyalidad. Aaminin kong dahil sa outing na 'yon, naka-close ko silang lahat.

"Oh? Kumusta ang outing niyo sa La Union?" Pangungumusta ni Vanessa sa amin nang umagang iyon.

Nakangiti naman kaming bumaling ni Vanessa kay Anna nang mapabuntong hininga ito. "Ang saya! Mas gugustuhin ko ngang mag-stay na lang doon kaysa pumasok ulit. Tinatamad na ako pumasok." Bagsak ang balikat niya habang nakatingin sa white board.

"Bakit nga pala 'di ka nakasama, Vanessa? Sayang naman." Nanghihinayang kong sabi ngunit pilit lang siyang ngumiti.

Ang paningin namin ni Anna ay na kay Vanessa.

"May pasok kasi ako sa part time, syempre mas mahalaga sa akin ang araw ng pagpasok ko dahil need kong kumita. Medyo marami rin kaming bayarin sa bahay kaya ayon..alipin ang naging ganap ko nung sem break." Tumawa siya kahit bakas din ang panghihinayang sa boses, siguro gusto niya ring sumama sa La Union pero wala siyang choice kung hindi ang pumasok sa part time.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon