Tulad ng request ko kanina ay mabilis akong inorderan ni Chase ng pizza. Kumain lang kami roon saglit sa loob ng pizza parlor bago kami pumuntang steak house na bago lang ding bukas. Pagkapasok namin sa loob ay agad sumalubong sa pandinig namin ang nakaka-relax na classical music.
"Thank you, Chase. Sobrang nagki-crave talaga ako sa steak." Sambit ko sa kalagitnaan nang pagkain namin.
Ngumiti naman siya sa akin habang nag-eenjoy siyang panoorin ako. "Don't tell me that you're pregnant to our first child, Belle?" Halos mabulunan ako sa nginunguya dahil sa sinabi niya na siyang nagpatawa sa kaniya! "I'm just kidding, baby." Natatawa niya pa akong pinainom ng juice.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago magsalita, muntik pa akong kabahan dahil sa sinabi niya pero buti na lang at naalala kong meron ako ngayon, first day pa.
"Sorry ka na lang dahil may dalaw ako ngayon kaya malabo 'yang sinasabi mo." Natatawa kong sabi sa kaniya bago muling sumubo.
"Edi gawin na nating last week ito ng period mo, dahil sa susunod 9 months kang 'di ka dadatnan." Nanunuya niyang sabi bago ngingisi-ngising sumubo ng steak sa tinidor niya.
Halos sabunutan ko siya dahil doon ngunit napailing na lang din dahil lumalabas na naman ang pagiging pilyo niya.
Umirap ako sa kaniya. "Kung makaulit ka sa akin." Mas nang-aasar ang tinig ko na siyang nagpabura sa nakangisi niyang labi.
One point, haha!
"Belle..don't do that to me." Punong-puno nang pangungusap ang kaniyang boses. "I'm just planning to make love with you later on my car but you're saying that to me right now, really woman?" Nakabusangot siyang sumubo ulit ng karne na siyang nagbigay init sa dalawang pisngi ko.
Saglit akong napatikhim. "Magtigil ka nga, Chase. Meron ako ngayon, okay? Tsaka.. ginawa lang natin 'yon last last week." Nahihiya kong sinabi, may kahinaan ang boses.
Shit, bakit ba ganito ang topic namin? Unbelievable!
"But it is possible to do sex while the girl is in period..so.." Muli siyang ngumisi dahilan para tuluyang bumagsak ang panga ko!
Ano bang pinagsasabi nito? In heat lang?
Napairap ako bago siya simangutan! "Tigilan mo nga, tsaka kadiri kaya! Aish! Bakit ba ito ang topic natin. Next topic, please." Napapailing kong sabi dahilan para muli siyang matawa at mapailing.
Mabilis ngang nalihis ang topic namin patungkol doon. Mabuti na lang talaga at medyo walang taong nakaupo malapit sa amin kaya walang nakarinig sa pinag-uusapan naming dalawa.
Matapos kumain ay nagpasya na muna kaming maglibot-libot. Bumili na rin siya ng damit, pati ako ay binilhan niya rin ng dress, tumanggi pa ako nung una dahil masyado iyong mahal pero pinilit niya iyon sa akin kaya naman wala na akong ibang nagawa! Tuwing may binibigay sa akin si Chase na mamahaling bagay ay nahihirapan akong tanggapin iyon, pero syempre hindi ko rin magagawa iyon dahil baka ma-offend si Chase. Siya na nga itong nag-effort bumili, hindi ko pa tatanggapin.
Sino bang matutuwa kapag hindi tinanggap ng taong pagbibigyan mo ang regalo mo?
Nag-aya rin ako sa national book store, bumili ako ng dalawang libro pero syempre pera ko ang ginamit ko kahit panay ang pilit niyang siya na ang magbabayad. Sa huli ay pinilit ko talaga ang gusto ko kaya naman wala rin siyang nagawa.
"Thank you sa dress, Chase. Pero..huwag mo na akong bilhan sa susunod nang ganito kamahal na dress ah?" Nahihiya kong sabi habang naglalakad kami palabas ng book store.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
RomanceLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...