“LET GO OF ME!” Padarag kong binawi ang aking pulsuhan kay Chase.
Makita lang siya ngayon sa harapan ko ay muling nanumbalik ang kirot sa dibdib ko. Ang daming tanong ngayon sa isipan ko.
Mabilis siyang namutla sa ginawa ko. “Belle..c-can we talk?” Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok dahilan para mas lalo kong maramdaman ang galit sa puso ko.
“What for?” Sarkastiko ngunit inis kong tanong sa kaniya, hindi ko mapigilang alalahanin ang lahat ng nangyari nung araw na iyon, kung paano niya ako pinagtulukan at ‘di pinakinggan. “Ano pa bang ginagawa mo rito?! Hindi ba’t ikaw na ang nagsabi na ayaw mong makita ang pagmumukha ko?!” Halos lumabas ang sarili kong litid, pilit pinipigilan ang bawat emosyon na gustong kumawala.
Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga, saglit din siyang tumahimik. Habol ko ang sariling hininga habang pinapakita sa kaniya ang galit ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ko siya nakita. Ngayong nasa harapan ko na siya ay doon ko napagtantong miss na miss ko na siya, miss na miss ko na ang dating kami pero hindi na niya mabubura ang galit at sakit sa puso kong dinulot niya.
Kinuyom ko ang aking kamao. Bakit kailangan ko pang masaktan bago nila ako lapitan? Para ano? Para manghingi ng sorry na para bang ganoon kadali sa akin na kalimutan ang lahat?
Mariin akong napapikit bago tuluyang magtama ang paningin namin. “Huwag ka nang magpapakita pa sa akin, tapos na tayo..at ayaw na rin kitang makita pa.”
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras dahil mabilis ko siyang tinalikuran. Sapo-sapo ko ang aking bibig habang mabilis na naglalakad palayo roon. Pilit kong pinigilan ang paghikbi nang magsimulang bumuhos ang aking mga luha.
"Wala kayong pinagkaiba ng ex mo..pareho kayong manloloko."
Saglit akong tumigil para maghabol ng hininga. Humihikbi akong nag-angat ng tingin sa kalangitan, umaasang babalik ang luha sa aking mga mata lalo pa at nangako ako sa sarili kong ‘di na ako iiyak pa dahil sa kaniya.
Pagkarating sa bahay ay muli akong nagkulong sa aking kuwarto, ang kaninang gutom ay mabilis kong nakalimutan kaya naman hindi na ako nakapag-dinner pa dahil mabilis akong nakatulog dala na rin siguro ng pagod.
Dumating ang sem break namin, halos isang linggo kaming walang pasok kaya naman nagplano ang mga classmate namin ng outing. Dahil wala rin naman akong pupuntahan ay nagpasya kami ni Anna na sumama.
“Dalawang van lang ang gagamitin natin?” Gulat kong tanong, nandito kami sa tapat ng mall nagkita-kita.
Tumango si Gerald. “Oo eh, tsaka kasya naman tayo dahil ‘yung iba may mga dalang sasakyan.” Sagot niya sa akin bago ngumiti.
Hinintay namin na magsidatingan ang iba pa naming mga kaklase. Agad akong napangiti nang makita ang kotse nila Anna kaya naman nagpasya akong lumakad palapit doon para salubungin siya.
“Belle!” Mabilis niyang kaway sa akin nang bumaba siya mula sa passenger seat.
Ngumiti ako sa kaniya, magsasalita na sana ako ngunit mabilis naagaw ng paningin ko ang biglaang paglabas ni Chase mula sa driver's seat. Agad nawala ang kaninang ngiti ko lalo na nang tanggalin niya ang suot niyang sunglasses dahilan para mabilis magtama ang paningin naming dalawa.
Tumingin ako kay Anna, pilit inignora ang presensya niya. “A-ang tagal mo..tara na?” Hinawakan ko siya sa kamay para sana higitin na palayo roon pero mabilis niya akong pinigilan!
Shit naman oh! Ano ba kasing ginagawa niya rito? Akala niya ba nakalimutan ko na ang ginawa niyang pagsunod sa akin sa parking lot nung nakaraang linggo lang?
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
عاطفيةLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...