Chapter 6

621 7 0
                                    

"You..do you really like him?"

Nagtataka akong lumingon kay Kuya Chase na ngayon seryosong naghihintay sa sagot ko.

Si Raven ba ang tinutukoy niya?

"You mean..Raven?" Patanong kong sagot sa kaniya ngunit mas lalong nadepina ang madilim niyang mukha.

Bahagyang nagtaas ang kanang kilay niya. "Why? Meron ka pa bang ibang nagugustuhan bukod sa kaniya?" Sarkastiko ngunit ramdam mo ang diin sa kaniyang boses. Alam kong si Raven ang tinutukoy niya pero hindi ko alam kung bakit niya naitatanong 'to.

Eh ano naman kasi sa kaniya?

"Of course not! Yes! I do like Raven, Kuya Chase." Hindi ko alam kung bakit nagtunog sarkastiko ang boses ko.

Mas lalo namang nagsalubong ang kaniyang kilay ngunit animo'y may gusto pang sabihin pero hindi magawa. Bahagya siyang nag-iwas ng tingin sa akin dahilan para makita ko ang bahagyang pag-igting ng kaniyang panga. Isang beses akong napalunok dahil doon bago siya muling tumingin nang diretsyo sa mga mata ko.

Bago pa man siya makapagsalita ay mabilis ko na siyang inunahan. "Thanks for the ride, I'll go a-ahead. Take care." Dire-diretsyo kong sabi, asta ko na sanang bubuksan ang pinto ng kaniyang kotse ngunit animo'y nakuryente ang buong pagkatao ko nang maramdaman ang init ng kaniyang palad na humawak sa aking siko.

"Your seatbelt.." Gulat akong napalingon dahil ramdam ko ang init ng kaniyang hininga na tumatama sa aking leeg.

Gusto kong magsisi sa ginawang paglingon dahil ilang pulgada na lamang ang layo ng labi namin sa isa't-isa. Ramdam at amoy na amoy ko ang pinaghalong mint at alak sa kaniyang bibig na bahagyang nakaawang. Ni hindi ko alam kung paano ko nalabanan ang kaniyang titig. Dahil doon ngayon ko lang napag-aralan ang perpekto niyang mukha.

Mula sa sa medyo wavy at messy niyang buhok, perfect jawline, kissable and glossy lips na kahit sino ay gugustuhing halikan dahil dahil may katamtamang kapulahan din ang kaniyang labi. Idagdag mo pa ang maganda niyang mga mata na ngayon ko lang na-appreciate, mga mata niyang animo'y binabasa palagi maging ang kasuluk-sulukan ng buong pagkatao mo.

"W-why?" Halos pabulong na niyang sinabi, nanatili ang ilang pulgadang layo namin sa isa't-isa. Maging ang paglunok niya ay kitang-kita ko.

Ni hindi ko magawang magsalita, para akong na-estatwa habang parang ewan na titig na titig sa kaniya, ni ang ipagtulakan siya palayo sa akin ay hindi ko nagawa. Patagal nang patagal ay mas lalo kong naramdamam ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"W-what..are you doing?" Matagumpay kong naiusal dahilan para magbaba siya ng paningin sa aking labi.

Maya-maya pa ay mariin siyang pumikit ngunit mas lalong lumagabog sa gulat ang aking dibdib sa sumunod niyang ginawa. Literal na huminto ang paghinga ko nang maramdaman ang kaniyang labing dumampi sa aking labi. Pakiramdam ko ay nanghina ako masyado lalo na nang maramdaman ang bahagya niyang pagsimsim sa aking labi. Mulat na mulat ako nang gawin niya iyon kaya kitang-kita ko ang emosyon na lumalabas sa kaniyang mukha, nakapikit siya habang inaangkin ang aking labi habang bahagya ring nakakunot ang kaniyang noo.

Nang tuluyang matauhan ay doon ko lang siya naitulak, nanatiling nakaawang ang labi naming pareho. Napapalunok siyang nakatingin nang diretsyo sa aking mga mata, kitang-kita ko kung paano kumislap iyon habang nakatingin sa akin.

Bago pa man siya makapagsalita ay mabilis lumapat ang aking palad sa kaniyang pisngi dahilan para makita ko ang mabilis na pag-igting ng kaniyang panga habang ang direksyon ng kaniyang ulo ay nasa kaliwa dahil sa medyo may kalakasan kong sampal.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon