Chapter 35

512 6 0
                                    

"Hey, Babe.." Mabilis bumungad sa akin ang nakangiting si Anna nang pumasok siya sa aking kuwarto.

Ngumiti naman ako pabalik sa kaniya pero hindi iyon aabot sa aking mata. "Anong oras ka nakarating?"

Tumabi naman siya sa akin, pareho na kaming nakaupo rito sa pinakadulong bahagi ng kama. Ang paningin namin ay wala sa isa't-isa.

"Around 3:25 pm, pagkarating ko natutulog ka eh kaya hindi na muna kita ginising." Aniya bago mapabuntong hininga. "Bakit ka mag-isa rito? Nasa baba ang mga kaklase natin at nagsasaya, bakit hindi ka naki-join?"

Saglit akong natigilan habang kino-control ang sariling emosyon.

"Inaantok kasi ako..kulang ang tulog ko." Pagsisinungaling ko bago siya tingnan, kitang-kita ang pag-alala sa kaniyang mga mata kahit pa may nakapaskil na ngiti sa kaniyang labi. "Baba na tayo? Sabi nila Joyce may bar daw rito, try natin."

"Okay!" Masaya niyang pagpayag bago kami sabay na lumabas sa kuwarto ko.

Pagkalabas ay awtomatiko akong natigilan nang makita si Chase na nakaupo sa sala. Gusto kong purihin ang kabuuan niya kahit pa wala siyang reaksyong nakaharap sa kaniyang laptop na hawak.

Suot niya ang kulay puting polo na hanggang braso lang ang haba ng manggas. Tatlong butones sa kaniyang dibdib ang nakabukas kaya naman kitang-kita ang depinado at malapad niyang dibdib. May nakasabit ding sunglasses doon. Sa pang-ibaba naman ay nakasuot siya ng kulay na itim na shorts kaya naman agaw pansin ang mahaba at maputi niyang binti. Talagang paborito niyang kulay ang itim at puti dahil madalas iyon ang kulay ng kaniyang damit, madalang lang din siyang magsuot ng t-shirt dahil palaging polo ang gusto niyang suot na binabagayan ng paborito niyang slacks na itim.

"Hmm? Do you need anything?" Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang matauhan sa ginawang paninitig sa kaniya.

Gusto kong mapapikit dahil sa kakaibang haplos na naramdaman sa aking sikmura dahil sa malambing niyang boses habang nakatingin nang diretsyo sa akin. Agad naman akong nag-iwas bago umiling. Pinili kong umalis sa harapan niya at dire-diretsyong lumabas ng kuwartong iyon.

"Hay..sana nandito rin si Harvey." Kunwaring pagpaparinig ni Anna sa likuran ko.

Hindi ko na lang siya sinagot pa hanggang sa makasakay kami sa elevator. Nang bumukas siya ng pag-uusapan ay doon ako nagsimulang malibang. Nang makalabas sa hotel ay nakita kong unti-unti nang nagkukulay kahel ang kalangitan, medyo dumadami na rin ang mga turistang nasa dalampasigan. Ang iba ay naglalaro pa ng volleyball kaya rinig ang ilang hiyawan.

"Nasaan sila?" Tanong ko habang nililibot ang paningin sa paligid.

Iniangkla naman ni Anna ang kaniyang kamay sa aking braso. "Nasa kabilang isla pa rin yata sila, hintayin na lang natin dito." Sagot niya kaya naman mabilis na lang din akong tumango.

Sayang at 'di ako nakasama sa pinuntahan nila. Paniguradong maganda sa lugar na 'yon. Inuna ko pa kasi ang magmukmok, hindi bale at may bukas pa naman.

Nag-aya munang kumain si Anna dahil nagugutom na raw siya, sakto rin at nagpa-ready raw ang kaniyang kuya ng makakain para sa aming dalawa. Awtomatiko rin naman akong nakaramdam ng gutom kaya naman hindi na ako tumanggi pa.

"Wow..ang sarap talagang mag-alaga ni Kuya. Thank you, Miss!" Masiglang sabi ni Anna kaya naman iniwan na kami ng babaeng crew, hindi iyon ang babaeng crew kanina na siyang nagdala ng dessert sa akin. "Kain na tayo, wow..mukhang masarap ang seafoods nila rito ah." Tatango-tango niyang sabi bago kumain.

Pinanood ko na muna siyang lumantak ng mga pagkaing nakahanda sa harapan namin bago siya pagkunutan ng noo. "Ngayon ka lang ba nakapunta rito? Hindi ba..sa kuya mo ang resort na 'to?" Nagtataka kong tanong ngunit nabigla ako nang mabilis siyang mapaubo, animo'y nabulunan sa kinakain!

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon