Mabilis namang nawala ang ilangan sa pagitan namin ni Russel nang makababa na kami sa tricycle. Halos 30 minutes din ang naging byahe namin simula baryo hanggang dito sa bayan.
"Sa park tayo." Mabilis na anyaya niya na mabilis ko ring tinanguan.
Hindi ko mapigilang igala ang paningin ko, malayong-malayo ang bayan na 'to ngayon kumpara dati. Ilang saglit pa ay nakarating nga kami sa park, may bermuda grass doon habang agaw pansin din ang fountain. May mga de-sementong bench kung saan nakaupo roon ang halatang mga mag-boyfriends at girlfriends.
Hindi kami roon umupo ni Russel, sa halip ay doon kami umupo malapit sa sea side. May mahabang de-sementong upuan doon na malapit lang din sa mga street foods.
"Maupo ka na diyan, bibili lang ako ng pagkain natin." Aniya na mabilis kong tinanguan at ngitian.
Mabilis ngang umalis si Russel hanggang sa ibaling ko ang paningin sa dagat. Kitang-kita ko ang anino ng mga isla mula rito sa kinauupuan ko. Gusto ko ang ganitong feeling, pakiramdam ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong relaxation.
"Ito na ang favorite mo, Lily. Oh, isaw mo." Naagaw ni Russel ang atensyon ko hanggang sa maupo rin siya sa tabi ko.
Halos malaglag ang panga ko dahil sa dami ng binili niya! "Grabe ang dami naman nito! Gusto mo ba akong magkaroon ng hepatitis?" Natatawang biro ko na mabilis niyang sinabayan.
Ang daming isaw niyang binili, idagdag mo pa ang betamax na isa sa paborito ko. Meron ding dalawang malaking cup ng fishball at kikiam. Samantalang bumili siya ng gulaman na nasa malaki ring cup.
"Thank you, Russel..ang dami nito. Pakiramdam ko 'di ko mauubos 'to." May ngiti sa labi kong sabi bago mag-angat ng tingin sa kaniya.
"Minsan lang naman 'to, tsaka..hindi ka ba masyadong kumakain ng street foods sa Manila?" Tanong niya.
Nagsimula naman na kaming kumain ng mga binili niya bago ituon ang paningin sa dagat. Hindi mainit sa puwesto namin dahil sa mga punong nakapaligid sa amin.
Nilunok ko muna ang kinakain bago sumagot. "Hmm..kumakain naman pero kakaunting beses lang. Nakakakain lang ako ng street foods kapag may nagbebenta sa labas ng University na pinapasukan ko."
"Ah talaga? Kumusta naman pala sa school mo? Marami bang mga big time?" Tanong niya pa na siyang nagpatawa sa akin nang bahagya bago kumuha muli ng stick ng isaw.
Marahan ko 'tong sinawsaw sa suka. "Oo, maraming mayaman pero maayos naman sila. Sila 'yung tipo na lowkey lang, hindi nila pinapakita na sobrang big-time nila pero mahahalata mo naman 'yon sa kilos at mga gamit nila."
Bahagya akong napangiti nang maalala si Anna. Si Anna 'yung tipo na hindi ipagmamayabang sa lahat na sobrang yaman niya dahil simple lang naman siya kahit pa sumisigaw ang karangyaan sa bag na gamit niya pa lang. Hays, nakaka-miss din siya. Ilang araw ko na rin siyang 'di nakakausap.
"Oo nga pala..mayaman din pala 'yung..manliligaw mo sa Manila 'di ba? Ay nasa Singapore pala siya." Medyo nag-iba ang boses ni Russel kaya naman napabaling ako sa kaniya.
Mukhang malalim ang iniisip niya dahil nasa dagat lang ang kaniyang paningin. Saglit tuloy akong napabuntong hininga bago ituon din doon ang paningin.
Wala naman sigurong masama kung magke-kwento ako sa kaniya 'di ba?
"Alam mo..meron akong naging ex sa Manila." Panimula ko, nakita ko ang paglingon niya sa akin ngunit 'di ko sinalubong ang paningin niya. "Mayaman siya at..malakas ang dating. Unang kita ko pa lang sa kaniya nagustuhan ko na siya..hanggang sa umamin siya sa akin na gusto niya rin ako kaya..nilagawan niya ako." Hindi siya nagsalita, nanatili siyang walang imik kaya naman nagpatuloy ako habang sinisimulang lantakan ang fish ball. "Ilang buwan naging kami, sobrang mahal ko siya at ganoon din naman siya sa akin pero.." Pambibitin ko bago tuluyang tingnan siya.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
RomanceLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...