Chapter 4

728 10 0
                                    

Isang linggo na ang nagdaan simula nang magsimulang manligaw sa akin si Raven. Walang araw na 'di siya nakaaligid sa akin, paunti-unti nga ay nasasanay na ako sa presensya niya.

"Absent si Anna?" Tanong sa akin ni Raven nang dumating ang break time, kasalukuyan kaming nandito sa cafeteria para mag-lunch.

Pinanood ko naman siyang buksan ang lunch box niyang may lamang lasagna, aniya'y ginawa niya iyon para sa akin. "Oo, ang sabi niya masama raw ang pakiramdam niya kaya dadalawin ko siya mamaya. Wow, ang bango naman niyan? Tikman ko na ah?"

Hindi pa man siya nakakasagot ay mabilis kong nilantakan ang lasagna na gawa niya. Mabilis akong napangiti dahil ang sarap no'n!

"How was it? Is it good or bad?" Naghihintay niyang tanong habang titig na titig sa reaksyon ko.

Dahil puno pa ang bibig ay thumbs up lang ang isinagot ko sa kaniya dahilan para matawa siya nang bahagya. Matapos no'n ay sabay na naming pinagsaluhan ang binili naming lunch.

Kahit masaya kami, ramdam ko pa rin ang mga nanghuhusgang tinginan sa amin ng ilan, o mas magandang sabihing tinginan ng mga babaeng may gusto rin kay Raven. Hindi ko naman sila masisisi dahil nga famous si Raven sa university, idagdag mo pa ang idea na isa siyang varsity ng basketball.

"Ihahatid kita later. Mmm..uuwi ka ba muna sa inyo or didiretsyo ka na lang kila Anna?" Tanong niya habang naglalakad na kami papunta sa room ko.

Iniangkla ko naman ang kamay sa kaniyang braso habang bitbit niya ang binder at dalawang libro ko.

"Didiretsyo na lang ako kila Anna." Sagot ko na mabilis niyang tinanguan hanggang sa tuluyan kaming makarating sa tapat ng room ko. Saglit lang kaming nagpaalam sa isa't-isa bago ako tuluyang pumasok at naupo.

Wala pa namang prof kaya may oras pa akong magbasa ng topic para sa next subject pero kahit ganoon, walang pumapasok sa isip ko dahil lumilipad na naman ito.

Pupunta ako sa bahay nila Anna mamaya, nandoon kaya 'yung kuya niya?

Napabuntong hininga naman ako at wala sa sariling naisara ang librong binabasa ngunit saktong pagkasara ko ay siyang pag-upo ng grupo nila Chloe sa harapan ko.

Agad ko naman silang nginitian. Hindi ko close ang grupo nila Chloe pero okay na okay naman kami sa isa't-isa.

"Uy, ang chika..super nagkakamabutihan na kayo ni Raven ah?" Nanunukso niyang sabi sa akin dahilan para mawala sa isip ko ang kanina pa bumabagabag sa akin.

"Pero teh, ingat ka ah? Ang chika rin e..matinik sa chix iyan! Usap-usapan nga sa kabilang department ang tungkol sa inyo ni Raven, alam mo kasi nung senior high school kami, may naging ex si Raven, si Vivian pero nagbreak din sila kalaunan." Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ng kaibigan ni Chloe na si Mylen.

Nang mapansin iyon ay agad siyang sinaway ni Chloe dahilan para mapatutop siya sa sariling bibig sabay tayo paalis.

Hindi ko alam 'yon ah? Tsh, sa bagay..lahat naman nagkakaroon ng ex.

"Uy bakla huwag mong damdamin 'yon ah? Kaloka talaga 'tong si Mylen." Anas niya sabay iritadong sinulyapan ang kaibigan bago ulit ako tingnan. "Past is past naman na 'yon, masaya lang kami para sa inyo kasi bagay na bagay talaga kayo." Napalitan ng kilig ang iritado niyang boses nang sabihin iyon.

Hindi naman na nagtagal ang usapan namin nila Chloe dahil dumating na si Prof Jimenez at nagsimula nang magturo.

Ang kaninang nalaman ay mabilis nawala sa isip ko nang dumating ang uwian. Hindi ko alam kung bakit muli akong kinabahan habang iniisip na pupuntahan ko si Anna sa bahay nila.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon