Chapter 31

417 6 0
                                    

Sobrang sakit ng ulo ko habang dahan-dahan kong iminumulat ang dalawa kong mata ngunit muli akong napapikit dahil sa liwanag na tumatama sa aking mata. Halos hindi ako makagalaw nang maayos dahil pakiramdam ko parang winawarak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit.

“I'm sorry..Belle.. I'm sorry..” Tinig ng pamilyar na boses ang narinig ko dahilan para tuluyan akong mapamulat.

Kahit masakit pa rin ang ulo ay pinilit kong bumangon paupo sa kama. Hawak ko ang sariling ulo habang ginagala ang paningin sa kabuuan ng kuwartong ‘to ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang makitang hindi ‘to ang kuwarto ko!

Nang mahagip ng paningin ko ang taong nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pader ng kuwarto ay doon ako mas lalong kinabahan!

A-anong nangyari? Bakit wala akong maalala? Nasaan ako?

“Raven?” Gulat kong tanong sa kaniya. Paulit-ulit siyang napapailing habang sapo-sapo ang sariling ulo ngunit nang tingnan niya ako ay doon ko na-realize na wala siyang suot pang-itaas dahil kitang-kita ang kaniyang katawan!

Mabilis nanlaki ang mata ko bago mapaatras! “A-anong nangyari?! Bakit tayo nandito?! N-nasaan tayo?!” Nagsimula akong mag-panic!

Bago pa man ako makaalis sa kama ay mabilis akong pinigilan ni Raven! Ang dalawang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa aking braso kaya mabilis akong nagpumiglas!

“Ano ba bitawan mo ako! Nasasaktan ako Raven! A-ano bang ginawa mo sa akin?!” Nagsimulang manginig ang boses ko dahil sa takot!

Sa halip na bitawan ay mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa aking braso. “Hindi ba’t ito ang gusto mo, Belle? Don't you love me anymore? Nandito na ako..hinding-hindi na kita lolokohin! Alam kong pinagseselos mo lang ako at alam kong ginagamit mo lang ang Chase na ‘yon para maka-move on!” Mabilis niyang sabi habang diretsyong nakatingin sa aking mata!

Ano bang sinasabi niya?! Oh God! He's totally fucking insane!

“Ano ba! Raven please stop! I-I'm begging you–RAVEN!” Halos sumigaw ako nang sinubukan niya akong halikan! “RAVEN ANO BA! TULUNGAN NIYO AKO!” Sunod-sunod ang pagpupumiglas ko nang tuluyan akong ihiga ni Raven sa kama habang nakaibabaw siya sa akin!

Mabilis bumuhos ang luha sa aking mata at umaasang dumating si Chase para tulungan ako!

“I love you, Belle. I-i love you.” Nanginginig ang boses ni Raven habang hinahalikan ako sa aking leeg, ramdam ko ang nanginginig din niyang kamay habang nakahawak sa magkabila kong pulsuhan!

“RAVEN PLEASE STOP! I’M B-BEGGING YOU! P-PAKAWALAN M-MO AKO!” Umiiyak kong pagmamakaawa habang walang ibang magawa dahil masyado siyang malakas!

Sobrang lakas ng iyak ko habang walang laban na hinahayaan lang siyang halik-halikan ako! Sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ginagawa niya!

“RAVEN–”

“FUCK!” Malakas na sigaw niya bago tumigil at lumayo sa akin nang bahagya!

Halos mangatal akong napaupo sa kama habang umiiyak na binalot ng kumot ang buong katawan ko! Ramdam ko ang sobrang panginginig ng katawan ko dahil sa takot!

“HOW COULD YOU DO THIS TO ME RAVEN!” Halos ‘di ko maisaayos ang tinig ko habang umiiyak na nakatingin sa kaniya!

Nakaupo lamang siya sa kama habang sapo-sapo ang sariling mukha! Halos hindi ako makagalaw para umalis sa kama dahil sa sobrang panghihina! Ang hagulgol ko ay halos hindi na makilala dahil sa pinaghalong takot at galit laban kay Raven.

Echoes Of The Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon