Halos hindi ako makaramdam ng antok. Patuloy sa pag-init ang aking pisngi dahil sa nakakahiyang pangyayaring iyon. Matapos sabihin ni Chase iyon ay mabilis ko silang nilayasan dahil sa hiya!
Nakakahiya dahil narinig niya 'yon gayung kung ano-anong sinabi ko sa kaniya kaninang umaga. Mahal ko pa rin siya, natural iyon lalo pa at 6 months pa lang ang nagdaan matapos ng hiwalayan namin, Lalo na ngayon at nagsisimula ulit siyang magbigay ng motibo.
"Kainis.." Naiinis kong sabi bago umalis sa kama.
Napatingin ako sa orasan, mag-aalas dose na ng gabi kaya naman napabuntong hininga ako bago mag-cr. Paniguradong tulog na rin ang mga classmate ko ngayon. Pinili kong magpalit ng damit. Nagsuot ako ng kulay puting long sleeve at maiksing short, sa sobrang iksi no'n ay nagmukha akong walang suot pang-ibaba dahil natatabunan iyon ng suot kong polo. Sa loob naman no'n ay nagsuot ako ng two piece, balak kong maligo sa swimming pool na nasa rooftop ng hotel.
Kitang-kita ang pula kong two piece sa ilalim ng puti kong long sleeve. Itinali ko rin ang mahaba kong buhok bago kumuha ng tuwalya. Nang matapos ay tahimik akong lumabas ng kuwarto pero ganoon na lang ang pagkatigil ko nang maabutan si Chase na nasa sala habang may inaasikaso sa kaniyang laptop!
Babalik na ulit sana ko sa kuwarto ko pero mabilis kong naagaw ang kaniyang atensyon. Kitang-kita ko kung paano bumaba ang kaniyang paningin sa aking katawan dahilan para makita ko ang mabilis na pag-igting ng kaniyang panga.
"Where are you going? Swimming?" Tanong niya pa, kahit ibalik niya sa aking mga mata ang kaniyang paningin ay kusa 'yung bumabagsak sa aking katawan.
Napalunok naman ako bago sumagot. "O-oo..sa may rooftop."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago bumuntong hininga. Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita dahil agad ko siyang nilayasan. Ramdam ko ang pagyanig ng aking dibdib dahil sa ginawa niyang paninitig.
Mabilis mapawi ang nasa isip ko nang marating ang rooftop. Tamang-tama dahil walang tao rito kaya naman malaya kong maso-solo ang lugar na ito.
Inilapag ko lang sa pool chair ang dalang tuwalya bago hubarin ang short at long sleeve. Agad binalot ng lamig ang katawan ko dahil tanging two piece na lang ang suot ko. Mabilis kong sinawsaw ang katawan sa tubig dahilan para maikagat ko ang aking labi.
Nang masanay sa lamig ng tubig ay doon ko ipinikit ang aking mata.
"Hmm.." Tahimik kong daing habang dinadama ang katahimikan, tanging tunog lang ng tubig sa pool ang naririnig ko.
Tahimik kong inalis ang pagkakatali ng aking buhok bago tuluyang lumangoy sa tubig. Nagpabalik-balik ako sa magkabilaang side ng pool hanggang sa hayaang lumutang ang aking katawan sa kalagitnaan ng pool.
Ilang saglit akong tumulala sa kalangitan ngunit mabilis napalingon sa may bandang elevator nang bumukas ito. Agad akong napaayos nang tayo nang makita si Chase na siyang tutok sa akin ang paningin.
Saglit bumagsak ang paningin ko sa maganda niyang katawan nang hubarin niya ang suot na polo bago ito itapon sa kung saan.
"Can I join you?" Seryoso ang kaniyang boses.
Agad akong nag-iwas nang 'di malabanan ang paninitig niya bago tumango at talikuran ang gawi niya. Hindi ako nagsalita hanggang sa marinig ang matagumpay niyang paglusong sa pool.
Halos tumindig ang balahibo ko nang maramdaman ang kaniyang paglapit hanggang sa tuluyan ko na ngang maramdaman ang kaniyang dibdib na tumatama sa aking likuran.
"Bakit 'di mo ako magawang tingnan? Are you ashamed about earlier?" Humalakhak siya sa aking tenga, tila nang-aakit sa paraan niya.
Mariin akong napapikit nang maramdaman ang mabilis na pag-gapang ng kaniyang kamay sa aking bewang, nagpaulit-ulit ang nanunuya niyang paghaplos sa aking balat.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
RomanceLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...