"Why didn't you tell me about her, Raven? At talagang nakipag-usap ka pa sa kaniya ah?" Nagsimula kaming magtalo nang maihatid niya ako sa amin, nasa loob pa rin kami ng kaniyang kotse.
Inis akong humalukipkip at ibinaling ang paningin sa labas.
"What for? Past na 'yon, Belle! Hindi mo na kailangan malaman dahil wala naman na akong balak ungkatin pa 'yon!" Naiinis niya ring sagot, paniguradong napuno na rin dahil kanina ko pa siya sinisigawan.
Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako, siguro dahil na rin sa mga kuwentong naririnig o nakakarating sa akin patungkol sa ex ni Raven. Ang sabi ay patay na patay raw silang dalawa sa isa't-isa, ang hindi ko lang alam ay kung bakit sila naghiwalay.
"Talaga lang ah? Kaya pala gustong-gusto mo 'yung nakikita mo." Hindi ko mapigilang maglabas ng sama ng loob, nanatili pa rin ang paningin ko sa labas ng bintana.
Narinig ko naman ang pagsinghal niya. "Ano bang sinasabi mo, Belle? Ex ko na 'yon, matagal na kaming tapos! Nagulat nga lang ako dahil nagkita kami unexpectedly! Nalaman ko na lang na nakauwi na siya ng pilipinas at nag-aaral sa kabilang sch--"
"Wow! At talagang updated ka ah? Bakit? Inaabangan mo talaga, 'no?" Doon ko lang siya nilingon, kahit 'di niya sabihin ay halatang iritang-irita siya sa akin ngayon.
Inis niyang ginulo ang buhok habang iritadong nakatingin sa akin, hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa ginawa niya. "Alam mo, Belle? Nagseselos ka lang eh, sige na uuwi na ako. Bukas na lang--"
"Lang? Nila-lang mo 'yung nararamdaman kong selos, Raven?!" Tuluyan na akong napasigaw.
Ang inaasahan ko pa naman ay gagawa siya ng paraan para pawiin ang selos na nararamdaman ko ngayon. Imbes na marinig ang gusto kong sabihin niya ay heto at sinisigawan niya ako dahil lang sa ex niyang 'yon. Nakakaurat! Gusto ko tuloy balikan ang ex niyang 'yon sa inis!
"So anong gusto mong gawin ko?! Belle! Belle! Ex ko na 'yung tao kaya wala ka na dapat ikaselos! Nakakainis ka naman eh--"
Sarkastiko akong tumawa. "Ah? Nakakainis pala ako eh. Edi doon ka sa ex mo! Bwesit ka!" Isang beses ko pa siyang pinalo sa balikat niya bago ako padabog na umalis sa kotse niya.
Doon lang kumawala ang mga luha sa mata ko, lalo na nang marinig ang pagharurot ng kaniyang kotse matapos kong bumaba.
"Tss, hindi man lang ako sinuyo pa muna." Napailing na lang ako bago pawiin ang luha sa pisngi at padabog na pumasok sa loob ng bahay. Dali-dali akong pumasok sa loob ng kuwarto ko at doon nagkulong para umiyak.
Akala ko magkakaayos na kami ni Raven pero nagsunod-sunod ang mga araw na nagtatalo kami.
"'Yan ka na naman, Belle eh! Nagsisimula ka na naman ng pag-aawayan natin!" Inis niyang sigaw sa akin nang pagdabugan ko siya, kasalukuyan na kaming papunta sa parking lot ng mall.
Inis ko siyang nilingon. "Ihatid mo na nga lang ako! Ayoko nang makasama ka!" Isinigaw ko 'yon sa pagmumukha niya.
Uminit talaga nang todo ang ulo ko dahil nakasalubong lang naman namin ang ex niya rito sa mall. Simula no'n nawala na siya sa sarili at panay pa ang paglinga-linga sa paligid kahit palihim niyang ginagawa iyon, pero 'di niya alam na kanina ko pa siya pinapanood magdamag!
Hindi naman ako tanga para hindi isipin na nagkaganoon siya magmula nang makita namin ang ex niyang nag-hi pa talaga sa kaniya kahit alam niyang magkasama kami! Nakakairita! Nakakabwesit!
"Akala mo ba hindi ko napapansin na kanina mo pa siya hinahanap? Huwag kang tumanggi dahil may mata ako!" Muli ko siyang sinigawan mang magsimula na siyang magmaneho.
BINABASA MO ANG
Echoes Of The Broken Heart
RomansLilybelle Jean Lopez, a heartbroken young woman whose world shatters when she discovers that her boyfriend has been unfaithful to her. Devastated and seeking solace, she finds herself leaning on her best friend who named Anna. However, Allister Chas...