Chapter 3
"T-tay t-tama na po. Nasasaktan na po ako," pagmamakaawang pakiusap na sabi ni Elliot.
Masyado na nasasaktan si Elliot sa higpit ng pagkakahawak ng ama niya sa kanyang braso. Pilit niyang inaalis ang kamay ng ama niya sa braso niya dahil namamanhid na ito sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito. Sinisigurado niyang magmamarka ito sa sobrang higpit ng pagkakahawak ng kanyang ama.
Kitang-kita pa rin ni Elliot ang panlilisik ng mga mata ng kanyang amang nakatingin sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon ay nagulat siya ng bigla na naman siyang itinulak ng kanyang ama at muli na naman siyang napaupo sa sahig. Agad niyang naramdaman ang sakit ng kanyang puwetan dahil nauna itong tumama sa sahig.
"Alis! Tangin* ka! Umalis ka sa harapan ko!" galit na utos ni Mando.
Kumukulo na ang dugo ni Mando sa sobrang galit niya kay Elliot. Napapailing na lang siya napaupo sa plastic na upuan at tumingin siya ibabaw ng lamesa kung saan nandoon ang niluto ni Elliot na instant noodles at limang pirasong tuyo. Tuwing umaga ay ganito na lang ang nakikita niya sa ibabaw ng lamesa nila.
Nakita ni Mando na patakbong lumabas ng bahay si Elliot. Hindi ito ang unang beses na pinaalis niya ang anak ng kanyang asawang si Marian. Nagpipigil lang siya na wag niyang masaktan ng tuluyan si Elliot dahil baka hindi na naman niya makontrol ang kanyang sarili at baka mapatay na niya ito.
Minsan na napuno at nagdilim ang paningin ni Mando kay Elliot dahil napabayaan nito ang sinaing na kaning niluluto nito. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Umuwi siyang galing sa trabaho noon sa construction site na pinagtratrabahuhan niya malapit sa bahay nila. Sobrang gutom na gutom siya sa panahon na iyon at gusto na niyang kumain.
Napakunot noo na lang si Mando habang papalapit siya sa bahay nila ay meron siyang naamoy na sunog na sinaing. Akala niya sa kapitbahay nila iyon ngunit sa pagpasok niya sa bahay ay sumalubong ang amoy na sunog na sinaing. Patakbo siyang pumunta sa may kusina ng bahay nila at kitang-kita niya sa dalawang mata niya na umuusog na ang kalderong nasa ibabaw ng kalan.
Agad na lumapit si Mando sa may kalan at mabilis niyang pinatay ang kalan. Bumilis ang tibok ng puso niya at pinagpawisan siya ng malamig. Dahil akala niya ay masusunog na ang bahay nila. Hinanap niya si Elliot sa buong bahay ngunit hindi niya ito makita. Naisip niya na kung hindi siya nakauwi ng maaga ay paniguradong nasusunog na ang bahay nila.
Galit na galit na sinisigaw ni Mando ang pangalan ni Elliot sa labas ng bahay. Lalong uminit ang ulo niya ng may makapagsabi sa kanya na nakikipaglaro si Elliot sa may basketball court. Agad siyang pumunta sa basketball court na malapit sa bahay nila para makumpirma kung nandoon nga ang kanyang hinahanap?
Parang nandilim ang paningin ni Mando ng makita niya si Elliot na naglalaro ng basketball. Sa sobrang galit niya ay pumasok siya sa basketball court at nilapitan niya si Elliot at marahas niya itong kinaladkad pauwi ng bahay. Wala siyang pakialam kung pinagtitiginan siya ng mga tao sa kanila. Sa pagpasok nila sa bahay ay tinanong niya si Elliot kung bakit nito nakalimutan ang sinasaing nitong kanin? At bakit ito nakipaglaro?
Mahigpit na bilin ni Mando kay Elliot na wag na wag itong makipaglaro dahil inuutusan niya itong maglinis ng bahay. Sinabihan niya ito na muntikan na masunog ang bahay nila.
Dahil sa sobrang galit ni Mando ay kinuha niya ang kanyang sinturon na nakasuot sa kanyang pantalon. At galit na galit niyang pinaghahampas ng sinturon si Elliot. Natauhan na lang siya sa kanyang ginawa ng makita niyang nawalan ng malay ang anak ng kanyang asawa na si Marian.
Akala ni Mando ay napatay niya ito dahil nakita niyang bumagsak sa sahig ang walang malay na si Elliot. Nanlamig ang buong katawan niya at bumilis ang tibok ng puso niya dahil hindi niya nakikitang gumagaw si Elliot. Nanginginig ang kanyang kamay at dahan-dahan niyang inilapit ito sa walang malay na si Elliot.
Parang nakahinga ng maluwag si Mando ng makita niyang humihinga pa si Elliot. Binuhat niya ito at ipinasok niya ito sa kuwarto nito at siya na rin ang gumamot sa mga sugat na kagagawan niya.
Sobra nakonsensya si Mando noon sa kanyang ginagawa kaya simula noon ay hangga't kaya niya ay nagpipigil siya ng kanyang galit.
Bigla na lang kumalam ang sikmura ni Mando at nakaramdam siya ng gutom. Pagtitiisan na lang niya ang niluto ni Elliot sa kanya. Kailangan niyang magmadaling kumain dahil kailangan pa niyang pumasok ngayon sa kanyang trabaho.
Samantala sa may ilalim ng puno ng mangga ay iyak ng iyak si Elliot. Sobra siyang nasaktan sa ginagawa ng kanyang ama sa pagsabunot at marahas na paghawak nito braso niya.
Napatingin si Elliot sa kanang braso niya kung saan may pulang marka. Nakita niyang nagsisimula na rin itong magkulay lila dahil madali lang siyang magkaroon ng pasa sa kanyan katawan.
Napaiglad na lang si Elliot ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan. At sa pagtingin niya sa kanyang harapan ay nakita niya si Tito Jun isa sa mga kaibigan ng kanyang ama.
"Elliot, bakit ka umiiyak? Sinaktan ka na naman ba ng tatay mo?" kunot noo tanong ni Jun.
Papunta sana si Jun sa tindahan ni Aling Esmee para bumili ng shampoo dahil naubusan sila sa bahay. Nang makita niya si Elliot na umiiyak sa ilalim ng puno ng mangga. Agad niyang naisip na baka sinaktan na naman si Elliot ng kanyang kaibigan na si Mando.
"S-si tatay po kasi p-pinagalitan na naman po niya ako," humihikbing sabi ni Elliot.
Sumisinok-sinok si Elliot dahil naiiyak na naman siya. Sobra talaga siyang nasaktan sa ginawa ng kanyang ama. Alam niyang wala siyang ginagawang masama. Lagi na siyang nag-iingat sa bawat kilos niya dahil takot na takot na siyang pagalitan at saktan ng ama niya.
"Gag* talaga 'yang tatay mo. Hayaan mo na lang siya siguradong dala lang iyon ng hangover nito? Gusto mo bang sumama sa akin? Bibilhan kita ng lollipop. 'Di ba paborito mo iyon?" ngiting sabi ni Jun.
Napapakagat labi na lang si Jun habang pinagmamasdan niya si Elliot na umiiyak. Kitang-kita niya sa dalawang mata niya kung paano mamula ang maamong mukha nito dahil sa pag-iyak.
Napailing na lang si Jun ng mapansin niyang may pasa ang kanang braso ng guwapong batang si Elliot. Sigurado siyang si Mando ang may kagagawan nito.
Natuwa si Jun ng makitang napatango at ngumiti si Elliot sa kanyang sinabi. Nagulat na lang siya ng bigla siyang yakapin nito at humagugol ito sa iyak. Napahaplos na lang siya sa makapal, itim na itim at bagsak na buhok ni Elliot.
"Tama na pag-iyak mo Elliot. Baka sabihin nila ako ang nanakit sa'yo," birong sabi ni Jun.
"S-salamat Tito Jun," ngiting sabi ni Elliot.