Chapter 24
"Elliot, alam mo ba na bisexual si Mr. Orion Ricaforte?" seryosong tanong ni Rica.
Napaaray na lang si Rica dahil kinurot siya ni Miss Glenda sa kanyang tagiliran. Napakunot noo na lang siyang tumingin sa kanyang hr manager at nagtanong siya kung bakit siya nito kinurot.
Lalong napakunot noo si Rica dahil pinagbawalan siya ni Miss Glenda sa sinabi niya kay Elliot. Tugon naman niya ay halos ng mga nagtratrabaho sa kumpanya ay alam na bisexual ang kanilang boss.
"Wala naman po sinabi sa akin si Mr. Ricaforte. Tsaka wala naman po masama kung bisexul o kasama sa lgbtq+ ang isang tao. Ang mahalaga ay walang inaapakan ang taong iyon at syempre may respeto ito sa sarili at sa kapwa," ngiting sabi ni Elliot.
Wala naman kay Elliot kung bisexual ang kanilang boss. Masasabi niyang mabait na tao si Mr. Ricaforte nag-iiba nga lang ito ugali kapag lib*g na lib*g ito.
Hanggang ngayon ay sobrang sakit ng buong katawan ni Elliot lalo na sa kanyang puwetan. Sagaran siyang kinant*t ni Mr. Ricaforte kagabi at nakadalawang rounds pa sila bago sila matulog.
Hindi lang pinahalata ni Elliot kay Miss Glenda at Miss Rica na sobrang antok na antok siya ngayon. Ilang oras lang ang kanyang tulog at hindi na rin siya nakauwi sa bahay niya dahil na rin pinagdala pala siya ni Mr. Ricaforte ng polo at black slacks.
Bago rin ang sapatos na suot ni Elliot. Nagpapasalamat talaga siya na kasyang-kasya niya ang suot niya ngayon na black polo at blacl slacks pati na rin ang suot niyang sapatos.
Ihahatid sana si Elliot ni Mr. Ricaforte ngunit agad siyang tumanggi. Ayaw niyang makagawa ng atensyon sa mga empleyado sa kumpanya dahil ayaw niyang pag-usapan siya ng mga ito.
Pero sa huli ay napapayag din si Elliot sa kagustuhan ni Mr. Ricaforte na ihatid siya sa kumpanya. Pero nakiusap siya na ibaba na lang siya sa tapat ng Rald's Box Café and Restaurant malapit sa building ng Ricaforte Company.
Naglakad na lang si Elliot papunta sa building ng kumpanyang pinagtratrabahuhan niya. Sa pagdating niya ay ngayon lang niya napansin na lowbat ang cellphone niya.
Wala magagawa si Elliot kundi hintayin na lang niya umuwi siya sa bahay at doon niya i-charge ang kanyang cellphone.
"Tama ka dyan Elliot. Mabait na tao si Mr. Ricaforte, tsaka aminin naman natin na kahit may edad na siya ay sobrang guwapo at hot pa rin nito. Good example siya ng isang masarap na daddy!" kilig na sabi ni Rica.
Balewala kay Rica kung bisexual si Mr. Orion Ricaforte dahil hayagan naman niyang sinasabi sa kanyang mga kaibigan sa kumpanya na crush niya si Mr. Ricaforte.
Natawa na lang si Rica tuwing sinasabi niya na crush niya ang boss niya ay sobrang selos na selos ang manliligaw niyang si Rafael.
"Mabait nga po si Mr. Ricaforte," ngiting sabi ni Elliot.
Pagkatapos makipagkuwentuhan sa kanya nila Miss Glenda at Miss Rica ay back to work na silang tatlo. Hanggang matapos ang araw ng trabaho nilang tatlo.
Tumanggi na si Elliot na sumama kina Miss Glenda at Miss Rica kasama sila Sir Benjamin at Sir Rafael sa papunta sa Rald's Box Café and Restaurant para roon maghapunan.
Sobrang pagod na pagod na si Elliot. Gusto na niyang matulog at nagpapasalamat siya dahil day off niya bukas. Makakapagpahinga siya ng mabuti.
Habang nag-aabang si Elliot ng jeep papunta sa Urani Compound ay hindi niya maiwasan na maalala ang nangyari kagabi. Hindi lang ang pakikipagtalik niya kay Mr. Orion Ricaforte kundi sa nakilala niyang guwapo at matipunong lalaking si Clinton.