Chapter 22
"Let's party! Jusko ang tagal ko na hindi nakakapag-bar. Excited na ulit ako makapasok sa Altas Bar!" masayang sabi ni Rica.
Nagpapasalamat talaga si Rica na birthday ngayon ni Sir Arthur makakapag-party na naman siya. Hindi na niya magawang makapag-bar dahil na rin sobrang busy sa trabaho. Tambak kung tambak ang mga trabahong kailangan tapusin.
Napatingin si Rica sa guwapong binatang katabi niya ngayon na si Elliot. Napapagitnaan nila ito ni Miss Glenda sa back seat ng kotse ni Benjamin. On the way na sila sa bayan ng Prado kung saan nandoon ang Altas Bar.
"Salamat talaga Elliot, na dumating ka sa hr department. Kung hindi dahil sa'yo ay hindi gagaan ang trabaho namin ni Miss Glenda," ngiting sabi ni Rica.
Inilingkis ni Rica ang kanyang kamay sa braso ni Elliot at isinandal pa niya ang kanyang ulo sa balikat nito. Natawa na lang siya ng bigla siyang tawagin ni Rafael na nanliligaw sa kanya.
Dagdag pa ni Rica na si Elliot talaga ang bagay na bagay sa hr department kaysa sa mga ibang nakapasa sa final interview. Hindi naman nagkamali si Miss Glenda na ibagsak si Elliot sa hr department.
"Salamat din po sa inyo dahil marami akong natutunan sa inyo. Tsaka po kahit na bago po ako ay isinama ninyo po ako sa isang party ng isang head department ng kumpanya," ngiting sabi ni Elliot.
Medyo nakakaramdam pa rin ng hiya si Elliot dahil hindi naman siya sanay sa mga ganitong klaseng lakad. At sa pagkakataon na ito ay unang beses siyang makakapunta sa bayan ng Prado.
Hindi nga alam ni Elliot kung anong klaseng lugar ang Altas Bar? Nagpasalamat din siya kay Sir Benjamin sa pagpapahiram nito ng damit nito.
"Welcome Elliot, bagay na bagay talaga ang pinahiram kong damit sa'yo. Actually 'di ko pa nasusuot iyan. Sa'yo na iyan Elliot, isipin mo na lang na advance gift ko iyan sa pasko," ngising sabi ni Benjamin.
"Balita ko darating si Mr. Ricaforte, mamaya," sabi ni Rafael.
Nabalitaan ni Rafael kanina sa mga katrabaho niya sa finance na darating sa party ni Sir Arthur si Mr. Orion Ricaforte na may ari ng kumpanyang pinagtratrabahuhan nila.
Sumang-ayon si Rafael sa sinabi ng kanyang nililigawan na si Rica na hindi na ito nagtataka kung pupunta si Mr. Ricaforte sa birthday party ni Sir Arthur. Dahil na rin isa ito sa mga head na malapit sa pamilyang Ricaforte.
"Malay natin si Mr. Ricaforte, ang nag-sponsor sa party ni Sur Arthur," ngising sabi ni Miss Glenda.
Napasana-all na lang si Miss Glenda at pati na rin sila Miss Rica, Benjamin at Rafael. Silang apat ang magkakaibigan sa kumpanya dahil na rin sabay-sabay silang nakapasok sa kumpanya.
"Miss Glenda, si Mr. Orion Ricaforte, ang may-ari ng kumpanya?" usisang tanong ni Elliot.
"Oo 'di ba sinabi ko naman sa'yo na kilalanin mo lahat ang mga empleyado sa kumpanya. Mula sa taas hanggang sa pinakababa tulad ng utility. If ever na pupunta nga si Mr. Ricaforte ay ipapakilala kita," ngiting sabi ni Miss Glenda.
"H-hindi na po siguro kailangan. Hindi naman po ako importanteng tao," pilit na ngiting sabi ni Elliot.
Naisip ni Elliot na hindi naman talaga kailangan na ipakilala pa siya ni Miss Glenda sa may ari ng kumpanyang pinagtratrabahuhan niya. 'Di naman mataas ang posisyon niya para makilala pa siya nito. Gusto lang niyang e-enjoy ang gabi na ito.
"Trust me! Kapag sinabi ko sa'yo na ipakakilala kita ay pakikilala talaga kita. Mabait si Mr. Orion Ricaforte, alam mo bang lahat ng mga empleyado niya sa kumpanya ay kilala niya ultimong mga utility," pagmamalaking sabi ni Glenda.