16

448 29 5
                                    

Chapter 16

"Kamusta ang interview mo Elliot?" ngiting tanong ni Havier. 

Ilang oras din naghintay si Havier sa lobby ng Ricaforte Group of Company. Hinintay niyang matapos ang interview ni Elliot dahil nangako siyang hihintayin niya ito matapos ang interview nito. 

Napangiti si Havier ng makitang nakangiting naglalakas papalapit sa kanya si Elliot. Naisip niyang parang lumiwanag ang buong paligid habang papalapit ito sa kanya. 

Agad na tumayo si Havier para salubungin si Elliot. Nagulat na lang siya ng bigla siyang yakapin ito ng mahigpit na mahigpit. Napayakap na rin siya sa guwapong lalaking si Elliot. 

"Natanggap ako!" masayang sabi ni Elliot. 

Sa wakas ay natanggap na si Elliot sa isang sikat na kumpanya sa bayan ng Santiago. Ang matagal niyang hinihintay niyang makapagtrabaho sa isang kumpanya sa bayan ng Santiago ay natupad na. 

Hindi na napigilan ni Elliot ang kanyang nararamdaman ng bigla niyang niyakap ng mahigpit si Havier. 

Nakangiting kumalas sa pagkakakayakap si Elliot sa makisig na binatang si Havier. Hinawakan agad niya ang kamay nito at inulit niyang sinabi na natanggap siya sa trabaho. 

Inaya na muna ni Elliot na lumabas sila ni Havier para makakain na sila dahil gutom na gutom na siya. At alam din niyang gutom na rin si Havier dahil sobrang tagal ng interview. 

Ikinuwento ni Elliot ang mga nangyari sa loob ng HR department ng kumpanya. Sa pagpasok niya kanina sa isang function room ay sobra siyang nagulat dahil hindi niya inaasahan na marami pala silang aplikante.

Isa-isa silang sinalang sa initial job interview. On the stop din nila malalaman kung makakapasa sila o hindi. Hanggang si Elliot na ang sumalang. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para masagot ng maganda ang mga katanungan sa kanya ng hr assistant. 

Sobrang saya ni Elliot ng sabihin sa kanya ng hr assistant na nakapasa siya sa initial job interview. Pinapunta siya sa isang function room kung saan nandoon ang mga iba pang nakapasa sa initial interview. Kalahati lang ang nakapasa sa kanila hanggang magkaroon ng final interview. 

Huling sumalang si Elliot. Akala niya ay ang hr assistant pa rin ang mag-iinterview sa kanila. Iyon pala ay ang head hr ang mag-iinterview sa kanila. Akala niya ay mahihirapan siya sa mga katanungan nito pero naging kalmado lang siya sa pagsagot. 

Habang naghihintay si Elliot ng resulta sa final interview ay meron siyang nakausap ng mga ibang aplikanteng nakapasa sa initial interview. May mga mababait at meron din mga akala mo kung sino ang mga ito? Pinagmamayabang ng mga ito na marami na raw napasukan na kumpanya. 

Hanggang pumasok na ang hr manager at isa-isang sinabi nito ang mga nakapasa. At isa nga si Elliot sa mga nakapasa kasama pa ang apat na aplikanteng nakapasa bale lima silang nakapasa sa final interview. 

"Masaya ako para sa'yo. 'Di tagal mo na inaasam na makapagtrabaho sa ganung klase kumpanya," ngiting sabi ni Havier. 

Kung kanina ay inip na inip at gutom na gutom na si Havier sa kakahintay niya kay Elliot. Pero napawi ang lahat ng kanyang nararamdaman ng bigla siyang yakapin ito ng mahigpit. 

Lihim na lang natawa si Havier sa kanyang naisip na parang boyfriend siya ni Elliot. Napailing na lang siya sa kanyang naisip dahil impossibleng mangyari iyon. Pero umaasa pa rin siya na balang araw ay magkakatuluyan sila ni Elliot. 

Napapamura na lang si Havier sa kanyang sarili dahil kung ano-ano ang kanyang naiisip. Inaya niya si Elliot na kumain sila sa isang fast foos chain. Sinabihan niya ito na sagot na niya ang pagkain nilang dalawa. 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon