21

392 27 0
                                    

Chapter 21

"Elliot, pasuyo naman puwedeng pakibili ulit ako ng kape sa Rald's Box Café and Restaurant," ngiting sabi ni Miss Glenda. 

Kinuha ni Miss Glenda ang kanyang wallet sa kanyang bag at kumuha siya ng isang libong piso para ibigay kay Elliot. 

Nagpapasalamat talaga si Glenda na tinanggap niya si Elliot sa kumpanya. Sa final interview nito na siya ang nag-interview kay Elliot ay sobra siyang napatulala dahil sa maamong mukha nito. 

Agad na naisip ni Glenda na parang anghel na nahulog sa lupa si Elliot dahil na rin sa maamong mukha nito. Umaapaw ang karisma nito at masasabi niyang matalino ito.

Nabasa rin ni Glenda ang resume ng guwapong binatang si Elliot at sobrang dami na pala nitong work exprience. At sinabi nga nito sa kanya na pangarap nitong makapagtrabaho sa isang kumpanya na tulad ng Ricaforte Group of Company. 

"Sige po Miss Glenda," ngiting sabi ni Elliot. 

Wala naman problema kay Elliot kung utusan siya ng kanilang Hr Manager na si Miss Glenda dahil siya na rin sa kanyang posisyon na assistant hr. 

Isa si Elliot sa assistant hr kasama niya sa trabaho si Miss Rica na sobrang bait sa kanya. Natatawa na lang siya tuwing inaasar siya nito na sana ay agad daw siyang dumating sa kumpanya para hindi siya nahirapan ng ilang taon bilang assistant hr. 

Maganda ang trabaho ni Elliot bilang assistant hr. Marami siyang matututunan sa mga pasikot-sikot na trabaho ng hr sa isang malaking kumpanya tulad ng pinapasukan niya ngayon. 

Sa paglabas ni Elliot sa office ay nakasalubong niya si Miss Rica. Tinanong siya kung saan siya pupunta at sinabi naman niya agad na pupunta siya sa Rald's Box Café and Restaurant. 

"Hay naku! Si Miss Glenda, talaga ginagawa kang literal na assistant. Sige na maingat ka baka ma-kidnap ka ng ibang kumpanya hahaha!" birong sabi ni Miss Rica.

"Ayan na naman si Miss Rica. Bakit niyo ba nasasabi iyan sa akin? Sa ilang araw kong nagtratrabaho rito ay lagi nitong sinasabi sa akin ni Miss Glenda, na baka ma-kidnap ako ng ibang kumpanya?" kunot noo tanong ni Elliot. 

Hindi talaga maintindihan ni Elliot ang sinasabi sa kanya nila Miss Rica at Miss Glenda. Napapakamot na lang siya ng ulo tuwing sinasabi ng mga ito na mag-ingat siya sa pag-uwi baka raw ma-kidnap siya ng ibang kumpanya. 

"Hay naku! Ibig sabihin namin ni Miss Glenda, sa guwapo at talino mo ay baka may mag-offer ngas malaking sahod sa'yo ang ibang kumpanya para lumipat sa kanila," ngising sabi ni Miss Rica.

Dagdag pa ni Rica na maraming beses na nangyari sa ibang department ang mga ganung eksena. Kapag nalalaman ng ibang kumpanya na magaling ang isang empleyado ng isang kumpanya ay pinipirata naman ng ibang kumpanya. 

"Miss Rica, wala naman po sigirong ganun. Sige po una na ako baka hanapin ako ni Miss Glenda," ngiting sabi ni Elliot. 

Napapakunot noo na lang si Elliot sa sinabi sa kanya ni Miss Rica. Impossible naman kasi na mangyari iyon sa kanya?  

Sa paglalakad ni Elliot palabas ng building ng Ricaforte Company ay maraming bumabati sa kanya. Marami rin tumatawag sa kanyang pangalan. Sobrang nagtataka nga siya dahil bago pa lang siya sa kumpanya ay marami na nakakakilala sa kanya. 

Hanggang makalabas na si Elliot sa building. Hindi na niya kailangan pang sumakay ng taxi o jeepney dahil walking distant lang naman ang Rald's Box Café and Restaurant.

Habang naglalakad si Elliot ay naramdaman niyang nag vibrate ang kanyang cellphone. Sa pagtingin niya sa kanyang cellphone ay napangiti siya ng makita may text siyang natanggap mula kay Havier. 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon