5

543 28 0
                                    



Chapter 5

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Elliot. Kakatapos lang ng kanyang job interview sa isang resto bar. Natanggap siya ngunit sobrang baba ng sahod kaya hindi niya tinanggap ang trabaho. 

Hindi naman maarte sa trabaho si Elliot kundi tinitignan niya kung tama lang ba ang sahod sa trabaho niya. Tulad na lang sa pagtanggi niya sa trabahong nakuha niya sa resto bar. 

Dahil na rin resto bar ito ay night shift lagi ang pasok ni Elliot doon. Madaling araw na ang out niya sa trabaho. Tatanggapin na sana niya ang trabaho ngunit sinabi ng may-ari na nag-interview sa kanya na hindi lang waiter ang trabaho niya kundi all around siya. 

Agad na tinanggihan ni Elliot ang trabaho dahil na rin physically demanding ang trabaho at lugi siya sa sahod na ibibigay sa kanya kung all around siya. 

Ngayon ay naglalakad si Elliot sa kahabaan ng syudad sa bayan ng Santiago. Nandito lahat ang mga malalaking kumpanyan sa bayan ng Santiago. Nakapagpasa na siya ng resume sa dalawang kumpanyang pinasahan niya kahapon ng resume. 

Kahit na magastos ang magpapa-print ng resume ay nagpapa-print pa rin siya para pasahan ang mga kumpanyang gusto niyang pasukan. Hindi siya susuko hangga't hindi siya tinatawagan para sa job interview hanggang makapagtrabaho siya sa isa sa mga kumpamyang pinasahan niya ng resume. 

Sa paglalakad ni Elliot ay nakaramdam siya bg gutom. Napahawak na lang siya sa kanyang tiyab dahil lumipas na ang tanghalian at mag-aalas tres nang hapon na. 

Kinapa ni Elliot ang bulsa ng kanyang pantalon at sa pagkuha niya ng pera ay napangiwi na lang siya dahil isang daan na lang ang kanyang pera niya. 

Simot na simot si Elliot ngayon bigla niyang naisip na sana ay tinanggap na lang niya ang trabaho sa resto bar na pinuntahan niya kanina. 

Sa pagkakaalala ni Elliot ay meron siyang itinabing isang libong piso sa bahay niya. Nagdala lang kasi siya ng sapat na pera para sa pagkain at pamasahe niya pabalik sa Urani Compound. 

Nagulat na lang si Elliot ng biglang may bumangga sa kanya na dahilan para mapaupo siya sa sahig kasama ang nakabangga sa kanya. Agad niyang naramdaman ang sakit ng kanyang puwetan dahil na rin sa lakas ng pagkakabangga sa kanya. Napatingin siya sa taong bumangga sa kanya at nakita niya ang galit sa mga mata nito. 

"Tangin* na ka! Paharang-harang ka!" 

"Huh? Ako pa talaga ang paharang-harang?" kunot noo tanong ni Elliot. 

Naagaw ang pansin ni Elliot sa hawak ng lalaking nakabangga sa kanya. Unang tingin pa lang niya sa hawak na bag ng lalaki ay mamahalin na at hindi ito panglalaking bag kundi isang hand bag ng pambabae. 

Napakunot noo na lang si Elliot ng marinig niya ang sigaw ng isang babaeng nakasuot ng isang pulang dress na patakbong lumalapit sa kinaroroonan nila ng lalaking nakabangga niya. 

"Magnanakaw! Magnanakaw!" 

Rinig na rinig ni Elliot ang sinasabi ng babaeng patakbong lumalapit sa kinaroroonan nila. Kita niya na nakaturo pa ang babae sa kinaroroonan niya kaya naman mabilis ang pagbaling niya sa lalaking nakabangga sa kanya. 

Kitang-kita ni Elliot ang pinaghalong takot at galit sa mukha nito. Mabilis ang kilos niya at kinuha niya ang bag ng hawak ng lalaki. Agad siyang tumayo kahit na sobrang sakit ng kanyang puwetan. 

"Put*ngina mo akin na iyan!" 

"M-magnanakaw ka!" sigaw na sabi Elliot. 

Nakakuha ng atensyon si Elliot sa mga taong dumaraan sa paligid niya. Kaya naman agad siyang humingi ng saklolo sa mga taong nakakakita sa kanilang nag-aagawan sa isang mamahaling bag. 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon