Chapter 37
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Elliot, mukhang ginabi ka yata ng uwi ngayon? Tsaka tignan mo iyang uniform mo ang dumi-dumi," seryosong sabi ni Chan.
Kanina pa hinihintay ni Chan si Elliot na umuwi. Nakapagsaing at nakapagluto na siya ng ulam at ngayon pa lang umuwi ang kanyang hinihintay na si Elliot.
"P-pasensya na po kayo Tito Chan, marami lang ginawa sa school. Naglinis din po kami ng library kaya marumi ngayon ang suot kong polo," pilit ba ngiting sabi ni Elliot.
Kakauwi lang ni Elliot galing sa paaralan na pinapasukan niya ngayon. Kailangan niyang tumulong sa paglilinis ng library dahil doon nag-apply siya bilang taga ayos ng mga libro sa library ng paaralan nila.
Naisipan ni Elliot na mag-apply bilang isang part time librarian sa paaralan nila para meron siyang kinikitamg pera. Sa edad niyang 16 years old ay kailangan na niyang dumiskarte para sa kanyang sarili.
Alam naman ni Elliot na ba lang araw ay papalayasin na siya ng kanyang Tito Chan. Ilang taon din siyang natiis sa pagmamalupit nito at ng asawa nitong si Aliza.
Apat na taon na ang nakalipas noong nagpakasal ang kanyang Tito Chan sa kasintahan nitong si Aliza. Akala nga niya ay papalayasin na siya ng mga ito pero kinausap siya ng Tito Chan niya.
Kapalit ng pagtira ni Elliot sa bahay at pagpapaaral ng kanyang Tito Chan sa kanya ay pagsisilbihan niya ang mag-asawa. Walang pagdadalawang isip na pumayag siya sa kondisyon ng Tito Chan niya.
Wala naman pagpipilian si Elliot kundi pumayag na lang siya kaysa sa bumalik siya sa kanyang Tatay Mando na sinasaktan, hindi siya pinapakain nito at higit sa lahat ay hindi siya pag-aaralin nito.
Sa araw ng kasal nila Tito Chan at Aliza ay dumating ang pamilya at kaibigan ng mga ito. Dumating din sila Tito Alex ay Tito Jun pati ang kanyang Tatay Mando ay dumalo rin sa kasal.
Simpleng salo-salo ang nangyari dahil hindi naman kasal sa simbahan kundi sa kasal sa municipyo lang.
Sobrang natakot si Elliot noong araw na iyon dahil nilapitan siya ng kanyang Tatay Mando at kinamusta siya nito. Isang simpleng sagot lang ang ibinibigay niya rito sa mga tanong nito.
Pagkatapos ng kasal ay si Elliot lahat ang naglinis ng mga kalat at kagamitan na pinaggamitan sa kasal. Sobrang pagod na pagod siya at nakatulog na lang siya na nakaupo.
Hindi na siya nakapasok sa paaralan kinabukasan dahil hindi niya kaya dahil na rin sa sobrang pagod.
Imbes na makapagpahinga si Elliot sa araw na iyon ay pinaglinis pa siya ng bahay at pinaglaba pa siya ng kanyang Tito Chan. Naisip nga niya na sana ay pumasok na siya para kahit papaano ay nakatakas siya sa utos ng mag-asawa.
"Sige po Tito Chan, magpapalit lang ako ng damit at magluluto na po ako," sabi ni Elliot.
Tuluyan na pumasok sa bahay si Elliot at pumunta siya sa may kusina kung saan meron isang maliit na cabinet. Nandoon sa loob ng cabinet na iyon ang kanyang mga kagamitan.
Ang maliit na cabinet ay nakita lang ni Elliot sa may basurahan. Nakita niyang maayos naman kaso nga lang sira na ang lock nito. Hindi na siya nag-alinganan na iuwi iyon para may lalagyanan na siya ng mga gamit niya.
Hindi na kasi nakakapasok si Elliot sa kuwarto nila ng kanyang Tito Chan dahil na rin pinagbawalan na siya ni Aliza at ng Tito Chan niya na pumasok doon.
Nasa labas na rin ang mga damit ni Elliot at nagpapasalamat siya dahil meron siyang nakitang cabinet. Habang nagbibihis siya ay nagulat na lang siya ng bigla siyang yakapin ni Tito Chan.