Chapter 42
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Mga bobo talaga kayo! Puro kayo paguwapo at palaki ng katawan at mga b*rat! Iyon ba ang tinatawag ninyong performance?" ngising sabi ni Alonzo.
Kakatapos lang ni Alonzo na panuorin ang opening performance ng mga performer ng Helix Bar. Imbes na matuwa siya ay nainis lang siya sa kanyang napanuod.
Masasabi ni Alonzo na masyadong amateur ang pinakitang performance ng mga ito. Higit sa lahat ay masyadong cheap ang ipinakitang performance ng mga ito. Para siyang nakarating sa mumurahing gay bar.
Hindi na nagtaka si Alonzo ng mapansin niyang konti lang ang mga pumunta ngayong gabi. At napansin niyang wala na masyadong mga VIP guest ang nagpunta ngayong gabi.
"Mawalang galang lang po pinaghirapan po namin ang ipinakita po namin performance kanina. At kung hindi po nakakabastos sa inyo ay maghahanda na po kami sa susunod na performance namin," ngiting sabi ni Propel.
Hindi nagustuhan ni Propel ang mga lumabas sa bibig ng anak ng boss nila. Nagtitimpi lang siya kanina pa dahil sa pamamaliit nito sa kanila.
"Ang lakas pa talaga ng loob ninyo na lumabas at magkalat pa kayo sa labas? Sa tingin ninyo ba hindi basura ang performance ninyo?" kunot noo tanong ni Alonzo.
Napapailing na lang si Alonzo sa mga narinig niyang sinabi ni Propel na isa sa mga performer ng Helix Bar. Lalo siyang napakunot noo ng marinig niya ang sinabi ni Anthony.
"Alonzo, siguro ay lumabas na tayo dahil maghahanda pa sila sa susunod na performance nila," sabi ni Anthony.
Hindi inaasahan ni Anthony na sasabihin ni Alonzo ang mga iyon. Alam niyang galit na galit na sila Propel pero sumesensya siya na wag na patulan si Alonzo. Dahil kapag pinatulan ng mga ito ang lalaking nasa harapan ng mga ito ay siguradong tanggal sa trabaho ang mga ito.
"Akala ko bingi ka lang Anthony? Bobo ka rin pala," ngising sabi ni Alonzo.
Napapailing na lang talaga si Alonzo sa mga naririnig at nakita niyang performance ng mga performers ng Helix Bar. Papalabas na siya ng locker room ng bigla siyang hawakan ni Anthony sa kanyang braso.
Napatingin na lang si Alonzo sa kamay ni Anthony na nakahawak sa kanyang braso. Hindi lang basta hawak iyon kundi dakma dahil na rin mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso.
"Sino nagsabi na hawakan mo ang braso ko?" seryosong tanong ni Alonzo.
Dahan-dahan na tumingin si Alonzo sa matangkad na lalaking nakahawak sa kanyang braso. Kitang-kita niya na galit na galit ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Hindi siya nagpatalo sa pakikititigan niya kay Anthony.
"H-hindi ako bobo," madiin na sabi ni Anthony.
Gustong-gusto na ni Anthony na bigyan ng isang malakas na sapak sa mukha ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Parang nagpintig ang kanyang tenga sa kanyang narinig na sinabi ni Alonzo tungkol sa kanya.
"P-pare wag mo na patulan," pag-aalalang sabi ni Genesis.
Natakot at nag-alala si Genesis ng makita niyang hinawakan ng kanyang kaibigan na si Anthony ang braso ng anak ng kanilang boss. Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa loob ng locker area. Parang pigil hininga silang lahat kung ano ang susunod na mangyayari.
Nasaktan si Genesis sa mga sinabi ni Alonzo sa kanila. Aaminin niya na hindi masyado maganda ang sayaw nila kanina dahil na rin walang nagtuturo sa kanila. Umalis na kasi ang dating nagtuturo ng sayaw sa Helix Bar.