Elliot

350 13 0
                                    



Chapter 31

"Elliot, tumawag si Mr. Ricaforte, pumunta ka sa opisina nito sa top floor," ngiting sabi ni Miss Glenda. 

Kakatanggap lang ng tawag ni Miss Glenda galing mismo kay Mr. Orion Ricaforte. Nagulat at kinabahan siya dahil sa tagal niyang nagtratrabaho rito sa kumpanya ay ngayon lang siya nakatanggap ng tawag mula kay Mr. Ricaforte. 

Kung makakatanggap man ng tawag si Miss Glenda ay ang secretary ni Mr. Orion Ricaforte ang tatawag sa kanya. Pero sa pagkakataon na ito ang mismong boss nila ang tumawag sa kanya at pinapapunta nito si Elliot sa opisina nito. 

"Oh? Bakit po raw? M-may ginawa po ba ako kasalanan?" gulat na sabi ni Elliot. 

Hindi naman maiwasan ni Elliot na magulat at mag-alala dahil sa sinabi sa kanya ni Miss Glenda. Iniisip niya ngayon kung meron ba siyang nagawang kapalpakan sa trabaho? 

"Jusko Elliot! Wala kang ginawang kasalanan. Sige na punta ka na roon sigurado kami ni Miss Glenda na hinihintay ka ni Mr. Ricaforte," masayang sabi ni Rica. 

Medyo nagulat si Rica sa sinabi ni Miss Glenda sa sinabi nito na pinapatawag si Elliot ni Mr. Orion Ricaforte. Naisip niya na mukhang matipuhan ng kanilang boss ang guwapong binatang si Elliot. 

"Elliot, paalala lang wag kang masyadong magpalinlang sa isang babae roon. Ahas iyon," seryosong sabi ni Glenda. 

Ang tinutukoy ni Glenda ang secretary ni Mr. Orion Ricaforte na si Ashley Ortega. Naalala niyang balaan si Elliot dahil baka akalain nito na mabait ang secretary ni Mr. Ricaforte. 

"Ay! Hanggang ngayon 'di pa rin makapag-move on Miss Glenda? Hahaha!" tuksong sabi ni Rica. 

Alam ni Rica kung sino ang tinutukoy ni Miss Glenda. Sinabihan din niya si Elliot na wag magpapalinlang sa kagandahan at kasexyhan ni Ashley. Alam naman sa buong kumpanya kung gaano kaahas ang ugali ni Ashley Ortega. 

"Ay? Nagsalita ang isang babae dyan na muntikan na sugurin ang ahas sa taas?" taas kilay na sabi ni Glenda. 

Hanggang ngayon ay natatawa pa rin si Glenda kapag naalala niya ang naganap noong nakaraang taon. Muntikan na sugurin ni Rica ang babaeng ahas sa top floor dahil nalaman nito na naka-one night stand ni Ashley si Rafael na manliligaw ni Rica. 

"As of now I'm okay na and lets move on na Miss Glenda. Sige na Elliot, pumunta ka na roon sa top floor. Maingat ka sa babaeng ahas doon," ngising sabi ni Rica. 

"Ah? S-sige po," sabi ni Elliot. 

Kahit na nag-aalangan si Elliot na pumunta sa top floor kung saan nandoon ang opisina ni Mr. Orion Ricaforte ay tumayo na siya sa pagkakaupo at nagpaalam siya sa kanyang katrabaho na sila Miss Glenda at Miss Rica. 

Sobrang kinakabahan at nag-aalala si Elliot dahil iniisip niya kung ano ang sasabihin ng mga ibang empleyado na makakakita sa kanya ngayon na pupunta siya sa top floor? 

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Elliot at pumunta na siya sa elevator para makaakyat siya sa top floor. 

Tamang-tama lang ang pagpunta ni Elliot sa elavator dahil meron siyang nakitang lumabas doon at agad na siyang sumakay sa elevator. Buti na lang ay wala siyang kasabayan sa loob ng elevator. 

Pinindot na ni Elliot ang number 25 kung saan nandoon ang tinatawag na top floor. Muli ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Napasandal na lang siya sa sulok ng elevator.

Bigla naalala ni Elliot ang nangyari noong nakalipas na linggo. Hindi niya talaga akalain na masasagad niya muli ang katawan niya dahil sa pakikipagtalik niya sa matipunong lalaki na si Mr. Armie Gutierrez. 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon