8

402 16 0
                                    



Chapter 8

"Si Elliot, pala ang tinutukoy mo hon?" kunot noo tanong ni Valeria. 

Nakakunot na nakatingin si Valeria sa kanyang asawa kung saan katabi nito si Elliot na kitang-kita niya ang takot nito sa guwapong mukha nito. 

"Oo siya nga. Hindi ito tumitingin sa dinadaanan nito. Paano na lang kung may dala akong mainiy na kape? Edi natapon iyon sa akin?" inis na sabi ni Armie. 

Wala naman kay Armie kung nabangga siya ni Elliot. Ang sa kanya lang ay ayaw niya ang tatanga-tangang tao. Isa rin sa dahilan kung mainit ang ulo niya ay dahil hindi siya nakapagpalabas. 

Bitin na bitin si Armie ngayon. Nagpapasalamat lang siya dahil medyo lumambot ang kanyang b*rat pero nabuhay muli ito. Dahil na rin sa pagkakabangga ni Elliot sa kanya. 

Ramdam ni Armie kanina ang kamay ni Elliot sa harapan niya. Hindi niya alam kung bakit agad na nag-react ang kanyang b*rat? Lalo na lalaki si Elliot ngunit ngayon nakatingin siya rito ay sobra siyang naguguwapohan sa maamong mukha nito. 

Naisip ni Armie isa rin dahilan kung bakit mainit ang ulo niya ay 'iyong 'di niya makalimutan ang maamong mukha ni Elliot. Kahit saglit lang niya nakita ito ay para bang tumigil ang ikot ng mundo niya. Para bang tumatak ang maamong mukha ni Elliot sa kanyang isipan. 

Napapamura na lang si Armie sa kanyang sarili dahil kung ano-ano na lang ang kanyang iniisip. Masyado siyang naapektuhan sa maamong mukha ni Elliot lalo na ngayon na malapit lang ito sa kanya at katabi pa niya sa upuan. 

Ibinaling ni Armie ang tingin niya sa kanyang asawa dahil baka kung ano pa ang magawa niya kapag pinanatili niya ang kanyang tingin kay Elliot. 

"'Di k-ko po sinasadya. Pasensya na po kayo Mr. Gutierrez," magalang na sabi ni Elliot. 

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ni Elliot dahil sa kakaibang tingin ni Mr. Armie Gutierrez sa kanya. Familiar ang mga tingin nito sa kanya na para bang mga tingin sa kanya ng mga kaibigan ng kanyang ama. 

'Di nagpahalata si Elliot na kinakabahan at naiilang siya ngayon kay Mr. Armie Gutierrez. Tinignan niya si Mam Valeria at humingi rin siya ng tawad dito. Sinabi niya na nagmamadali siyang lumabas para masagot niya ang tawag sa kanya. 

"Its okay Elliot. Alam ko naman na hindi mo iyon sinasadya," ngiting sabi ni Valeria. 

Tumingin si Valeria sa kanyang asawa na si Armie na kitang-kita pa rin niya ang init ng ulo nito. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil sinabihan niya ito na kalimutan na lang nito ang nangyari dahil aksidente lang ang nangyaring pagkabangga ni Elliot dito. 

"Ok fine!" sukong sabi ni Armie. 

 Seryosong tumingin si Armie kay Elliot na nakangiting nakatingin sa kanya. Nagpasalamat na rin siya rito dahil tinulungan nito ang kanyang asawa na si Valeria. 

Bigla napatanong si Armie sa kanyang sarili habang nakatingin siya sa maamong mukha ni Elliot. Hindi kaya nito naramdaman na nasagi nito ang kanyang harapan kanina ng makabangga siya nito? 

Napatingin si Armie kay Valeria dahil nagpaalam ito sa kanila na pupunta lang ito sa powder room kaya naman naiwan silang dalawa ni Elliot. 

Kahit na hindi tinitigna ni Armie si Elliot ay ramdam niyang nakatingin ito sa kanya. Nakakaramdam siya ng pagkailang sa ginagawang pagtingin sa kanya ni Elliot. 

"M-mr. Gutierrez, pasensya na po talaga kayo. Nagmamadali lang po talaga akong sagutin ang tumatawag sa cellphone ko. Sobrang importante lang po kasi iyon," magalang na sabi ni Elliot. 

Kakaiba ang nararamdaman ni Elliot habang tinitignan niya si Armie Gutierrez para bang familiar sa kanya ang tingin nito sa kanya kanina. 

"Whatever sa susunod ay m-mag-ingat ka," seryosong sabi ni Armie. 

Kahit 'di nakatingin si Armie kay Elliot ay amoy na amoy niya ang mabangong natural na amoy nito. Para bang nasasapawan ng amoy ni Elliot ang masasarap na amoy ng pagkain na nakalagay sa lamesa ngayon. 

'Di maiwasan ni Armie na mapalunok dahil kakaiba talaga ang epekto sa kanya ni Elliot. Napapamura na lang siya sa kanyang sarili at napapayulom ang dalawang kamao niya na nasa ilalim ng lamesa. 

Kahit anong pigil ni Armie na kontrolin ang kanyang sarili ay nararamdaman na niyang dumadaloy ang kakaibang init sa buong katawan niya. 

Inayo ni Armie ang pagkakaupo niya at pasimple niyang inayos ang kanyang harapan. Nasa dulong bahagi naman sila nakapuwesto kaya naman walang nakapansin sa kanyang ginawa. Puwera na lang kay Elliot na nakatingin pala sa kanya. 

"A-anong tinitingin mo dyan?" seryosong tanong ni Armie. 

Muli na naman napalunok si Armie ng tignan niya si Elliot. Sobrang amo talaga ng mukha nito. Masasabi niyang kakaibang kaguwapohan ang taglay ng binatang nakatabi niya ngayon. 

Kanina pa napapansin ni Armie na sobrang linis tignan ni Elliot sa suot nito ngayon na puting polo tshirt. Napapunta ang tingin niya sa mapula-pulang labi nito na kaysarap na laplapin. 

Hindi maiwasan na maisip ni Armie na nasa ilalim ng lamesa si Elliot habang abala itong pinaglalaruan sa bibig nito ang kanyang malaki at matabang b*rat. 

'Di alam ni Armie kung ilang beses na siyang napapamura sa kanyang sarili. Ilang beses na siyang napapalunok ng laway dahil para bang natatakam siyang sunggaban si Elliot. 

Napapailing na lang si Armie at ibinaling na lang niya ang tingin niya sa pagkain na nasa harapan niya. Kahit na nakikita niyang masarap ang mga pagkain na nakalagay sa lamesa ay para bang mas gusto niyang tikman si Elliot. 

Nagulat na lang si Armie ng biglang mabasa ang kanyang harapan dahil natabig ni Elliot ang basong naglalaman ng tubig. 

"What the f*ck!" gulat na sabi ni Armie. 

Nakakunot na napatingin si Armie kay Elliot na kitang-kita niya ang takot sa maamong mukha nito. Para bang biglang nawala ang galit niya dahil sa nangyari at napalitan ng awa. 

Para bang nakakita si Armie ng isang batang napagalitan ng ina nito at hindi magtatagal ay iiyak na ito. Ganun na ganun ang nakikita niya ngayon sa reaksyon ni Elliot. 

"S-sorry po Mr. G-gutierrez!" pag-aalalang sabi ni Elliot. 

Aksidenteng natabig ni Elliot ang basong may lamang tubig dahilan para matapon ang tubig sa mismong harapan ni Mr. Gutierrez. Agad siyang kumuha ng tissue na nakalagay sa ibabaw ng lamesa at pinunasan niya ang harapan nito. 

Habang pinupunasan ni Elliot ang mismong harapan ni Mr. Gutierrez ay nararamdaman niya ang matigas na b*rat nito. Kaya napahinto na lang siya sa kanyang ginagawa dahil biglang hinawalan ni Mr. Gutierrez ang kanyang kamay. 

Hindi lang basta hawak ang pagkakahawak ni Mr. Gutierrez sa kamay ni Elliot kundi mahigpit ang pagkakahawak nito. Napatingin na lang siya sa makisig na lalaking humawak sa kanyang kamay. 

"Stop," seryosong sabi ni Armie. 

Napakagat labi na lang si Armie habang nakatingin siya sa maamong mukha ni Elliot. Agad niyang hinawakan ang kamay ng guwapong binatang si Elliot para huminto ito sa pagpunas sa kanyang harapan. Dahil tigas na tigas na ang kanyang b*rat dahil sa pagpunas ni Elliot sa nabasa niyang harapan. 

"S-sorry po talaga Mr. G-gutierrez, 'di ko p-po talaga sinasadya," pag-aalalang sabi ni Elliot. 

Nakita ni Elliot na paparating na si Mam Valeria kaya naman agad niyang inalis ang kamay ni Mr. Gutierrez sa pagkakahawak sa kamay niya. Sa pag-upo ni Mam Valeria ay kinamusta siya nito kung nasarapan ba siya sa kanyang pagkain. 

"Opo Mam Valeria, sobrang sarap ng pagkain. Sobrang busog na busog po ako. Excuse me lang po punta lang po ako sa comfort room," ngiting sabi ni Elliot. 

Bago pa man tumayo sa pagkakaupo si Elliot ay tumingin siya kay Mr. Gutierrez na seryosong nakatingin sa kanya. Tumango siya rito at tuluyan na siyang tumayo at pumunta sa comfort room. 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon