Elliot

206 15 1
                                    



Chapter 35

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

"E-elliot, ang aga mo yata umuwi? Kala ko mamaya ka pa?" takang tanong ni Chan. 

Hindi inaasahan ni Chan na uuwi agad si Elliot. Ang akala niya ay makikipaglaro pa ito sa mga kaklase nito? 

"Hindi na po ako sumama kina Yuan, kasi day off ninyo," masayang sabi ni Elliot. 

Kararating lang ni Elliot sa bahay nila at agad siyabg pumasok sa loob ng bahay. Nakita niya ang kanyang Tito Chan na kalalabas lang ng banyo. Para bang kakatapos lang nito maligo? 

Tinanong ni Elliot ang kanyang Tito Chan kung ngayon lang ba ito nakaligo? Alam niyang maaga ito naliligo at nagpapahinga tuwing day off nito. Nakita niyang tumango ito sa kanyang katanungan. 

Papasok na sana si Elliot sa loob ng kuwarto nila ng kanyang Tito Chan ng bigla siya nitong pigilan. Sinabi nito na sa sala na muna nito iwan ang bag nito at mamaya na lang ito magbibihis. 

Inutusan si Elliot ng kanyang Tito Chan na magsaing at magluto ng ulam. Pero sinabi niya na magpapalit lang muna siya ng damit dahil amoy pawis na ang kanyang puting polo na uniform. 

"Mamaya ka na lang magpalit dahil m-may tao sa loob mg kuwarto," sabi ni Chan. 

Nakita ni Chan na napakunot noo ang maamong mukha nito at tinanong nito kung sinong tao ang tinutukoy niya? 

Akala talaga ni Chan na mamaya pa uuwi si Elliot kaya naman tinawagan niya ang kanyang girlfriend na si Aliza para papuntahin ito sa kanyang bahay. Matagal na niyang girlfriend si Aliza magtatatlong buwan na. 

Matagal na kimukulit si Chan ng kanyang kasintahan na pumunta ito sa bahay niya. Pero palagi siyang tumatanggi dahil na rin nandito si Elliot.

Ayaw na muna ipakilala ni Chan si Aliza kay Elliot dahil hindi pa niya ito nakakausap. Pero ngayon ay napagpag-usapan nilang dalawa ng kanyang kasintahan na ngayon araw na ito ay papapuntahin niya ito sa bahay dahil nagkasabay sila ng day off. 

Sinamantala ni Chan ang pagkakataon na pumasok sa skuwelahan si Elliot. Buong araw niyang kasama sa loob ng kuwarto si Aliza at doon ay ilang beses niya itong kinant*t. 

Lagi na lang kasi nagbabayad ng motel si Chan tuwing niyayaya niyang magtalik si Aliza. Masyado lang magastos dahil napapadalas na kasi ang pagtatalik nilang dalawa. Hindi rin kasi puwede sa bahay ng kanyang kasintahan dahil na rin nandoon ang pamilya nito. 

Napatingin si Chan sa pintuan ng kuwarto nila ni Elliot at nakita niya si Aliza na lumabas na suot lang ang puting t-shirt niya at naka-panty lang ito.

"Gising ka na pala. Maligo ka na muna at kakain na tayo ng hapunan," sabi ni Chan. 

Pumunta sa sala si Chan at nanuod siya ng tv. Nakita niyang nilapitan siya ni Aliza at ni Elliot. Napakunot noo siya napatingin sa dalawa. 

"Tito Chan, sino po siya?" takang tanong ni Elliot. 

Nakatingin si Elliot sa isang magandang binibini na para bang kakagising lang nito? At napansin niyang suot nito ang damit ng kanyang Tito Chan. 

"Ako ang kasintahan ng Tito Chan, mo. Ikaw siguro si Elliot?" ngiting sabi ni Aliza. 

Hindi naman nagulat si Aliza na makita si Elliot sa loob ng bahay ni Chan dahil na rin na kuwento nang kanyang kasintahan na meron itong kasama na pamangkin na lalalki sa bahay nito. 

Hindi naman akalain ni Aliza na sobrang guwapo ang pamangkin ni Chan. Hindi naman kasi nito ikinuwento o sinabi na guwapo ang pamangkin nito. Titig na titig siya sa maamong mukha nito na para bang may lagi itong koreano? 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon