VIP 10

447 18 0
                                    



Elliot 10

"Tangin* pare! Anong nangyayari sa'yo? Sobrang init ng ulo mo? Hmm… Ilang araw na iyan ah?" kumot noo tanong ni Wilson. 

Nandito si Wilson sa opisina ng kanyang kaibigan na si Armie. Nagulat na lang siya kanina dahil pinagsisigawan nito ang mga board member ng kumpanya. 

Naawa nga si Wilson kay Apple dahil ito talaga ang napahiya kanina sa meeting dahil mali-mali ang mga nakalagay sa report ni Armie. Alam naman niya na pinagkakatiwala ng kanyang kaibigan ang mga monthly report sa mga nagiging secretary niya. Alam naman din niya na lagi nitong tinitignan ang report na ginagawa ng secretary nito bago ito sumalang sa monthly meeting ng kumpanya. 

Nagtaka si Wilson kung bakit 'di alam ni Armie na mali-mali ang inilagay ni Apple sa report nito? Hindi yata nito tinignan bago ito mag-reprensta sa meeting kanina? 

"Ang bobo ni Apple! Anong pinaglalagay-lagay niya? Malinaw ang instruction ko sa kanya! Buwiset!" galit na sabi ni Armie. 

Ilang araw na ba mainit ang ulo ni Armie? Ilang araw na siyang palaging pinapagalitan ang mga empleyado niyang pumapalpak sa trabaho? Ayaw na ayaw niya sa lahat ay bobo sa trabaho. Kaya mahigpit ang pagkuha nila ng empleyado sa kumpanya para maging maayos ang takbo ng kumpanyang pinaghirapan ng pamilya niya. 

Tumayo sa pagkakaupo si Armie at tumingin siya sa life size window sa opisina niya. Kitang-kita niya ang magandang tanawin sa buong bayan ng Santiago. 

Isa ang building ng kumpanya ni Armie sa pinakamataas na gusali sa bayan ng Santiago. Isa rin ang Gutierrez Companya kasali sa Top 50 Best Company sa lunsod ng Lubao. 

Iniingatan ni Armie ang kumpanya ng pamilya niya para lalo umangat at umasenso. Aaminin niyang puro siya trabaho pero 'di niya nakakalimutan na magpakasaya sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa iba't-ibang babae. 

Simula't sapol ay babaero na si Armie. Nagpapasalamat siya na nakakita siya ng isang babaeng nagmahal sa kanya hindi dahil sa pera kundi ang pagkatao niya ang minahal. Si Valeria Martinez Gutierrez siya ang kanyang pinakamamahal na asawa. 

Kahit na nakikipagtalik si Armie sa iba't-ibang babae ay hindi siya nagmamahal ng ibang babae. Wala siyang mahal kundi ang kanyang asawa kaya nagbunga ang pamamahalan nila ng isang sanggol na lalaki. 

Napakunot na lang si Armie ng biglang itinanong ng kanyang matalik na kaibigan na si Wilson kung ano ba kinaiinit niya ng ulo? 

"Kilala kita pare. Alam kong hindi ang report ba ginawa ni Apple ang kinaiinit mo ng ulo. Alam at ramdam kong may ibang dahilan," seryosong sabi ni Wilson. 

Ibinagsak ni Wilson ang kanyang katawan sa itim na sofa na nakalagay sa tabi ng dingding ng opisina ni Armie. Ang kinauupuan niyang sofa ay ang madalas sex spot ni Armie at ng mga naging secretary nito. 

Alam at ramdam ni Wilson na hindi lang ang report na ginawa ni Apple kanina ang kinaiinit ng ulo nito. Alam niyang may iba pang dahilan. Matagal na niyang kakilala ito kaya alam na niya ang topak nito. 

Biniro pa ni Wilson kung kailangan lang ni Armie ng isang masarap na sex. Kayang-kaya niyang magbigay ng isang babae na sobrang tipo ng kanyang kaibigan dahil na rin marami siyang kontak. 

Alam ni Wilson na sariwa ang gusto ng kanyang kaibigan. Marami siyang kontak na kahit anong oras o araw ay puwede siyang tumawag sa mga ito para magbigay ng sariwang babae para sa kanya at para sa kanyang kaibigan na si Armie Gutierrez. 

"Puwede ba pare iwan mo na lang muna ako. Gusto ko na muna mapag-isa," pakiusap na sabi ni Armie. 

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Armie ng marinig niyang nagbukas at nagsara ang pintuan ng kanyang opisina. Kahit na 'di niya tignan ang kanyang kaibigan ay alam niyang lumabas na ito. 

ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon